Nauna akong pumasok sa kwarto na nilaan sa akin dahil may biglang tumawag sa phone ni Bae. Naupo ako sa malaking kama matapos ko isara ang pinto saka huminga ng malalim. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba nang mapagtanto na ngayon ang first night namin as a married couple. Muli akong huminga ng malalim saka pumasok sa walk-in closet para maghanap ng masusuot. Nadaanan ko ang life sized mirror kaya napahinto ako doon at pinagmasdan ang repleksyon ko. I really looked like a grown-up woman dahil sa puting wedding gown na ito. Medyo hulas na ang make-up ko pero maayos pa rin naman ang mukha ko at nasa ayos pa rin ang buhok ko. Gumalaw-galaw ako sa harapan ng salamin at marahan na hinaplos ang maliit na perlas sa may bandang tiyan ko. “Gorgeous.” Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang