"ANO namang gagawin natin dito?" nayayamot na reklamo ni Summer kay Viel habang nasa tapat sila ng kwadra.
"Tuturuan mo 'ko mangabayo, ano pa nga ba?" pamimilosopo ng binata habang pilit na hinihila ang kamay ng dilag. "Halika na kasi sa loob."
"Ano? Anong tuturuan? Ayoko nga." mataray na tugon nito sa kanya saka pasimpleng inagaw pabalik ang kamay. "Manigas ka."
"Wag ka na 'nga umangal d'yan. May usapan tayo, kaya susundin mo lahat ng iuutos 'ko. Got it?" naka-ngisi niyang deklara. "O baka naman nakakalimutan mo na ang atraso mo sa'kin?"
Padabog na nagkamot ng ulo ang dilag at inirapan siya. "Fine! As if namang may choice pa 'ko." anas nito saka lumakad mag-isa papasok.
Lalo namang lumapad ang ngiti niya sa kanyang mga labi dahil sa kakatwang inasal ni Summer. Mula kasi noong mangyari ang insidente sa lawa ay mas naging komportable na ang pakikitungo nito sa kanya. Nagkaroon din sila ng kasunduan na ang dilag ang masisilbing tour-guide niya habang nananatili siya sa La Trinidad, ito ay bilang parusa sa pagkukunwari nitong nalulunod na naging dahilan din ng pagka-lunod niya.
"Ano? Tuturuan ba kita o tutunganga ka na lang d'yan?" inis na sigaw nito habang nakapamewang na nag-aantay sa loob.
"Okay, I'm coming. Masyado ka nanamang hot d'yan eh." sagot niya at nagmadaling pumasok na rin ng kwadra.
"LOOK STRAIGHT AHEAD, observe your posture. Huwag na wag mong bibiglain ang kabayo," sunod-sunod na paalala ni Summer habang inaalalayan niya sa pangangabayo ang binata.
"Am I doing this right?" may pag-aalinlangang tanong ni Viel sa kanya, halata sa postura na unang pagkakataon pa lang nitong sumakay sa kabayo.
"Relax lang kasi." muling paalala niya dito.
"Alam mo kahit mga hayop lang ang mga kabayo, nakakaramdam din sila. They can sense feelings. You must make them feel na superior ka sa kanila, bago mo sila makontrol." dagdag na paliwanag niya habang hinihimas ang kabayong sinasakyan ng binata.
Sumilay ang ngiti sa labi ng binata kaya napataas agad ang kilay ng dilag. Parang isang kandilang nasindihan ang inis niya dito. "Why are you smiling? Anong nakakatawa?" mataray na puna niya.
Umiling ito ngunit nanatili pa rin ang ngiti nito sa labi. "No, walang nakakatawa." tugon ni Viel, "Napansin ko lang ang similarities mo at ng mga kabayo."
Nandilim ang ekspresyon niya sa narinig, pinukulan niya ng masamang tingin ang binata. "Now you're telling me na mukha akong kabayo?"
Nanlaki agad ang mga mata nito at akmang mapagpapaliwanag. "No, Ofcourse not! Ang ibig kong sabihin..."
"Kung pagtritripan mo lang ako, d'yan ka na! Bahala ka sa buhay mo!" galit na putol ng dilag sa sintemiyento ni Viel. Bago pa man ito makapag-salita muli ay mabilis niya itong nilayasan.
Nagmartsa siya palayo habang kinukuyom ang mga daliri. The nerve of that man! Nag-titiis na nga siyang pakisamahan ng maayos ang kumag na 'yon, tapos ito pa ang may ganang insultuhin s'ya?
'Walang modo, akala mo kung sinong guwapo! ' sigaw niya sa kanyang utak.
She was halfway back to the rose garden when she heard footsteps behind her. Maya-maya'y may humawak na sa kanyang braso kaya't napatigil siya sa paglalakad at nilingon ito.
"Ano pang kailangan mo? Mang-iinsulto ka ulit? Lumayas ka nga sa harapan ko at bitawan mo 'ko." matapang singhal niya dito.
Walang panunuya o pang-aasar na nakapinta sa mukha ni Viel 'di tulad ng kanyang inaasahan.
"Makinig ka muna, okay? Hindi nga 'yon ang ibig kong sabihin, hindi mo kasi ako pinapatapos eh. Huwag ka muna mag-assume..."
"Ngayon naman ASSUMING ang tawag mo sa'kin?" muling putol niya sa pagpapaliwanag ng binata. "Ano bang problema mo ha? Bitawan mo 'nga sabi ako!"
