Muling umandar ang van. Katahimikan ang bumalot pagkatapos niyon. Napabuntong hininga ako at muling sinuot ang earphones sa tenga ko. Nakamasid lamang ako sa labas ng bintana hanggang sa may mapansin akong kakaiba. Ang itim na audi na kanina pa sumusunod sa amin. Nakalabas na kami ng expressway at malayong-malayo na sa Napoli Heights pero ang sasakyan na iyon ay mukhang kanina pa kami sinusundan. Nandoon din kaya ito gasoline station kung saan kami nag-stop over kanina? Ngayon ay hindi ko sure kung nasa South pa ba kami pero dahil puro talahiban at bibihira na ang mga bahay na nadaraanan namin ay nakaramdam ako ng kaba. Isama pa ang mabatong kalsada na dinadaanan namin na nagpapaalog sa sasakyan. "Reb!" Natigil sa pagku-kwentuhan ang apat sa malakas na pagsigaw ko.