Chapter Three

1960 Words
NAGISING si Viel sa gitna ng mahimbing niyang pagtulog, napilitan siyang imulat ang kanyang mga mata upang tukuyin kung saan nang-gagaling ang malamig na hanging naramdaman niyang dumapo sa kanyang balat. Marahan niyang iginala ang kanyang paningin at napansing naiwan pala niyang nakabukas ang bintana. Dahan-dahan siyang tumayo at nag-unat ng katawan. Hindi napigilang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang masilayan ang magandang tanawin ng La Trinidad. Papaangat pa lang ang araw ngunit marami nang trabahador sa strawberry farm, buhay na buhay na ang paligid kaya't agad siyang dinapuan ng sigla. Dagli-dagli niyang tinungo ang banyo para maligo at nabuo ang pasya niyang ikutin ang buong farm ngayong araw. He wants to be lost by its beauty and forget all the pain Jems had caused him. Binuksan niya ang shower, hinayaan niyang dumaloy ang tubig sa kanyang katawan habang iniisip ang mga bagay na maaaring magpa-limot sa kanya sa kasalukuyang sitwasyon niya. "Anna Summer," wala sa isip na sambit niya. Napa-iling na lang siya at natigilan matapos mapagtantong hindi niya dapat iniisip ang dalaga. "Magtigil ka 'nga Vincel, step-sister siya ng ex mo." saway niya sa sarili. "Get a grip! Not another Montemayor." Kapansin-pansing tahimik ang buong mansyon sa pagbaba niya mula sa hagdanan. Puro mga maids ang nakikita niya at miski si Rafael ay hindi niya mahanap. "Ah, Nasaan sina Tito?" usisa niya sa kasambahay na nakasalubong patungo sa kusina. "Maaga pong pumupunta ng bayan sina Ma'am at Sir, senyorito." magalang na sagot nito. "Eh si Rafael?" "Maaga rin pong umalis eh. Nagbilin lang po s'ya na ipaghanda kayo ng pagkain at ipaalam sa inyo na mamayang hapon pa siya uuwi." muling tugon ng kasambahay. "Ah Sige, Salamat." nagbuntong-hiningang saad niya. Wala sa kundisyon si Viel para kumain kaya napag-desisyunan niyang maglibot na lang tulad ng balak niya. Sa palagay naman niya'y hindi siya mawawala sa farm na ito dahil marami siyang mapagtatanungan na trabahador sa lugar. Maya-maya'y hindi niya namamalayang tinatahak na pala niya ang daan papunta sa Rose Garden. Tila dinala siya rito ng kanyang mga paa nang hindi niya namamalayan. Nagbuntong-hininga na lang siya at napakamot ng ulo matapos matanaw ang hardin mula sa di kalayuan. "Bahala na nga." nag-aalinlangang bulong niya sa sarili habang naglalakad. Walang Summer na nasilayan si Viel sa hardin. Nakakapagtaka 'yon para sa kanya dahil sa ilang araw niyang pananatili sa farm, dito niya lang laging nadadatnan ang dilag. Hindi pa man siya humahakbang papalapit sa rest house ng hardin ay may napansin na siyang kakaiba, may ingay siyang naririnig sa loob at walang mga kasambahay na makikita sa paligid. "Ayoko, wala akong oras sa mga ganyang bagay." isang pamilyar na boses ang narinig niya nang lumapit siya sa bintana ng bahay. Ang unang nahagip ng mga mata niya ay si Summer at nang igala pa niya ang paningin, nakita niya rin si Donya Jella. Hindi man niya alam ang nangyayari, natutukoy niyang nagtatalo ang mag-ina. Nanatili siyang nagmamasid at nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. "Whar do you mean ayaw mo, hija? Aakyat lang ng ligaw si Rojeof, what's wrong with that?" haltang dismayado ang tono ng ginang sa isinagot ng anak. Nilapat nito ang mga kamay sa balikat ng dalaga at huminga nang malalim bago magsalita muli. "Hija, Please? I just want what's best for you." Marahas na tinanggal ni Summer ang kamay ng ina. "What's best for me? Or what's best for YOU and Jems?" sarkastiko niyang tanong. Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Jella dahil sa sinabi niya dito. "What? W-What do you mean?" "Uso na ba ngayon ang maang-maangan Jella? 'Yan ba ang bago mong get-away tactic?" "Summer! What the hell are you saying?" anang gulong-gulo nang ginang. "I don't get your point." Sandaling tumahimik ang dalaga at yumuko, ngunit sa pag-angat niya ng ulo'y nakapinta na ang mapanuyang ngiting bumubura sa inosenteng imaheng taglay niya kanina. "Don't act as if you're just being a good mother, 'cuz you never were and never will be. Hindi kita ina Jella, kaya wala kang karapatan na sabihin saakin ang dapat kong gawin!" mariing pahayag niya, matapos ay humalakhak na may halong panunuya. Jella was speechless, as if slowly absorbing the words that Summer had blurted out. May bahid ng pait at lungkot ang ekspresyon niya. "S-Summer, anak.." Iniiwas ng dilag ang sarili niya nang akmang hahawakan muli ng step-mother niya ang kanyang balikat. "Don't touch me! Wag na wag mo 'kong matawag-tawag na anak!" galit na singhal niya habang hinahabol ang hiningang pinipigilan bunga ng panggagalaiti.  "And why are you so in favor kay Rojeof? Gusto mo na 'kong mawala sa landas mo? You want me to marry him so that wala na kayong kaagaw ni Jems sa ari-arian ng Daddy ko? That's a rotten strategy Jella! I'll never let that happen....." "Wala kang galang!" Hindi pa man natatapos ang panunumbat niya ay nakaramdam na siya ng malakas na hagupit sa kanyang pisngi.  "Bastos? Galang? Kung gusto mo ng galang, hindi mo sana kinalaguyo ang Daddy ko noong buhay pa si Mama. Kung hindi mo ginulo ang pamilya ko, hindi sana namatay si Mama!" "Summer, alam mong hindi totoo 'yan! Aksidente ang nangyari..." "Hindi ako naniniwala sa'yo, at kahit kalian hindi kita paniniwalaan." ito ang huling sigaw niya bago tuluyang layasan at talikuran ang pinaka-kinamumuhian niyang tao sa balat ng lupa. Si Jella Evangelista Montemayor. The wrecker of her home, the witch and the devil she desire to bury to death. - TUMAKBO siya palabas ng bahay, hindi niya alintana na dumidilim na ang paligid at malapit nang umulan. Wala siyang tiyak na patutunguhan ngunit patuloy pa rin sa pag-abante ang kanyang mga paa. Hindi siya naiiyak, sobrang galit lang talaga ang nangingibabaw sa dibdib niya ngayon. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya lubusang tanggap sa sarili ang pag-pasok nila Jella at Jems sa buhay nila, pakiramdam niya kasi'y ang mga ito ang dahilan ng pagka-sira ng lahat-lahat sa buhay niya. Tumigil siya sa pag-takbo kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan. Napansin niyang sa gilid ng lawa pala siya nakarating, hindi ito kalayuan sa farm kaya laking pasalamat niyang hindi pala siya mahihirapang umuwi mamaya. Niyakap niya na lang ang sarili nang makaramdam ng lamig bunga ng malakas na ulan. "Summer ngayon 'di ba? Bakit umuulan? Kainis naman oh." Inis na pag-aalburuto niya. "As expected of you, Summer. Masyado kang HOT palagi, chill out din paminsan-minsan." Agad na napalingon ang dalaga nang marinig ang boses na 'yon mula sa likuran. It was that Viel again, showing up in the middle of her bad day while smiling victoriously and irritating her senses. "Oh? Bakit ganyan ka makatingin? Masyado ka na bang na-gwapuhan sa'kin?" biro ng binata. Inirapan niya lang ito at tinalikuran. "Umalis ka na nga dito, baka bumagyo pa sa lakas ng hangin na dala mo." masungit niyang tugon. Imbes na umalis, naramdaman niyang humakbang ito papalapit at tumayo sa tabi niya habang pinapayungan siya. "Hindi mo ba alam, nasa dugo namin ang pagiging gwapo?" muling pagyayabang ni Viel na mas lalo niyang kinainis. "Napunta lahat sa dugo, walang natira para sa mukha." inis na dugtong niya sa sinabi nito. Ang buong akala ni Summer ay maiinis na rin ito dahil sa sinabi niya, laking gulat na lang niya nang marinig ang pagtawa nito. Nagtatakang ibinaling niya ang tingin dito at nagtaas ng kilay. "Anong nakakatawa?" "IKAW." may pagka-sarkastikong sagot ni Viel habang pilit na pinipigil ang pag-tawa. "You're just...so extreme!" bulaslas nito. "Weirdo." nasabi na lang niya, nagkibit balikat siya at hinayang tumawa ang binata. Moments later, the sound of his laugh stops. Nilingon niya ito, at laking gulat niya na lang nang makitang titig na titig ito sa kanya. Hindi niya mapagtanto kung bakit nakipagtitigan rin siya dito. Pakiramdam niya'y may kung anong nag-uudyok sa kanyang titigan ang mga nakakaakit na mata ng binata. "Why do you despise me so much?" tudyo nito sa kanya. Mas lalo pa itong dumikit palapit sa kanya kaya napa-atras siya agad. Nakaguhit pa rin sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti na alam niyang hindi mapagkakatiwalaan. Nagpatuloy siya sa pag-atras habang ito naman ay wala ring balak tumigil sa pag-abante. "W-Wag ka ngang lumapit sa'kin!" nauutal na utos ni Summer kay Viel. "Layo!" tili niya. "Hindi ako lalayo hangga't hindi mo sinasagot yung tanong 'ko." mariing tugon ng binata. "Vincel Dela Peña, You jerk--" Nanlaki ang mga mata