Kumawala si Summer mula sa pagkakahawak ni Viel sa braso niya, marahas niya itong tinulak palayo. Tatalikod na sana siya pero laking gulat niya nang makita itong nawawalan ng balanse at mahuhulog sa mababaw na bangin sa gilid ng kinatatayuan nila dahil sa pagtulak na kanyang ginawa.
"Viel!" malakas na tili niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito upang hilahin ngunit huli na ang lahat. Imbes na mahila ito, siya pa ang napasama sa pag-bagsak nito nang tuluyang nawalan ng balanse ang binata.
Ang tanging naramdaman na lang niya ay ang paggulong niya sa matatalim at matitigas na bato, matapos ay nandilim na ang paningin niya.
PILIT NA IMINULAT ni Viel ang kanyang mga mata kahit matindi ang nararamdaman niyang kirot sa bandang tagiliran niya. Bumungad agad sa kanya ang mukha ni Summer, wala itong malay at mukhang nasugatan din dahil sa pag-bagsak nila. Sandali siyang natigilan habang pinagmamasdan ang dilag. This is the first time he got her this close and he can't help but feel amused about it. Umiling siya nang makaramdam nanaman ng kirot.
Ilang sandali pa'y unti-unti nang dumilat ang dalaga. Kumunot ang noo nito pero alam niyang hindi 'yon dahil sa kanya, kundi dahil sa sakit ng mga matamo nitong sugat. "N-Nasaan tayo?" nagtataka pang tanong nito.
"Nasa puso mo." pabirong tugon ni Viel.
"Puro ka kalokohan, kaya nadadamay ako sa kamalasan mo eh." paninisi ng dalaga at nakuha pa siyang irapan sa ganitong sitwasyon. "Kasalanan mo 'to."
"Ikaw kaya ang may kasalanan. Tinulak mo kaya ako." ganting sisi niya.
"Hindi naman kita itutulak kung 'di mo ko tinawag na kabayo..." hindi tinuloy ni Summer ang sinasabi nang makita ang kakaibang tingin ng binata sa kanya.
"Hindi kita tinawag nang ganyan, hindi mo lang kasi ako pinakinggan." pag-liliwanag niya. "I said, may similarities ka sa kabayo. It's not about physical traits or anything close sa iniisip mo."
"So, ano ba talaga ang point mo?"
"Remember na ikaw ang nag-sabi saakin that horses do have feelings? Na dapat, ipakita kong superior ako para makontrol ko sila?" ngumisi siya at kinindatan si Summer. "I think that technique applies on you too."
"Anong 'applies on me'? I don't get where all these are coming from, Viel." naguguluhang tanong nito.
"See? Mas komportable ka nang pakitunguhan ako ngayon. You must be recognizing my superiority slowly." pabulong na sagot niya. Sobrang lapit nila sa isa't isa kaya naramdaman niyang kinilabutan ito sa ginawa niyang pag-bulong sa tenga nito.
Kasabay ng pangingilabot na 'yon, umasim ang mukha ni Summer nang mapagtanto ang posisyon nila ni Viel.
"Lumayo ka 'nga sakin!" mabilis itong tumayo mula sa pagkakapatong at pagkaka-akap sa binata. "May pa-superiority ka pang nalalaman e nangtya-tyansing ka lang pala!" galit na pag-aakusa nito sa kanya.
"O-Ouch." daing niya habang pinipilit na bumangon para umupo at nakasapo sa tagiliran.
Agad naman naalarma si Summer kaya dinaluhan siya nito kaagad. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang pagtatanong nito. "Nabalian ka ata ng buto eh."
"Kung 'di ba naman obvious, mukha ba 'kong okay?" yamot na pamimilosopo niya sa kausap at bumulong-bulong. "Ikaw na nga lang inakap para hindi ka mabalian, ikaw pa ang galit? Parang napaka-sexy mo naman para tyansingan." mahinang sunod-sunod na reklamo niya.
"May sinasabi ka?" paninindak ng dilag sa kanya kahit na halata namang malinaw nitong narinig ang binulong niya.
Hindi na lang siya umimik, iniwas na lang niya ang tingin dito at napagpasyahang pumikit para maibsan ang kirot na nadarama niya sa kanyang tagiliran. Hindi naman siya naiinis kay Summer, ang reaksiyon lang nito ang hindi niya nagustuhan. Wala man sa itensyon niyang yakapin ang dilag habang nahuhulog sila, ikinatuwa niya ang kanyang ginawa. Hindi dahil sa nayakap niya ito kung 'di dahil hindi ito nasaktan ng lubusan, pero wala siya nakitang galak o pasasalamat sa reaksyon nito. Maybe she really do despise him or he's just expecting too much from her.
