ANG AMOY ng masarap na pagkain ang nakapagpa-gising sa diwa ng natutulog na si Viel. Magaan na ang pakiramdam niya at hindi na kumikirot ang tagiliran na ubod ng sakit kanina.
Sa pag-mulat ng kanyang mga mata ay iginala niya agad ang kaniyang paningin. Tila may gustong siyang masilayan ngunit bigo siyang makita ito. Nagbuntong hininga na lang siya at dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga.
Napansin niyang wala na pala siya sa kubo ng kapatid ni Summer, nasa isa sa mga kwarto na siya ng mansyon. Natigilan siyang bigla nang maalala ang dilag at ang engkwentro nila. Lihim siyang nagbunyi, ngunit may isang parte sa isipan niya ang nagtatanong kung bakit niya binigyan ng ganoong hamon ang sarili.
'Am I just interested or I'm really starting to like her that much?' may alinlangang tanong niya sa sarili. Maya-maya'y nailing siya dahil sa kanyang iniisip. "Hindi pwede, Viel. Nababaliw ka na ba?"
"Alam mo bang mukha kang tanga d'yan?" isang tinig mula sa pintuan ng kwarto ang gumising nang tuluyan sa diwa niya.
Inangat ni Viel ang kanyang ulo at halos mahulog siya sa kama dahil gulat kay Sharina na mukhang kanina pa nakatayo sa bukas na pintuan habang dala-dala ang tray ng pagkain.
"I-Ikaw!" gulat at nauutal na tawag niya rito.
Tinarayan lang siya ng dalagita saka lumakad palapit at nilapag ang pagkain sa desk malapit sa kama.
"Oo, ako 'nga. Hindi ako multo kaya 'wag mo kong tignan ng ganyan." sarkastikong tugon nito sa reaksiyon niya.
Pilit na iwinaksi ng binata ang pagkagulat at masusing sinuri muli si Sharina, inaalala niya kung tama nga siya ng pagkakakilanlan dito.
"Hindi ba, ikaw yung kapatid ni Summer? Si Sha... Shar.. Sharon?"
Umasim agad ang ekspresyon nito matapos marinig ang sinabi niya. "Sharina." paglilinaw ng dalagita habang nakapamewang. "At pwede ba, wag na wag mong mababanggit na magkapatid kami ni Ate Anna kung hindi susunod ka sa hukay ni Andres Bonifacio 'pag may nakarinig sa'yo." anas na pagbabanta ni Sharina.
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Viel at napakunot ng noo. "Bakit hindi nila pwedeng marinig?" interesadong puna niya.
Sandaling tumahimik ito at tila hindi alam ang dapat isagot, sumilay ang pagkataranta sa mukha nito. "W-Wala! Huwag ka nang matanong d'yan!" singhal ng dalagita matapos ay umiwas ng tingin.
"Kumain ka na, ubusin mo daw yan sabi ni Ate." pag-iiba nito sa usapan at tinalikuran siya para lumakad palabas ng pinto.
"Bakit ang dami n'yong nililihim ng Ate Anna mo? Why does someone like her hides with you sa mundong kayo lang ang nakakaalam?" biglang tanong niya kaya't napatigil sa paglalakad si Sharina.
Muling siya nitong hinarap, at sa pagkakataong ito, walang mababasa sa mukha ng dalagita kundi lungkot. "Bakit ba ang dami mong tanong? Masyado kang interesado sa buhay ni Ate Anna! May gusto ka ba sa kanya o baka naman isa ka lang sa mga taong gustong paglaruan siya?" punong-puno ng galit ang mga mata ni Sharina habang nakakuyom ang mga daliri sa kanyang mga palad. "Kung interesado ka lang at namimisteryuhan kay Ate, wag ka nang...."
"Yes, I like her." putol ni Viel sa sinasabi nito. Sinipat niya ang kanyang noo at huminga ng malalim bago magsalita muli, "Gusto ko siya at nag-aalala ako para sa kanya." muling amin niya.
Wala siyang narinig na reaksyon mula kay Sharina kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I'm worried about the way she keeps pushing people away from her. It seems like, gumagawa siya ng pader sa pagitan niya at ng mga taong nagmamalasakit sa kanya." dadag niya at napahigpit ang hawak sa kumot na nakabalot sa kanya. "At nakikita kong ganoon ka rin. Bakit, Sharina? Please tell me why," paki-usap ni Viel.
"Dahil sa bawat bagay na natutuklasan ko tungkol sa kanya, It makes me want to protect her more."
Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Nanatili siyang nag-aantay ng isasagot nito kaya't mukhang napilitan na rin itong sumuko sa pakikipagtitigan sa kanya.
"Sige, papaikliin ko na lang para maintindihan mo." pagpayag ni Sharina. "Isipin mo na lang isa itong laro, ikaw ang taya, sila ang kalaban at kami ang biktima."
"A-Ano? Hindi ko maintindihan." reklamo agad ni Viel.
Napakamot na lang ng ulo ang dalagitang kausap sa inis. "Sabi ko, isipin mo na lang laro ito. Ang bawat laro ay storya hindi ba?" paliwanag nito at tumango naman siya agad. "Sa istoryang ito, lahat ay mali. Si Ate Anna at ako ang lumulubog sa mga anino ng mga taong nasa paligid namin. At kung gusto mo siyang sagipin, gawin mo na bago pa mahuli ang lahat."
"Para manalo ka sa larong ito, you need to enchant her like she had never been enchanted before. Save her, ikaw lang ang makakagawa n'yan." dadag pa nito.
Naiwan siya sa kwarto nang may misteryong iniisip. Hindi niya na namalayan na kanina pa lumabas ng kwarto si Sharina at lumalamig na ang pagkaing nakalapag sa mesa.
"Papaikliin daw para maintindihan ko, eh lalo akong naguluhan sa paliwanag niya. Ibang klase talaga." nayayamot na reklamo niya.
PINUNASAN ni Summer ang noo dahil sa tumatagaktak niyang pawis. Nasa farm siya at tumutulong sa pamimitas ng hinog na strawberries kasama ang mga trabahador. Hindi niya alintana ang init na dala ng araw na nakatirik sa buong farm, nakasanayan niya na kasing gawin ito mula pa noong bata siya kasama ang kanyang namayapang ina.
"Ma'am, kami na lang po dito. Mainit po ang sikat ng araw ngayon." gambala sa kanya ng isang trabahor na namimitas din ng strawberries sa tabi niya.
Umiling siya at matamis na ngumiti dito. "Hindi, okay lang sa'kin." tugon niya at nagpatuloy sa ginagawa. "Huwag ninyo na lang ako intindihin."
Tumalima naman agad ang batang trabahador at bumalik sa pamimitas ng prutas.
"Ate," unang rinig pa lang niya ng tinig ay alam na niyang si Sharina ang tumawag at tumapik sa kanya. "Gising na 'yong mistisong hilaw."
Nilingon niya agad ang kapatid. "Mistisong hilaw?" naka-kunot noong tanong niya. "Si Viel?"
"Sino pa nga ba?" pamimilosopo nito. Tumahimik ito saglit saka muli siyang tinignan na para bang maynaalala.
"Ate, bakit alam niya yung tungkol sa'tin?" nagtatakang tanong ng dalagita. "Umamin ka, ipinaalam mo ba talaga sa kanya?"
"H-Hindi ko alam." tanging sagot niya sa tanong ni Sharina at pilit na ibinalik ang atensyon sa mga prutas na pinipitas niya.
"Siguro nasabi ni Rafael sa kanya, tayong tatlo lang naman ang nagtatago ng sikretong 'to." dadag na pagdadahilan niya.
Hindi man niya nakikita ang mukha ng kapatid ay nararamdaman niyang hindi ito naniniwala sa idinahilan niya. Narinig niya ang buntong hininga ng dalagita. "Hindi mo naman kailangan mag-sinungaling sa'kin Ate. Hindi ako tanga." matigas na pahayag ni Sharina bago siya nito talikuran at layasan.
Wala na siyang nagawa kundi panoorin ang paglakad palayo ng nakababatang kapatid. Hindi niya gustong madismaya ito sa kanya o ano pa man, ayaw niya lang kasi aminin sa harapan nito na mabilis siyang nagtiwala kay Viel at gumagaan na ang loob niya sa binata.
"Dapat kasi hindi ko na lang sinabi eh." nagsisising bulong niya at padabog na binabato ang mga bagong pitas na strawberries sa basket.
