"Ayusin niyo ang mga sarili niyo at mag-uusap tayo!" Hindi na ako nakapagsalita pa nang mabilis na tumalikod si Papa at lumabas ng kwarto. Agad naman sumunod si Mama sa kanya habang napapailing naman ang mga pinsan ko at sina Tita. Napabuga ako ng hangin nang tuluyan nilang lisanin ang kwarto. Inis na ginulo ko ang buhok ko at dahan-dahan na tumingin kay Bae. Biglang tumulo ang luha sa mata ko ng makasalubong ang mga mata niya. "Bae…” "Mayu,” tawag niya sa pangalan ko and it somehow comforted me. Bumuntong hininga siya at umusod palapit sa akin. Agad naman akong umatras at bahagyang napangiwi ng makaramdam ako ng kirot. Napapikit ako at napakagat sa ibabang labi ko ng may ma-realize. "Pananagutan kita, Mayu,” tumango ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Pumikit ak