KANINA pa palakad-lakad si Viel sa harapan ni Rafael. Pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri habang maka-ilang beses nang napapabuntong hininga. Ilang oras na rin ang lumipas mula nang marinig nila ang balitang pagbalik ni Jems, kaya't ilang oras na rin siyang hindi mapakali.
"Pare! Easy lang, okay? Nakakahilo ka na eh!" reklamo ng kaibigang naka-upo sa sofa at malalim din ang iniisip. "Relax! Umupo ka nga muna."
Wala siyang nagawa kundi tumalima na lang. Umupo siya sa tabi ni Rafael at ipinahid ang mga kamay sa mukha.
"Anong gagawin ko pare?" he asked, frustratingly.
Napakamot naman ito ng ulo sa tanong niya. "You mean, wala kang plano?" gulat na singhal nito sa kanya.
Umiling siya at napa-pikit sa reaksiyon ni Rafael. Ang ibig sabihin kasi nito'y pareha sila clueless sa kung anong dapat niyang gawin.
"Should I leave La Trinidad?" gumuhit ang dismaya sa kanyang mukha nang mabigkas ang tanong na 'yon.
"No, you can't! Sira-ulo ka ba?" galit na tugon ni Rafael.
Napa-yuko na lang si Viel. Alam niya kasi rin sa sarili niyang ayaw niya umalis sa lugar na ito, pero nang malaman niyang uuwi dito si Jems para sa kanya, gusto na niya mag-impake agad paalis. But then again, Summer comes into the whole picture. Lalo lang lumalaki ang problema niya!
"Gusto ko nang takbuhan 'to lahat pare." wala sa isip naibulong niya.
"Tarantado! Pa'no na si Summer? Aalis ka matapos mong guluhin ang buhay niya? You've already shaken her! Then what? You'll leave her hanging?" panenermon ni Rafael. Pagkakaibigan na lang siguro nila ang pumipigil dito na suntukin siya nang paulit-ulit para matauhan.
"I know! Damn it! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko." usal niya.
"One thing, mahal mo pa ba si Jems?" seryosong tanong nito sa kanya.
Pinakiramdaman muna ni Viel ang sarili bago sumagot. Huminga siya nang malalim at inagat ang ulo para tignan ang kaibigan.
"No, hindi ko na siya mahal." prankang tugon niya, "Infact, ilang taon na rin pala ang nakalipas mula nang marealize ko ang bagay na 'to. Hindi ko lang siguro maamin sa sarili ko." he added with a sad smile.
"So matagal mo na siyang niloloko?"
"Hindi ko siya niloko. Maybe, ang sarili ko ang niloko ko. I started to think of Jems as an obligation due to the pressure of being the perfect man for her. I started being cold to her, siguro 'yon ang dahilan kung bakit iniwan niya ko." pagpapaliwanag ni Viel at tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa.
Tumanaw siya sa labas ng bintana at tinitigan niya ang dalagang si Summer na pumipitas nanaman ng strawberries sa farm kasama ang mga trabahador.
"My ego was hurt nang iwan ako ni Jems, that's why I'm broken when I came here. Pero pagkakitang-pagkakita ko pala sa kanya, nakalimutan ko na ang lahat." pagpapatuloy niya sa pagsasalita.
Ngumiti siya at kumaway nang mapansing napatingin sa direksyon niya ang dalaga. Hindi man siya pinansin nito'y nakadama siya ng konting kaligayahan nang magtagpo ang kanilang mga mata.
"She's like a raging fire. Every inch of her was enchanting, but if you come too close you'll burn."
Isang malakas na palakpak ang narinig mula sa kaibigan niyang si Rafael. Naka-awang parin ang bunganga nito at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"WOW! Just wow, pare! Congrats! In love ka na nga!" bulaslas nito saka nakipagkamay pa sa kanya.
Yamot namang tinabig ni Viel ang kamay ng kaibigan. "Umayos ka 'nga. Isara mo yang bibig mo baka pasukan ng langaw." sarkastikong tugon niya dito sabay tapik sa gilid ng nakanganga nitong bibig.