"I'm sorry," napamulat agad ng mata si Viel nang marinig ang mga katagang 'yon mula sa dalaga. Binalingan niya ito ng gulat na tingin at nakita niyang nakayuko ito habang nakaupo sa tabi niya.
"Alam ko na dapat hindi kita sinisisi, infact dapat magpasalamat pa ako." pagpapatuloy nito sa pagsasalita. "Kung hindi mo ko inakap, malamang may bali din ang buto ko ngayon or much worse. That's why I should thank you, thank you for protecting me."
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Walang katagang lumabas sa bibig ng binata matapos marinig ang mga sinabi nito. Lihim niyang kinakastigo ang sarili dahil alam niya sa sarili niyang hindi naman ito mangyayari kung 'di niya pinagkatuwaan si Summer.
'Inaasar-asar mo tapos ngayon sesermunan mo sarili mo? Shunga ka?' sarkastikong sigaw ng isipan niya.
"Hindi ka naman dapat mag-sorry. Kasalanan ko rin naman." tuluyang pag-amin niya at nagbuntong hininga. "Malay ko bang asar talo ka." napalakas na ngitngit niya kaya't napakagat siya ng labi nang umangat ang ulo ni Summer mula sa pagkakayuko. "Patay." napailing na bulong niya.
"Ang yabang mo talaga! Argh!" padabog na tumayo ang dilag at inis na hinawi ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "Bahala ka nga sa buhay mo. Aakyat na 'ko, ipapakuha na lang kita sa mga trabahador."
Bago pa ito maka-hakbang palayo, mabilis na kumilos si Viel upang hilahin ito pabalik, ngunit sa lakas ng pwersa niya'y napadausdos sa kanya ang dalaga. Parehong lumuwang ang mga mata nila nang magkatamaan sila ng tingin.
Ang mga kamay ni Summer ay napalapat sa matipunong dibdib niya sa kagustuhang kumuha ng balanse at makatayo kaagad, pero maagap niyang hinigpitan ang pagkakakapit dito upang masiguradong hindi ito makakatayo. Wala ring isang dangkal ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at dikit ang kanilang mga katawan, kaya ramdam niya ang bumilis na t***k ng puso nito.
"S-Sira ka ba? Bitawan mo 'ko, aakyat na nga ako!" naiilang na tili nito sa kanya saka marahas na nagpumiglas para kumawala.
Hindi niya binigyang pansin ang pagpupumiglas ng dilag, mariin pa rin ang pagkakahawak niya sa braso at kamay nito, at hindi alintana ang masakit niyang tagiliran. "Bakit parang namumutla ka na?" pang-aasar niya kasabay ng pag-silay ng pilyong ngiti sa kanyang labi.
"A-Ano bang problema mo?" nauutal na tanong ni Summer. Halata ang pamumula ng mukha nito at ang pag-iwas nito sa titig niya.
"Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? I'll make you like me 'til death." paalala niya. Mas lalo niya itong hinila palapit at sa isang hila pa niya'y sigurado nang mag-dadampi ang mga labi nila. "Dito na ang starting line, Summer. Wala nang atrasan."
NAPAPIKIT NANG tuluyan si Summer nang akmang hihilain na siya palapit ni Viel sa ikatlong pagkakataon, at wala siyang kalaban-laban na mananakawan ng halik ng damuhong ito. Lihim niyang ipinagdadasal sa kaloob-looban niya na sana'y may kung anong himala ang mangyari at maka-wala siya sa bisig ng binata.
Just when their lips are about to touch, a scratching sound was heard as well as her silent prayer. Kinuha niya itong pagkakataon para makawala mula kay Viel dahil na-distract din ito sa kaluskos na narinig nila.
Nakatingin ito sa pinanggalingan ng tunog at nakapagtatakang mulat na mulat ang mata nito na tila ba nagulat. Napagpasyahan niyang lingunin din ang tinititigan nito at nanlaki rin ang mga mata niya sa nakita.
"S-Sharina?" gulantang na tawag niya sa babaeng nakatayo sa harapan nila na naka-taas ang kilay at mukhang kanina pa sila pinapanood.
"Naka-istorbo ba 'ko? Bakit kasi malapit sa bahay ko pa kayo nag-gaganyan?" sarkastikong saad ng babaeng tinawag ni Summer na Sharina. "Ang lawak-lawak ng kwarto sa mansyon ah? Bakit dito mo pa naisipang gawin yan sa Ate Anna ko?" gumuhit ang galit sa ekspresyon nito na tanging nakatuon kay Viel. "Sira-ulo ka ba?"
