bc

Enchanting Summer (COMPLETED)

book_age16+
407
FOLLOW
1.1K
READ
playboy
goodgirl
kickass heroine
drama
tragedy
sweet
bxg
heavy
serious
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Vincel Dela Peña was struggling with his tragic life lately.

Matapos ng ikatlong pagbagsak niya sa bar exam at ang pag-iwan sa kanya ng kanyang long time girlfriend, lahat na ata ng kamalasan sa mundo'y nasalo na ng binata.

Sa pagtapak niya sa La Trinidad upang makalimutan ang lahat, natagpuan niya ang sariling nahuhulog sa bangin na pinasya niyang tahakin. Hindi lamang ang magandang tanawin ng lugar ang pumukaw sa atensyon niya.

There's this weird girl named Summer Montemayor, enchanting him at his very first glimpse of her.

Habang unti-unting lumalalim ang interes niya sa dalaga, natutuklasan niya rin ang misteryong nag-uudyok sa kanya upang lalong mapalapit dito.

(This story is written way back 2012 or 2013. Read at your own risk na lang po dahil unedited po siya. Hehe.)

chap-preview
Free preview
Chapter One
"TOL, tama na 'yan. Nakarami ka na eh." awat ng kapatid ni Viel na si Andrei. Nakaka-apat na boteng alak na siya mula pa kanina at tila walang balak ang binata na tumigil sa pag-inom. "Hindi naman makaka-tulong 'yan sayo." Kinabig lamang niya ang kamay nito. "I need this Drei. I need to celebrate!" bulalas niya, tila wala na sa tamang wisyo bunga ng matinding pagka-lasing. He slammed the bottle on the table. "Waiter, Isang bote pa ng brandy. Dali!" "Celebrate? Pare, lasing ka na. Halika na, iuuwi ka na namin ng utol mo." sabad ni Rafael na matalik na kaibigan ni Viel at kanina pa rin pinapakinggan ang mga hinanakit ng binata. Inagaw nito ang boteng hawak-hawak niya nang mapansing hindi niya pinapakinggan ito. "Kahit magpaka-lunod ka pa sa sandamakmak na alak, bagsak ka pa rin sa bar exam. Face it!" "Waiter, Ano ba? Bilisan 'nyo! Ang kupad-kupad ng proseso dito ah?" galit na singhal ni Viel. Ignoring Rafael and Andrei's ranting for a moment. Maya-maya'y pinukulan niya muli ng tingin ang mga kasama at sarkastikong humalakhak sa seryosong mukha ng mga ito. . "What's with the serious faces? Wala ba kayong balak na maki-sakay sa trip ko? Hindi ako lasing!" "Vincel Dela Peña, umamin ka nga. May iba ka pa bang problema bukod sa 3rd time failure mo sa bar exams?" prankang tanong na ni Rafael, looking tired watching his best friend in misery. "It's about Jems, right?" Unti-unting napawi ang ngiti sa mga labi ni Viel. He ran a hand through his hair at gumuhit ang lungkot sa maamo niyang mukha. "Ang galing kasing mang-iwan sa ere ng pinsan mo, Raf." Kumunot ang noo ni Andrei, tinapik ang balikat ng kapatid at para bang naguguluhan sa pinag-uusapan ng dalawa. "What are you two talking about? What is it about Jems?" "Break na sila ng kapatid mo," sagot ni Rafael habang naiiling-iling na umiinom ng red wine mula sa basong hawak. "And Jems flew to America kanina after that." "Tol, totoo ba? Bakit naman pumayag ka na umalis 'yon?" sunod-sunod na tanong ng di makapaniwalang kapatid ni Viel. Paano nga naman ito maniniwala? These past eight years, going strong ang relationship ng dalawa. Ang kulang na nga lang magpakasal ang magkasintahan para maging opisyal na ang lahat. Everything was perfect sa pagitan nila. They were compatible, same interest and passion. At higit sa lahat, parehas ng estado sa buhay. Masaya ang mga pamilya nila para sa matibay nilang relasyon, pero ika nga nila; darating at darating ang pag-subok. Just when