"MAAWA ka naman sa strawberries, " pambungad ni Viel kay Summer nang makita niya itong tila inis na inis habang pumipitas ng prutas.
Nang lingunin siya nito ay agad niyang tinugunan ng matamis na ngiti at kindat ang nakabusangot nitong mukha. "Good Morning!" masigla niyang bati.
Inirapan lang siya ng dalaga na mukhang hindi nasiyahan nang makita siya. "Anong maganda sa umaga?" pagtataray nito.
"Ikaw. Mas maganda ka pa nga sa umaga eh." pambobolang tugon niya. Umaasang mapapangiti ang dilag ngunit wala ata sa kundisyon ang mataray na si Summer.
"Ang corny mo." prankang sintemiyento nito sa kanya. Lumipat ito ng pagpipitasan ng strawberries ngunit sinundan pa rin niya ito kaya't tinignan siya nito ng masama. "Ba't ba ang kulit mo?"
"Kasi gwapo 'nga ako." muling pang-aasar niya.
"Anong connect? Baduy ka talaga kahit kahit kailan." ganting saad naman ng dilag.
"Atleast hindi asar-talo." halos pabulong na sambit ni Viel at ngumisi.
"Anong sabi mo?" may pagbabantang tanong nito sa kanya.
"Wala. Sabi ko, Kabayo." bulong niya muli at humagalakpak sa tawa.
Gumuhit naman ang inis sa mukha ng dalaga at handa nang ibato ang buong basket na punong-puno ng strawberries sa mukha ni Viel. "ANO? ANO ULIT 'YON, VIEL? SINONG KABAYO?" naka-amba na ito sa kanya habang magkasalubong ang kilay at gigil na gigil bunga ng sobrang pagka-inis.
Kinumpas naman niya ang kamay sa ere sa takot na baka tuluyan ngang ibato sa kanya nito ang mga prutas. "O-Oy! W-Wala! Wala! Sabi ko, I love you!" malakas niyang sigaw.
Natigilan bigla si Summer, nanlaki ang mga mata nito at nagulat sa isinigaw niya. Higit sa dilag, halos lahat ng trabahador na kasama nilang namimitas ng strawberries ay narinig din ito. Karamihan sa kanila ay napangiting tumingin sa kanila na para bang nanunuya o nangaasar.
"H-Ha?" tanging nasambit ng dilag na tila di makapaniwala sa narinig.
Sa sobrang pagkapahiya ni Viel ay hindi niya naiwasang mamutla ngunit pilit naman niya 'tong itinago agad. Umiling lang siya at nagkunwaring wala nangyari.
"Wa-Wala! Sabi ko tutulungan na kitang mamitas!" pagbabago niya sa usapan.
MABILIS sumapit ang hapon, hindi na niya ito namalayan dahil sa sobrang pagbibigay niya ng atensyon kay Summer habang namimitas sila ng strawberries. Ilang beses na siyang nasusungitan nito ngayong araw pero hindi siya nagsasawang patuloy na kausapin at kulitin ang dalaga. He felt the urge hooking to Sharina's words about her, he wants to save her from hatred. Pakiramdam niya'y ito ang dahilan kung bakit siya napunta sa La Trinidad, hindi para kalimutan ang nakaraan kundi para sagipin ang isang taong alam niyang unti-unting nagpapabago sa kanya.
Saglit silang namahinga sa ilalim ng puno. Tila nananadya ang ibang mga trabahador dahil iniwan sila ng mga ito. Halata namang nairita ang dilag sa ginawa ng mga ito kaya't halos lamugin na nito ang kinakain na tinapay.
"Bakit ba parang galit ka sa mundo ha? Lagi ka na lang nakasimangot." basag ni Viel sa tahamikang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi naman sumagot ang dilag at nagpatuloy sa pagkain ng tinapay. Nang mapansin niya ito'y inagaw niya agad ang tinapay. "Hello? Calling Summer? Earth to Summer? Hangin ba kausap ko?" muling tawag niya dito.
"Ano ba! Akin na nga yang pagkain 'ko!" galit na turan nito saka pilit na inaagaw sa kanya ang tinapay.
Mabilis naman niyang inubos ang tinapay bago pa ito maagaw ni Summer. Pinagkasya niya ito sa bibig niya at hindi alintana kung mabulunan siya, kasabay nito ay pinukulan niya ng nakakalokong tingin ang dilag.
Hinampas nito ang braso niya nang malakas at napabalikwas siya dahil dito. "Nakakainis ka na talaga! Pagkain ko 'yan e!" inis na inis na reklamo nito. Nagpusod ito ng buhok at tumayo. "D'yan ka na nga!"
Bago pa man tuluyang umalis ang dilag ay may nahagip ang mga mata niya sa gilid ng noo nito. Upang makasiguro ay tumayo rin siya at hinabol ito para kumpirmahin ang kanyang nakita.
"Summer, wait." pigil niya dito at hinila ang balikat nito para humarap sa kanya.
Sa paglingon nito ay agad na luminaw sa kanya na tama ang kanyang nakita. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Summer nang mapansin ang gulat na ekpresyon niya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" naiilang na tanong nito.
Nakatitig pa rin si Viel sa gilid ng noo ng dilag. Akala niya kanina ay namamalik-mata lang siya pero hindi pala. May peklat sa parteng iyon ng noo nito, hindi niya lang ito napapansin dahil palaging nahaharangan ito ng buhok.
Idinampi niya ang kamay sa peklat na 'yon kaya't haltang nagulat si Summer sa kanyang biglaang pagkilos. "Where did you get this?"
Agad na tinapik ng dalaga ang kamay niya at humakabang palayo sa kanya. Mabilis niya ring tinakpan ang peklat sa pamamagitan ng kanyang buhok. "Wala. Huwag mo nang usisain." sambit niya.
"Summer, we can be friends right?" tanong niya dito. "Pwede mo akong pagkatiwalaan." dadag pa niya.
Hindi ito agad sumagot, tinalikuran lang siya nito at nagbuntong hininga. "Stop crossing the line, Viel."
"O, BAKIT mag-isa kang nagmumukmok dito 'pre?" untag ni Rafael sa binata nang matagpuan itong mag-isa sa living room. Tinabihan nito ang kaibigan at inakbayan.
"Ayos ah, sandali lang akong nawala pero mukhang madaming nangyari." panunudyo pa nito kay Viel. "May development na ba kayo ni Summer?"
Naiiling na siniko niya si Rafael at bahagyang napangiti. "Umayos ka 'nga pare." saway niya rito.
"Aba'y ikaw ang umayos! Halatang-halata ka na tas ayaw pa umamin. Dios Mio!" bulaslas nito habang hinihimas ang tiyan na tinamaan ng siko ni Viel. "Masakit 'yon ah!"
Inihilamos na lang ng binata ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha bunga ng bumabagabag na palaisipan sa kanyang utak. "Kilalang-kilala mo siya, di ba?" biglang tanong niya dito.
"Si Summer? Oo naman." sagot nito. "As a matter of fact, ako ang pinaka-close niya na pinsan."
"Really?" malumanay na bunyi niya. "Kung ganon, can you tell me something? Ano yung peklat niya sa noo?"
Tumahimik sandali si Rafael bago muling magsalita. "Oh, that scar? Nakita mo na pala." dismayadong saad nito. "Matagal na niyang tinatago 'yon sa lahat, pero I think dapat mo rin sigurong malaman pare."
"Bakit?" naguguluhang tanong niya.
"Ang may gawa kasi ng peklat na 'yon..ay si Jems." nag-aalinlangan na tugon ni Rafael.
"Few years ago noong dito pa nakatira si Jem, matindi talaga ang galit nila ni Summer sa isa't isa." panimulang kwento nito. "It came to the point na dahil sa isang away nila, natulak ni Jem si Summer sa mababaw na bangin. And that's how she got the scar, ako lang ang nakakita at sumagip sa kanya. Gusto ko sanang sabihin kay Tito kaso hindi siya pumayag." umiiling-iling na nagbuntong hininga si Rafael. "Si Jem naman, hindi niya kahit kaylan inamin ang ginawa niya."
"Jems really did that?" di makapaniwalang tanong ni Viel matapos ang mga narinig.
"Yes." diretsong sagot ng kaibigan. "Jem is not the angel you once thought she was, pare. I don't think na napakita na niya sa'yo ang ibang side ng pagkatao niya."