"Sharina! Tama na, it's not like what you're thinking." sabad ng dilag. Tumayo siya at agad na sinipat ang balikat ng kapatid. "Tulungan mo na lang ako, gamutin natin siya sa bahay mo." malumanay niyang utos dito.
Huminga lang ito nang malalim at tumango. "Sige, Ate." sang-ayon ni Sharina, "Sundan n'yo na lang ako."
Inakay niya si Viel patayo at inalalayang lumakad para sumunod sa bahay ng kapatid.
"Dahan-dahan lang." paalala niya sa binata habay akay-akay ito.
Tumalima naman ito at binagalan ang paglakad. "Kapatid mo s'ya? I thought dalawa lang kayo ni Jems." nagtatakang usisa nito habang nakatanaw sa kapatid na nauuna sa paglakad.
Napailing na lang si Summer. Masyadong maraming tanong ang binata at alam niyang wala siyang magagawa kung 'di sagutin ito dahil malamang sa hindi, mag-hapon nanamang sasakit ang ulo niya sa kakatanong nito.
"Anak siya ni Mama sa ibang lalaki," tipid niyang sagot. "Saka ka na mag-tanong 'pag nagamot na namin yang sugat mo."
SA TULONG ni Sharina, nalapatan na niya ng paunang lunas at nabendahan ang sugat sa tagiliran ni Viel. Payapa itong naka-tulog dahil sa epekto ng gamot na pinainom nila, nakahiga ito ngayon sa papag ng simpleng kubong tinitirahan ng kapatid niya.
"Salamat, Sharina." nakangiting pasasalamat niya at hinawakan ang kamay ng kapatid. "Kamusta ka na nga pala dito?"
Ilang araw na rin niyang hindi naasikaso ang nakababatang kapatid, bunga na rin ng pag-sama sama niya kay Viel. Hindi ito tanggap ng pamilya Montemayor kaya't siya lang ang tanging nag-aalaga dito simula pagka-bata. Bata pa lang din siya noong mangaliwa ang ama niya na nag-udyok din para gumaya ang ina niya. Nagkarelasyon ang mama niya sa isang punong trabahador ng farm, dito nabuo si Sharina. Walang nakaka-alam na andito pa rin sa farm ang batang bunga ng pagtataksil ng kanyang ina, itinago niya ito upang maprotektahan. Dahil para sa kanya, walang kasalanan si Sharina. Isa pa, ito ang tunay niyang kadugo at hindi si Jems na anak sa pagkadalaga ni Jella.
"Pasensya na ah? Hindi ako nakadalaw sa'yo kahapon."
Gumanti naman ng ngiti ang dalagita sa kanya. "Ayos lang naman ako Ate, wag mo kong alalahanin. Eh, Ikaw? Bakit kasama mo 'tong mistisong hilaw na 'to?" ang pinatutukuyan nito ay ang natutulog na binata. "Taga-Maynila ba 'yan?"
Tumango siya at minasdan muli ang payapang-payapang si Viel. "Oo. Ex siya ni Jems, nandito lang para mag-bakasyon kaya sinasamahan ko." sagot ni Summer.
"Bakit parang close kayo?" muling puna nito at umupo sa tabi niya. "At parang may gusto siya sa'yo." dadag pa ng dalagita.
Nagulat siya sa sinabi ng kapatid kaya pinukulan niya ito ng malisyosang tingin. "Ano? Hindi ah." giit niya.
"Nakita ko kayo kanina, 'wag ka na magka-ila Ate." may halong pang-aasar na ang tono ni Sharina. "Gusto mo rin siya no?"
Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya nang maalala ang pangyayari kanina, pilit niya iyong iwinaksi sa alaala at napakamot ng ulo. "Tigilan mo 'nga ako, Sharina. May kinalaman siya sa isa sa mga taong kinamumuhian ko. At isa pa, ayoko pagnasaan ang pag-aari na ng iba. Hindi ako katulad ni Jella."
"Eh break naman na daw sila, 'di ba? Hindi na siya pag-aari ng bruhang step-sister mo, Ate." kontra nito habang tila sinusuring mabuti ang tulog na binata. "Mas bagay kaya kayo."
Muli siya umiling at binatukan ang dalagitang kapatid. "Ang dami mong kalokahan! Tama na nga 'yan, hinding-hindi nga mangyayari yang iniisip mo." pinagdidiinan niyang sambit dito.
'Hinding-hindi ko hahayaang mang-yari.' dadag na saad niya sa isipan.