he's about to propose, his estranged father appears. Putting a stop to the upcoming marriage.Tahasang inihayag nito na hindi sila maaaring magpakasal hangga't hindi sila parehong pumapasa sa bar exam. Hindi nga naman magandang tignan kung magpapakasal sila nang walang napapatunayan, kaya't kapwa sila pumayag. Fortunately, Winter Jem Montemayor passed; but the sad part is, Vincel didn't. Napagod na ang girlfriend niya kaka-antay sa kasal na ipinangako niya. She broke up with him - the guy who has no guts to pass a simple bar exam. Muling lumagok si Viel sa bote ng alak na kakalagay lang ng waiter sa table nila. Pinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang linya ng sakit na gumuguhit sa dibdib niya. "Iwanan 'nyo na lang muna ako," malumanay na saad niya. "Please." Wala naman nang nagawa ang dalawa dahil mukhang kailangan talagang mapag-isa ng binata. Nag-martsa na paalis si Andrei samantalang tinapik-tapik naman ni Rafael ang likod ng kaibigan.  "Antayin ka na lang namin sa kotse, Pare." paalam nito bago umalis. Humugot ng malalim na hininga si Viel bago muling lumagok ng alak. He needs this more than anyone else in the world. Hindi lang girlfriend ang nawala sa kanya, pati ang pride ng pagka-lalaki niyang tinapakan ni Jems. He's so damn ashamed of himself. "Goddamn this life!" bulalas niya. Holding back the tears na gustong-gusto na niyang ilabas kanina pa. Hindi niya lang kinayang umakto ng ganito sa harapan nina Rafael at Andrei dahil lalo lang masasaktan ang sirang-sira nang pride niya. Maya-maya'y dinukot niya ang kanyang phone, nagmamadaling mag-dial ng number. "Come on, Baby. Pick up the phone." pagsumamo niya na animo'y umaasang sasagot sa tawag niya ang kasintahang nasa kalagitnaan ng biyahe papuntang Amerika. Yes, he's crazy. Wala na siya sa katinuan. Ang tanging alam niya lang, his sanity depends on this! Gusto niyang makausap ito. Kung kailangan niyang magmakaawa para bumalik ito sa kanya, gagawin niya. "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later." Ibinagsak lang ni Viel ang telephono niya matapos marinig 'yon. Hindi niya na malaman ang dapat niyang gawin dahil sari-saring sakit lang ang tanging nadarama niya. Umiikot na ang paningin niya at hindi na niya mapigilan ang pag-bagsak ng talukap ng kanyang mga mata. Ang huli na lang niyang nakita ay ang isang malabong pigura ng kasintahan bago tuluyang nag-dilim ang lahat. 'You lose, Vincel Dela Peña' "ARAY!" daing ni Viel pagkamulat na pagkamulat ng mga mata. Sinalat niya ang kanyang ulo na parang mabibiyak na sa sobrang sakit. "Damn!" "Yan! 'Yan ang napapala ng isang lasinggerong late nang umuwi sa bahay." agad na sermon ni Mell Dela Peña Martinez, ang pinakamalapit niyang pinsan. Ito ang natagurian niyang tigre sa lahat ng mga pinsan niya, daig niya pa kasi ang may asawa sa tuwing nasa bahay nila ito. "Tumayo ka na nga d'yan. Tanghali na!" Umangat siya ng tingin at nakitang nakapamewang sa pintuan ang dalagang pinsan. Nakabusangol ang mukha na parang kahit anong oras ay mahahambalos na siya. "Ano bang problema mo Mell? Nakita nang may hang-over 'tong tao eh!" reklamo niya saka itinaklob ang unan sa mukha. "Tumayo ka na. Bilis at nag-aantay si Jems sa sala!" sigaw ni Mell habang niyuyuyog ang kamang hinihigaan niya. Napatayo nang 'di oras si Viel at kunot noong pinukulan ng masamang tingin ang pinsan. "Sino? Si Jems? Talaga?" paninigurado niya. "Haha. Joke lang!" natatawang sagot nito at binatukan siya. "Uto-uto ka talaga kahit kailan. Faggot!" pang-aasar ni Mell saka pinandilaan ang iniinis na pinsan. "Yung asungot mong kaibigan ang nag-aantay sa baba, hindi si Jems." "Balahura ka talagang babae ka." inis na bulalas ni Viel habang padabog na nagsusuot ng t-shirt. Matapos ay inayos niya ang gulo-gulong buhok sa harapan ng malaking salamin. "Teka, sinong asungot?" Nag-tiklop ng braso si Mell at halata ang pagka-yamot sa tanong niya. "Sino pa ba ang asungot mong bestfriend, aber?" namimilosopong sagot ng dalaga. "Yung matangkad na lampayatot at walang taste manamit mong kaibigan." "Ah, si Rafael." hindi naiwasang mapa-ngiti ni Viel sa inaakto ng pinsan. Matagal na kasing ka-alitan nito ang kaibigan niyang si Rafael mula pa noong highschool sila. "Bakit daw siya andito?" kunwaring tanong niya para makita lang ang iritadong reaksyon ni Mell. "Aba malay ko? Alangan kausapin ko 'yong retarded na 'yon? No way, huzzay! Manigas s'ya." pagtataray nito bago siya talikuran. "Aalis na nga ako bago pa tuluyang masira ang araw 'ko." Umiiling-iling na lang na bumaba sa living room si Viel. Nadatnan niyang ngumingiti mag-isa si Rafael kaya't napalakas ang tawa niya at napansin nito ang pagbaba niya ng hagdanan. "Mukhang masaya ka ngayon Raf? Anything new bukod sa mukhang nag-enjoy ka nanamang asarin si Mell?" pambungad niya sa kaibigan at nakipag-fist bump dito tulad ng nakasanayan nilang batian. "Asarin? Ang sweet-sweet ko kaya sa pinsan mo, siya lang naman yung parang buntis kung mag-suplada." naka-ngising sagot ni Rafael. "By the way, kamusta ang hang-over?" may panunuyang pagpapalit nito ng topic. "Tarantado! Kinamusta mo pa talaga ha?" pabirong binatukan niya ito saka umupo sa sofa. Napapikit siya nang makadama nanaman ng kirot sa ulo. "Madami ba 'kong nainom kagabi, Pare?" "Malamang! Kung hindi ka nakarami, dapat bilang mo pa yung boteng nainom mo." sagot ni Rafael at bumungisngis ng tawa. "Dapat pala ni-record ko yung pagda-drama mo kagabi." "Tigilan mo nga ako 'pre. 'Wag mo nang ipaalala pa yung traydor mong pinsan," napawi ang ngiti sa mga labi ni Viel nang bumalik sa gunita niya ang realidad tungkol sa dating kasintahan. "Pasensya na 'pre." pagpapa-umanhin ni Rafael at nagbutong hininga. "I did try to stop her. Pero hindi niya ako pinakinggan." "Okay lang, pare. Ayoko na lang siya pag-usapan." pakiusap ng binata sa kaibigan. "Teka, bakit ka nga pala napasugod dito?" Natigilan nang bahagya si Rafael, napa-sipat ito ng noo at animo'y may naalalang bagay. "Oo nga pala pare. You're in big trouble." Gumuhit ang matinding pagtataka sa mukha ni Viel. "What do you mean?" kabadong tanong niya. "Galit si Tito Tony. He sent me a message kagabi because he can't contact you." "Si Dad?" naguguluhang kinuha niya ang cellphone na inabot ni Rafael. Unang dapo pa lang ng mga mata niya sa text message, sigurado na siyang galit nga ito. 'Rafael. Please tell Viel that he better not show his face to me when I fly back, 'cause if he does, who knows what I can do to that child. Thank you.' Napalunok na lang si Viel matapos mabasa ang text message. Mukhang nabalitaan na sa States ang kalokohang ginawa niya kagabi. The worst part is, may balak pang umuwi ang ama niya just to punish him. Mukhang kailangan na naman niyang paganahin ang ninja skills niya para mapagtaguan lamang ito. "Here we go again." he hissed in annoyance. Wala nang ginawa ang ama niya kundi pakialaman ang buhay niya. Ilang beses na itong nangyari, kabilang ang pagtutol nito sa pagpapakasal