Kasalukuyan na kaming nakasakay sa van pabalik sa Napoli Heights. Monday na ng umaga, at dahil holiday ay walang masyadong sasakyan sa expressway kaya tuloy-tuloy ang biyahe. Nasa iisang van pa rin kaming magpipinsan, kasama si Bae, Selene at Jazz. Sumabay din sa amin pauwi si Zendaya pero nasa van siya nila Mama dahil baka magkagulo kapag dito siya sa amin sumama. Nasa likod pa din kami naka-puwesto katabi ang asawa kong kanina pa ako hindi kinikibo. And to be fair ay hindi ko din siya pinapansin. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay. Maayos pa kami kanina bago umalis ng isla pero nong may tumawag sa kanya ay parang nakalimutan niya na may mga kasama siya at ngayon ay nakatutok lang sa phone niya. Narinig ko rin na mukhang aalis na naman siya at pupunta kung saang lup