"Alam mo ba na gago ka?" Hindi ko mapigilan na sabihin nang bitawan niya ako. Mabilis akong lumayo dito at masama ito na tinignan. Bakit na naman ba ako nagpahalik sa lalaking ito? Ano bang nangyayari sa iyo Mayumi?! "Alam mo rin ba na masama sa babae ang magmura?" sabi naman nito na hindi pinansin ang matalim na tingin ko sa kanya. If looks could kill panigurado ay nakahandusay na siya sa lupa. “Pero gago ka pa rin,” sabi ko na lang. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko nang maalala ang nangyari kanina. Gago talaga ‘tong Bae na ‘to. Pangalawang beses na ito at kapag nagpangatlo pa ay ewan ko na lang talaga. "Ginusto mo rin naman. Hindi ka nga pumalag, eh,” sabi nito saka ngumisi. Inis na tinalikuran ko ito saka nagtungo sa motor nito na nakaparada. Tatawa-tawa ito