Maaga akong nagising kinabukasan. Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim pa. Kinuha ko ang cellphone sa bed side table at nakitang four A.M na. Ibinalik ko ito at binalot ang sarili ng kumot saka muling pumikit. Pinilit kong bumalik sa pagtulog ngunit lumipas na ang ilang minuto ay gising na gising pa rin ako. Dumilat ako at kinuha muli ang phone ko. Five A.M na. Isang oras na din ng lumipas. Napagpasiyahan kong bumangon at tumayo. Naglakad ako patungong banyo para maghilamos at mag-tooth brush saka bumalik sa kama at naupo. Kinuha ko ang phone ko saka tumayo sa harap ng bintana. And then an idea popped up on my mind! Nag-search ako sa google kung anong oras sisikat ang araw sa lugar kung nasaan kami at ang sabi dito ay five forty-five A.M. Muli kong tinignan ang phone k