Pagdating namin sa kwarto ay agad kong ni-locked ang pinto. Agad naman kinuha ni Selene ang toiletries bag niya at nilabas ang box at iniabot sakin. "Bakit may ganito ka sa bag mo?" hindi ko maiwasan na itanong. Iniabot ko ang box at binasa iyon. Home pregnancy test kit. "Kasi nga desperada siya," si Jazz ang sumagot. "Game na, Mayu. Pasok na sa bathroom. Hihintayin ka namin dito. Just follow the instructions, okay?" sabi naman ni Selene sabay abot sa akin ng maliit na box. Dahan-dahan akong tumango saka pumasok sa c.r. Huminga ako ng malalim saka sinunod ang instructions na nasa box. Pagkatapos kong gamitin at ng masiguro na nasunod ko naman ang instructions ay iniwan ko ang pregnancy test sa ibabaw ng sink. Lumabas ako ng banyo at hinarap ang dalawa na naghihintay. "A