niya nang wala siyang naramdamang lupa sa muling pag-atras niya. Mabilis niyang nadama ang pag-bagsak niya sa tubig, kaya't napapikit siya nang tuluyan. "Summer!" ito ang katagang huli niyang narinig bago lamunin ng tubig ang pandinig niya. It was Viel of course, sino pa nga ba ang aasahan niya? - PADABOG na ibinaba ni Summer ang isang tray ng pagkain sa mesa. Bumaling siya ng tingin sa kama at buong mithi na pinigilan ang bungisngis na kakawala sa kanyang bibig. It was Viel, still fast asleep in the bed. And she can't figure out if this man is funny or just plain stupid. "Sinubukan pang magsagip, eh 'di naman pala marunong lumangoy." natatawa pa ring bulong niya habang pinagmamasdan ang nahihimbing na binata at nagugunita ang pangyayari kanina. "Summer!" natatarantang sigaw ni Viel nang mahulog si Summer sa lawa nang hindi inaasahan. "What the hell? Summer? Marunong ka bang lumangoy? Umahon ka!" Napagtripan ng dalaga na hindi umahon kaagad para kabahan ito. Bilang laking probinsya at sanay sa paglangoy, imposibleng malunod siya sa lawang ito. "Ako naman ngayon ang gaganti!" lihim na bunyi niya bago nagsimulang i-ahon ang kanyang ulo at magkunwaring nalulunod. "T-Tulong!" "Wait! Wait ka lang d'yan! Sasagipin kita!" Maya-maya'y nakita na niyang nagtanggal ng sapatos at t-shirt ang binata at tumalon sa tubig para iligtas siya. Matagal niyang inantay na makapunta sa kanya ito pero hindi ito umahon. Nagsimula siyang maghinalang nalulunod ito nang sumisid siya muli sa tubig. Kahit nahihirapan siya ay hinila niya ito papunta sa lupa. Pi-nump niya ang dibdib nito para lumabas ang tubig mula sa katawan ng binata ngunit hindi pa rin bumabalik ang hininga nito. "Pag minamalas ka 'nga naman oh!" angil niya at napakamot ng ulo. Huminga siya ng malalim bago pisilin ang ilong ni Viel at bugahan ng hangin sa bibig. Makailang beses niya rin 'yong ginawa bago huminga nang tuluyan ang binata. Itinigil niya ang pag-babalik tanaw sa pangyayari nang maalala ang pagdampi ng mga labi nila ng mga oras na 'yon. Umiling siya, pilit niya iyong winaglit sa isipan at muling minasdan ang nakahigang si Viel. Ito ang unang pagkakataon na mapagmamasdan niya ang binata nang walang inis o pagkayamot na nadadama. Dumapo ang paningin niya sa maamong mukha nito, kung tutuusin nga'y halos pareho lang ang kinis ng kanilang kutis. Hindi maaaring itangging gwapo at matipuno nga ang ex-boyfriend 'kuno' ng step-sister niya. Kaya pala hindi na s'ya dapat pang magtaka kung bakit ito ang madalas na kukambibig ng kapatid. "I also wonder why I despise you so much." amin niya. Nagbuntong-hininga na lang siya at nagtungo sa pinto para umalis. "So, hindi mo 'nga alam ang sagot sa tanong 'ko?" biglaang sambit ni Viel na gising na pala at narinig ang mga binulong niya. "Gising ka na pala. Epic-fail-super-hero." pambubuyo ng dalaga at sumilay muli ang nakakalokong malapad niyang ngiti. "B-Bakit? Ano bang nangyari?" naguguluhang tanong nito. Hinila niya ang upuan malapit sa kama at nakade-kwatro pang hinarap ito. "Umiral na naman kasi yung hangin mo sa utak. Sasagipin mo 'ko, e di ka naman pala marunong lumangoy?" Gumuhit ang pagkapahiya sa ekspresyon ni Viel ngunit pilit niyang itinago 'yon at umakmang tila nainis. "Kasalanan mo. Kung hindi ka naman atras ng atras 'di ka malulunod, e di sana hindi ako nadamay." "Sino ba nag-sabing nalulunod ako? Marunong kaya akong lumangoy..." natigilan bigla si Summer at napakagat ng labi nang ma-realize na binuko pala niya ang sarili. "Oops.. I mean.." Tinignan niya ang binata, nakataas ang kilay nito sa kanya at pumipinta na naman ang sarkastiko nitong ngiti sa mga labi. "So, pinagtripan mo lang pala ako?  Did I get it right, Miss Montemayor?" may panunuyang tanong nito. Narrowing his vision towards her, as if she's some kind of a criminal.  Hindi niya makuhang sumagot dahil ayaw gumalaw ng mga labi niya para magsalita. Parang bumara rin ang boses niya sa kanyang lalamunan nang tumama ang mga mata niya sa nakakapang-hinang titig ng binata. "Well, ito pala ang larong gusto mo. The-despise-me-or-despise-me-not arrangement?" dagdag niya saka umupo mula sa pagkakahiga. "Bring it on. I'll make sure na sa huli, you'll like me so much, you won't be able to handle it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD