Chapter Two

2184 Words
PAYAPANG nangangabayo pabalik ng Rose Garden si Summer nang napukaw ang kanyang atensyon. May dalawang pigura ng mga binata ang nakaharang sa kanyang daraanan patungo sa mansyon. Bunga ng pagtataka, hinatak niya ang kabayong sinasakyan upang tignan kung sino ang mga ito. Hindi pa siya gaanong nakakalapit ay sumama na agad ang timpla ng kanyang mukha. Ang unang dinapuan kasi ng kanyang paningin ay isang estranghero na para bang kinikilatis ang bawat sulok ng kanyang katawan. At ang isa nama'y ang pinsan niyang si Rafael.  Pinahinto niya ang kabayo nang marating ang kinatatayuan nila. Hinawi niya ang kanyang buhok at sinubukang itago ang pagkayamot sa lalaking kasama ni Rafael na sa tingin niya'y nakapako pa rin ang mga mata sa kanya. Bumaba siya mula sa sinasakyan saka puminta ng tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Rafael, you're back." pormal na bati ni Summer. Napakamot naman ng ulo ito at gumanti ng ngiti sa kanya. "Yup, sa kasamaang palad. I'm back unexpectedly and unwillingly." Rafael answered with a sigh. "Bakit? Hindi mo pa rin ba napapa-sagot yung nililigawan mo sa Manila?" tanong niya. Napataas siya ng kilay nang makita ang gulat ng ekspresyon ng pinsan at ng kasama nito habang nakatingin sa kanya. "What? Did I say something wrong Rafael? 'Di ba siya ang dahilan kung bakit ka umalis sa La Trinidad?" "If I'm not mistaken, her name is Me--" "S-Summer!" mabilis na agap ni Rafael sa anumang pangalang lalabas sa bibig ng dilag. "Pare? Si Mell ba ang tinutukoy ni..." "N-No. Ano ba 'yan? Bakit naman napunta sa'kin ang topic?" natatarantang reklamo ni Rafael habang sinisipat ang noo. "I'm just asking. Sorry." mahinahong pagpapa-umanhin ni Summer at nagkibit balikat na lang sa naturang reaksyon ng pinsan. "Anyway Summer, Si Viel nga pala. He's a friend, ex ni Jems." pagpapakilala ni Rafael para sa kaibigan. "And Viel, Si Summer. My cousin, step-sister ni Jems." "Hello, Summer. Nice to meet you." nakangiti na saad ni Viel. He lend his hand towards her for a handshake. Tinignan lang ng dalaga ang kamay na nasa harapan niya saka tumango na para bang hindi ito nakita. "Same here," maiksing tugon niya saka muling bumaling kay Rafael habang hinihimas ang balahibo ng kabayong sinakyan niya kanina. "Bakit nga pala kayo naglalakad?" pag-iiba niya sa usapan. "Don't tell me, wala kayong sasakyan?" Tumawa naman ng bahagya ang pinsan niya at umiling. "No. Meron kaming kotse papunta rito. Ang problema nga lang tumirik malapit sa entrance ng farm." pagpapaliwanag nito. "Saan? Sa tapat ng Rose Garden?" "Oo. Paano mo nahulaan 'yon?" sabad bigla ni Viel sa usapan kaya't nabaling nanaman ang tingin sa kanya ng dalaga at lalo nanaman itong nainis. "Just a wild guess," mariing sagot niya. Inirapan niya ang binata para maparating dito na hindi niya gusto ang pakiki-sabad nito sa usapan. "Wow. Ang galing mo palang manghula, pwede ka na i-pwesto sa Quiapo." dagdag pa nito habang may nakaka-lokong ngiting kumukurba sa mga labi. Lalo namang kumulo ang dugo ni Summer sa iginawi ni Viel. Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. He's an irritating fellow. "Yes, magaling akong manghula." sarkastikong hayag niya. "Nahuhulaan 'ko rin na kapag hindi ka pa tumahimik, sa mukha mo babagsak 'tong kamao 'ko." "Hep! Easy lang kayong dalawa. Chill out!" awat ni Rafael na humarang sa pagitan ng dalawa. "Masyado na kayong nagkakasundo d'yan eh, kalma lang." "What? I'm just trying to joke around." mapang-asar pa ring tugon ni Viel sabay kindat sa dalagang haltang mainit pa rin ang dugo sa kanya. Sinabunutan na lang ni Summer ang dulo ng sariling buhok para lang mailabas ang inis sa lalaki.  "Doon na lang muna kayo mag-stay sa rest house. Tatawag na lang ako sa mansyon para sunduin kayo." Walang-imik na muling sumakay ng kabayo ang dalaga. Umusad siya pabalik ng Rose Garden at walang nagawa ang dalawa kundi sundan na lamang siya. "Pare naman, 'wag mo ngang pag-tripan si Summer." naririnig niyang bulong ng pinsang si Rafael kay Viel. "Yan, mukhang mainit yung dugo sa'yo." "I don't think so, Raf. I think she likes me." preskong pakiwari ng binata. "It takes time. Mag-hintay ka lang." Sandaling pinatigil ni Summer ang sinasakyan at nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kanya. Tinaasan niya ng kilay ang nakangisi pa ring si Viel. "Bilisan ninyo mag-lakad, lumalakas na naman ang HANGIN dito." ILANG MINUTO lang ang lumipas ay nakarating silang tatlo sa Rose Garden. Matapos mailapat sa sofa ni Viel ang kanyang mga gamit sa guest room na pansamantalang pinagamit sa kanya ng mga maids ni Summer, ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama. He smiles and shuts his eyes for a moment. Inaamin niyang sinadya niya ang pang-iinis sa dalaga at nakikita naman niyang sobrang epiktibo ng kanyang ginawa. Summer intrigued him so much. Unang hagip pa lang ng kanyang mga mata dito, alam na niyang hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakikilala ito ng lubusan. There's something about her, and he will find that out soon. Isang ingay mula sa labas ang nagpamulat ng mga mata niya. Mabilis siyang tumayo papunta sa bintana at hinawi ang kurtina para makita ang tanawin sa labasan. Maaliwalas at maliwanag na ang paligid, mataas na rin ang sinag ng araw sa buong farm. Bumaling siya sa direksyon ng tumirik nilang sasakyan at muling nabahiran ng ngiti ang kanyang mga labi. There's the Summer that can make his summer exciting. Mabilis lumabas ng bahay si Viel. Sa Rose Garden pa lang ay pinagmamasdan niya na ang dilag. Nakapusod ang buhok nito 'di tulad kanina kaya't mas lalo niyang malayang natititigan ang maamong mukha at ang mapupungay na mata nito. Nakatutok ang dalaga sa pag-aayos ng makina ng sasakyan ni Rafael, kaya hindi nito napansin ang paglapit niya. Kinuha niya ang pagkakataon na ito para payapang pag-aralan ang bawat angulo ni Summer. "Magstep-sister kayo ni Jems, right? " basag niya sa katahimikan. Napalingon naman sa gulat ang dalaga, ngunit nang makita nito ang mukha niya'y awtomatikong inirapan siya nito at nagpatuloy sa ginagawa na para bang hindi siya nakita. "Ibang-iba pati ang hobbies ninyo." dadag pa ni Viel na mukhang walang balak tigilan ang kausap. "Alam mo bang bihira sa Manila ang mga babaeng marunong mag-mekaniko ng sasakyan?" Huminga lang ng malalim si Summer at tumigil ng bahagya sa ginagawa. "Well, I'm sorry to disappoint you. Hindi ako katulad ng mga babae sa Maynila at lalong hindi ako katulad ni Jem. So will you please shut up and let me do my work?" prangkang tugon nito bago muling bumaling sa makina ng sasakyan. "You didn't disappoint me, in fact you got me more curious." aniya bago sumadal sa punong malapit sa kinatatayuan niya. "Hindi kita kinukumpara kay Jems, I'm just wondering. I mean, marami kang tauhan to do that." "I hate being useless. Kung kaya ko ang isang bagay, gagawin ko. Ayoko umasa sa iba." simpleng sagot lang ng dalaga, ni hindi man lang siya nilingon nito at nagpatuloy sa pagkalkal ng makina. "O? Pinsan, bakit ikaw ang umaayos n'yan? 'Kay Manong Ador ko na lang ipapa-ayos iyan pagdating sa mansyon." biglang basag ni Rafael sa katahimikang namamayani sa dalawa. Nagtatakang nagpalipat-lipat ito ng tingin mula sa tahimik na si Viel at sa pinsang abala sa pag-kukumpuni ng sasakyan. "Teka? Nagka-sagutan na naman ba kayo?" "Hindi." halos sabay pang tugon ng dalawa, matapos ay nag-tinginan ng masama at nag-iwasan ng tingin. Tumawa ng malakas si Rafael sa inasal ng dalawa. "Oh come on, magka-sundo naman kayo oh. Matagal ninyo ring makikita ang isa't isa." Summer groaned in frustration. Ibinaba niya ang mga hawak na gamit at nakapamewang na hinarap ang pinsan. "Fine. Huwag 'nyo na lang muna akong guluhin, let me handle this. Okay?" iritadong pagtatapos niya sa usapan saka muling inirapan si Viel na animo'y manyak na walang balak na ilayo ang paningin sa kanya. "At ipasok mo na sa loob 'yang kaibigan mo habang nag-aantay ng sundo galing mansyon, baka matunaw ako ng 'di oras dito." Naiiling at natatawa ng sabay na lang si Rafael. Sumunod na lang siya sa utos ng dilag at sapilitang hinila palayo ang kaibigan. "Halika na 'pre! Tama na 'yan, masyado ka nang obvious eh!" "PARE, are you really that interested with Summer?" biglaang tanong ni Rafael sa gitna ng pagkain nila ng tanghalian habang nasa terrace at pinapanood mula sa malayo si Summer na pumipitas ng bulalak sa Rose Garden. Kanina pa dumating ang sundo nila, pero nag-suggest si Viel na dito na sila kumain ng tanghalian para lang masilayan pa ng matagal ang dalaga. "Bakit?" pagmamaang-maangan pa niya at nagkunwaring abala sa pagkain, ngunit halata pa rin ang pagsulyap-sulyap niya sa direksyon ni Summer. "Ano 'yan? Pa-innocent effect? Ayos ah!" bulaslas ni Rafael. Binagsak niya ang mga kubyertos na hawak at pinukulan ng malisyosong tingin ang matalik na kaibigan. "Pare, yung seryoso.. Type mo 'yang si Summer no?" "Not really," matipid niyang saad at lumagok ng tubig mula sa basong hawak. "I'm just curious about her. Parang kakaiba s'ya. I mean look at her now, looking innocent and all that. Pero 'pag dating sa'kin, why do I feel like she's displeased sa tuwing makikita 'nya ako?" nangingibabaw ang kyuryusidad sa kanyang mga salita. "Well, I think dapat hindi ko na sinabi yung connection ninyo ni Jems." ani Rafael na tila gumuhit ang dismaya sa mukha. "Hindi sila in good terms ever since. They dislike each other kahit magkapatid sila, kaya siguro ganyan siya sa'yo, she hates everything connected to Winter Jem."  "Why? Bakit hindi sila in good terms? She hates Jems?" "Some say inggitan, but no one really knows." tugon ni Rafael. Crossing his arms together and looking at Summer's direction again. "Maraming haka-hakang Summer was the one jealous over Jems, because other believed na mas angat ito. Ang akala nila, porke't galing Maynila, mas nakaka-angat na." "Pero mali naman sila eh, Summer is a proud woman. Kung tutuusin, mas maganda siya kay Jems." dagdag pa nito at malungkot na ngumiti. "Hindi lang nakita ng iba, because she trapped herself sa kulungan na nagpapa-alala sa kanya sa pagkamatay ng biological mother niya---Si Tita Serina." Matapos na marinig ni Viel ang bahagi ng pagkatao ni Summer mula sa kaibigan, hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. It wasn't just sympathy or any feeling of resemblance. There's something stirring deep with in him that he can't explain. Napabuntong-hininga na lang siya at tumanaw mula sa bintana ng kotse. Papunta na sila ngayon sa mansyon ng mga Montemayor, sakay-sakay ng sundo na tinawagan ni Summer. Sumama rin naman ang dilag sa kanila ni Rafael, narinig niya kanina mula sa driver na gusto raw makausap ito ng ama - si Don Alejandro Montemayor. Walang naging imikan sa loob ng sasakyan kaya't payapa rin silang nakarating sa mansyon matapos ang trenta minutos. Pinili na rin ni Viel na manahimik, hindi pa rin kasi naa-absorb nang maigi ng utak niya ang misteryo tungkol kay Summer. "Aba! Umuwi ka na pala, Rafael!" galak na galak si Don Alejandro sa pag-salubong sa kanilang tatlo. "Vincel hijo, dito ka rin pala mag-babakasyon?" "Ah, opo. Pasensya na po sa abala, Tito." magalang na sagot ni Viel at nag-mano sa Don. "Mga ilang linggo lang naman po ako dito." Humalakhak sa tuwa ang may katandaan nang Don at tinapik ang balikat ng binata. "You can stay as long as you want, hijo. Welcome ka sa pamilyang ito," anito nang biglang puminta ang lungkot sa mukha. "Although I heard what my daughter did to you, ako na ang humihingi ng tawad Viel, hijo." "Wala po 'yun, wag na po nating pag-usapan." mariing sambit niya. "Tapos naman na ang lahat, let's all move on." - NAPILITANG manatili si Summer sa mansyon sa pagpupumilit ng kanyang ama. Gusto nitong dito siya matulog ngayon at hindi sa rest house na kanyang tinutuluyan. Padabog niyang hinahati ng kubyertos ang karneng kinakain. Nasa dining table sila ngayon kasabay ang buong pamilya kasama ang asungot na si Viel. Wala siyang balak na magpakita ng kahit anong kagandahang asal dito, lalo't sobra ang pag-init ng dugo niya sa ex-boyfriend kuno ng bastarda niyang kapatid. "Summer," tawag ni Donya Jella, ang step-mother niya at bagong asawa ng kanyang ama. "Keep the noise down, hija. Eat properly." utos nito nang mapansin ang pag-iingay niya. "Don't give me orders, alam mong hindi kita susundin Jella." walang bahid ng paggalang sa sagot niya at lalo pang nilakasan ang pagbagsak ng kubyertos sa bawat paghiwa niya ng karne. "Summer." may awtoridad na saway ng kanyang ama sa kanya. "Tama na. Huwag mong bastusin ang mama mo nang ganyan." "Mama? Sa pagkakatanda ko, matagal nang patay ang nanay ko Dad." garapal na sagot ng dilag at tuluyan nang binitawan ang kubyertos. "Matutulog na 'ko, wala na akong gana." "Ana Summer. Umupo ka, hindi ka pa tapos kumain." may pagtitimping utos muli ni Jella sa anak nang akma itong tatayo. Hindi naman nagpapigil si Summer at tumayo pa rin sa kabila ng utos ng ina. "Ayoko. Kuha mo? Wag mo kong inuutusan Jella," sarkastikong sambit niya saka ibinalibag ang table napkin niya sa lamesa. "Baka gusto mong ihayag ko sa harapan ng ex ng anak mo kung ano ka talaga sa pamilyang 'to?" "Summer, mag-tigil ka kakasagot sa mama mo. Have some respect." galit na sumbat ni Don Alejandro. "Stop this, sit down and eat. Nakakahiya ka, hija." She stood still for some moment, walang na-tangkang magsalita habang nakatitig siya sa ama. May kung bigat ang dumagan sa kanyang dibdib bunga ng mga kataga nito. Bumawi siya ng hininga bago magsalitang muli. "Hinding-hindi ko matatanggap yang kabit mo bilang ina ko. Sinira niya ang pamilyang 'to." may bahid ng pait na sagot niya habang kinukuyom ang mga daliri sa kanyang palad. "At lalong wala akong paki kung ikahiya mo ko, dahil matagal na kitang kinahiya simula nang piliin mo 'yang babae mo." Nagmartsa paalis ng dining room si Summer. Naiwan ang lahat na tahimik at walang imik. Walang makakain o maka-inom man lang ng tubig dahil sa nangyari. Viel felt surprised and devastated at the same time. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD