"Mayumi?" "Mayu?" Dahan-dahan akong nagmulat at agad tumambad sa akin ang puting kisame. Muli akong pumikit at dumilat ulit saka luminga-linga sa paligid. Doon ko napagtanto na nasa isang kwarto ako. Mabilis akong napabalikwas at luminga sa paligid. "Mayu?" Napakunot-noo ako nang makita si Baelfire na nakatayo sa pinto sa kaliwa. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang may hawak na towel sa kaliwa niyang kamay. Kapansin-pansin din na bagong ligo siya base sa pagtulo ng butil ng tubig mula sa buhok niya. Luminga-linga muli ako sa paligid, malawak ang buong kwarto na tanging malaking kama, dalawang pinto at malaking bintana sa ulunan ng kama. Umalis ako sa kama at nagtungo doon. Unang bumungad sa akin ang malawak na palayan. Wala din akong mga bahay na makita hab