"Mama, bakit ako kinakabahan?" Mahinang natawa si Mama sa tanong ko. Marahan niyang hinaplos ang bare shoulders ko at tinignan ako mula sa repleksyon ko sa salamin. "Normal lang 'yan, anak. Ganyan din ako noong kasal namin ng Papa mo,” nakangiti niya na sagot. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Simpleng white tube wedding gown na may stones ang suot ko, tinernuhan ng white pearls jewelries at light make-up and red lipstick. May suot din akong white gwantes na hanggang siko at suot ko na din ang veil. Kasalukuyan kaming nakatayo ni Mama sa life-sized mirror habang hinihintay si Selene na matapos sa pag-aayos. "Hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal ka na, Mayumi,” bulong pa ni Mama. Hindi ko alam pero bigla ay parang naiiyak ako dahil sa sinab