Hindi ko na naabutan si Bae paglabas ko ng banyo. Hindi ko na lamang ito hinanap at nagtungo sa kama saka binuksan ang laptop ko para gawin ang online homework ng major subject ko. Muntik ko ng makalimutan kung di ko lang nakita 'yung laptop. Nagtuloy-tuloy na ganito ang set-up namin ng mga sumunod na araw. Dito siya samin natutulog at ihahatid ako sa school sa umaga, pero pag-uwi ko ay mag-isa na lang ako at uuwi siya ay gabi na, kung kailan tulog na ako. Narinig ko din from Papa na tumutulong siya sa company ng Daddy nila Denver dahil hindi naman siya pwede ng mag-enroll sa school. Hindi ko pa rin siya kinikibo kahit na lagi niya akong hinahatid sa school, at mukhang hinahayaan niya ako dahil hindi siya nangungulit. Kinakausap niya ako pero kapag nakadalawang ulit na siya n