nila ni Jems. "What do you plan now pare? Saan ka magtatago? Looks like seryoso si Tito." concern na tanong ni Rafael. "Hindi ko pa alam, Raf. Ikaw? May alam ka bang lugar na pwedeng pag-taguan?" desperadong tanong niya. He badly wants to get away from his father. Sa pagkakataong ito, hinding-hindi na siya papayag na makontrol pa nito ang buhay niya. "Wait, let me think." Matagal na natahimik si Rafael, nakatingin ito sa ceiling at nag-iisip nang malalim. While there's Viel, desperately waiting for his friend's suggestion. "Ano 'pre? Meron kang alam?" muling tanong niya na may bahid ng pagka-inip. "Okay, chill lang pare. Huwag kang masyadong excited." pagpapa-kalma ni Rafael sa kanya. "I do know one place, pero hindi ko alam kung magugustuhan mo yung naiisip ko." "I don't care. Kahit saang lupalop ng Pilipinas pupuntahan ko, makapag-tago lang mula sa matandang hukluban na 'yon! Saan ba 'yan?" "Sa La Trinidad pare." Ilang sandali pa ang dumaan bago rumehistro sa utak ni Viel ang lugar na binanggit ng kausap. Napa-kunot siya muli ng noo nang may maalalang kakaiba ukol sa lugar na 'yon. "La Trinidad? You mean, La Trinidad, Benguet?" "Yes. Sa farm ng mga Montemayor." simpleng sagot ni Rafael sa gulat na kaibigan. "Hindi ba, parents ni Jems ang nagpapatakbo ng farm na 'yon?" "Oo, pero wholesome property pa rin 'yon ng angkan namin." muling agap ng kaibigan. "Look, I just think it's a good place for sanctuary---" Puminta ang inis sa kaanyuan ng mukha ng binata kaya natigilan sa pagsasalita si Rafael. "Sanctuary? Ano bang tingin mo sa'kin 'pre? Kailangan ng rehab?" anas niya sa kaibigan habang unti-unting nagsasalubong ang mga kilay. "No, Viel. Makinig ka muna, okay?" tinapik ni Rafael ang balikat ni Viel para pakalmahin ito. "Ang sinasabi ko lang, you can relax sa La Trinidad. Makakapag-isip ka, makakapag-relax, at higit sa lahat baka mas matauhan ka tungkol sa pag-iwan sa'yo ni Jems." SA HULI, pinakinggan na rin niya ang suhestiyon ng kaibigang si Rafael. Siguro ay mas makakabuti nga 'yon para sa kanya. Kapag nanatili pa kasi siya dito sa Maynila, babalik at babalik ang gunita niya sa mga magagandang ala-ala nila ng dating kasintahan. Mas lalo siyang 'di makaka-move on. Kinahapunan ay nag-impake na siya ng gamit, mamayang gabi na kasi siya bibiyahe papuntang La Trinidad kasama si Rafael. Wala sa bahay si Mell at ang dalawang kapatid na sina Andrei at Andrew kaya wala na rin siyang oras para makapag-paalam sa mga ito. Wala rin siyang balak sabihin kung saan siya pupunta. Mahirap na't baka madulas pa ang mga ito sa Dad nila. Bago umalis ay sinigurado niyang kumpleto na ang supplies sa bahay. Matagal-tagal din kasi siyang mawawala kaya't hindi niya mapag-luluto o maipapamili ng groceries ang mga kapatid at pinsan. Nag-iwan rin siya ng sticky note sa clip board nila kung sakaling hanapin siya ng mga ito. Ilang sandali pa'y dumating na si Rafael para sunduin siya gamit ang bagong Toyota Vios nito. "Sure ka na ba talaga dito 'pre?" paniniguradong tanong ni Rafael sa kanya bago paandarin ang makina ng sasakyan. Tumango siya habang kinakabit ang seat belt niya. "Ngayon ka pa nagtanong kung kailan naka-impake na 'ko at lahat? Wala nang atrasan 'to Raf." Naging madali ang biyahe ng dalawa patungong Benguet, wala silang traffic na naabutan dahil hating-gabi na sila umalis.Mahimbing na natutulog si Viel nang maramdaman niya ang garapal na pag-hinto ng sasakyan. Mabilis siyang dumilat kahit na mabigat pa ang kanyang mga mata. "Bumigay yung makina ng kotse, 'pre." agad na saad ni Rafael nang makitang nagising siya. "Mukhang nagoyo kami ng dealer nito eh. Tsk." Kinusot niya ang mga mata saka ibinaling ang tingin sa bintana. Madaling araw na, nagbabadya na sa pag-angat ang araw. Hindi na niya naiwasang mapangiti sa ganda ng tanawing nakikita niya. "Malayo pa ba tayo 'pre?" usisa niya. "Nasa loob na tayo ng farm, pero may kaluyuan pa yung mansyon kung lalakarin." sagot ni Rafael saka nilingon ang kaibigang bighaning-bighani sa ganda ng tanawin. "Rose Garden 'yan. D'yan nakatira yung step-sister ni Jems." "Step-sister?" may misteryo sa tono ni Viel nang ilipat ang tingin sa kaibigan. "May step-sister si Jems?" Tumango lang ito at binuksan ang pinto ng kotse. "Oo. I guess hindi niya nasabi sa'yo dahil hindi rin naman sila close." pagbibigay konklusyon ni Rafael bago bumaba ng sasakyan. "Mas mabuting mag-lakad tayo para ma-enjoy mo lalo ang view ng farm." Tumalima naman si Viel at bumaba na rin. Kinuha nila ang mga gamit sa likod ng sasakyan at nagsimulang maglakad. Mabuti na lang at hindi pa gaanong nakaka-angat ang araw, kung hindi, malamang sa hindi ay tagagtak ang pawis nila pagdating sa mansyon. MAGANDA ang kabuuan ng farm, halos hindi na nga makapag-desisyon si Viel kung saan siya unang titingin. Malalago ang rosas sa parteng nilalakaran nila ni Rafael ngayon, nakakasiguro siyang walang taong mapapadaan dito na hindi lilingunin ang ganda ng paligid. Nasa kalagitnaan siya ng matinding pagmamasid nang mahagip ng dalawang pares ng kanyang mata ang isang tanawing mas maganda pa sa nakita niya kanina. Napatigil siya sa paglalakad at animo'y bumagal ang lahat ng pag-galaw sa kanyang paligid. Just a few meters away from him, a lady with long hair and a pair of mesmerizing eyes rode a horse. Hindi niya malaman kung bakit napako ang mga mata niya rito, tila ayaw mawalay ng paningin niya sa bawat galaw nito. 'What sorcery is this?' bulong niya sa isip. "Pare, bakit ka nakatulala d'yan - " "Paki-sampal 'nga ako, Raf." pagputol niya sa pag-rereklamo ni Rafael. Kumuno ang noo nito at pinukulan siya ng masamang tingin. "Tuluyan ka na bang nalipasan ng gutom? O sadyang lumuwag na ang turnilyo mo sa ulo?" "Just do it!" asik niya dito. Walang anu-ano'y tinampal na nga ni Rafael ang pisngi ng kaibigan. "O 'ayan ah? Walang gantihan, ginusto mo 'yan eh." pang-aasar pa nito. "Pare, totoo ba yang nakikita ko?" "Ha? Alin?" nagtatakang tanong nito saka tumingin sa paligid. "Wala naman ah? Loko!" "Hindi. That one," sabay turo ni Viel sa direksyon ng babaeng nangangabayo. "She's so....gorgeous. Who is she?" he said with amazement filling his eyes - desperate to know that woman's name. Rafael smiled in amusement. "Ah. That's Anna, Anna Summer Montemayor. Siya yung step sister ni Jems." Hindi na niya nakuha pang makinig sa mga sinasabi ng kaibigan nang makita niyang tumingin sa direksyon nila ang babae. She caught him looking at her, and she seemed displeased. Halos habulin ni Viel ang hininga habang papalapit ito sakay ng kabayo. There's no doubt about it, this summer vacation is gonna be worth spending for Viel Dela Peña.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
141.2K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

CLOSER

read
144.7K
bc

His Cheating Heart

read
45.5K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
839.7K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
329.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook