Warning: SPG Ngingiti-ngiti ang loko habang hinihintay ang receptionist ibigay ang susi ng hotel room namin. "Ang saya mo ha,” hindi ko mapigilan na bulaslas. Mahina siyang natawa at agad akong inakbayan nang makuha niya ang key card, saka ginaya na maglakad patungo sa elevator. Agad bumukas ang elevator nang pindutin niya ang button. Mabilis naman kaming pumasok doon. "Minsan tuloy iniisip ko na kaya mo ako pinakasalan ay dahil d’yan,” sabi ko pa ng makasakay na kami sa elevator. Naramdaman kong tinanggal niya ang braso sa balikat ko kaya tinignan ko siya. Mula sa pangiti-ngiti ay naging seryoso ang mukha niya. Salubong ang mga kilay na tumingin ito sa akin, humalukipkip ako at sinalubong ang mga titig niya. "Don't say that, baby. I married you because I wan