"So, hindi ka na aalis? Ipagpapatuloy mo na yung kay Summer?"
Tumango siya at napahawak sa kanyang batok. "Oo. After all, Jem and I are long over. Paninidigan ko ang panghihimasok sa buhay niya." desididong sagot niya.
"HANGGANG kailan mo ko pagtataguan, Anna Summer Montemayor?" sarkastikong tanong ni Viel.
Kanina pa siya nakatambay sa labas ng kwarto ni Summer. Ilang beses na siyang kumatok pero ayaw siyang pag-buksan ng pintuan nito kaya't heto siya at mukhang tangang nagsasalita nang malakas para marinig siya ng nagkukulong na dalaga.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ko kinakausap. Kuha mo?" banta niya at umupo sa tapat mismo ng pintuan ng kwarto nito.
Sa kabila ng kanyang banta ay hindi pa rin lumabas ng kwarto si Summer, wala rin siyang narinig na ingay mula sa loob.
"Maawa ka na sa gwapong katulad ko, please?" mapang-asar niyang dagdag. Umaasa siyang maiinis ito ngunit hindi pa rin ito tumugon sa panunuya niya.
"Oh, hijo? Ay dios mio, bakit ka naka-upo diyang bata ka?" nagulat na bulaslas ni Aling Feliciana nang makita siya. Ito ang tagapangalaga at punong katiwala ng mansyon.
Isang malapad na ngisi ang puminta sa labi niya nang may nakakalokong ideya na pumasok sa kanyang isipan. Hindi siya tumayo mula sa pagkaka-upo at tiningala ang matandang nagulat sa kanya.
"Eh Manang, yang alaga niyo kasi. Ayaw pa kong sagutin." pagdadahilan niya saka ngumiti muli at kinagat ang labi sa pag-asang naririnig ni Summer and diskusyon nila mula sa loob ng kwarto.
"Aba't nililigawan mo pala si Summer?" tanong muli ng matanda.
"Opo!" Kumpiyansang sagot niya. "Kaya nga po hindi ako aalis dito hangga't hindi siya lumalabas sa kwarto niya." dagdag pa niya.
"Gabi na hijo. Huwag mong sabihing dyan ka matutulog?" paninigurado ni Aling Feliciana na napakunot ng noo.
"Opo! Para hindi niya 'ko matakasan sakaling magutom siya at lumabas sa lungga niya." saad niya habang tumatango-tango.
Hindi naman napigilang ng matandang kasambahay na mailing at tumawa.
"Sige hijo. Napakasipag mo namang manliligaw." papuri nito.
"Dadalhan nalang kita dito ng kumot at unan mamaya." prinsinta ni Aling Feliciano bago lumakad paalis.
"Salamat ho!" pahabol na sigaw niya.
Muli niya ibinaling ang atensyon sa pintuan. Mukhang wala pa ring epekto ang ginawa niyang pagpaparinig dito habang kausap ang kasambahay.
"Hoy babae!" untag niya at binulabog muli ng katok ang pintuan.
"Hindi ako susuko, tandaan mo 'yan ha? Kahit ilang araw pa ko umupo dito sa harap ng kwarto 'di kita titigilan! Kuha mo?" singhal niya ngunit wala pa rin siyang narinig na kahit ano mula sa kwarto.
"Ang hirap mo namang suyuin..."
Natigil sa pagsasalita si Viel nang biglang bumukas ang pinto nang hindi niya inaasahan. Bumulaga sa kanya ang iritadong mukha ni Summer. Nakapamewang ito at tila hindi masayang makita siya.
"Maluwang na ba yang turnilyo mo sa utak o talagang nagpapapansin ka lang? Umalis ka na nga! Istorbo ka!" galit na sigaw ng dilag sa kanya.
"You heard me kanina, right? Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo 'ko sinasagot." mapang-asar na tugon niya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig.
"Sagutin? Nahihibang ka na ba? Hindi mo naman ako nililigawan ah?" namimilosopong puna nito at tinaasan siya ng kilay.
"Ang tanong, pwede ba manligaw?" bawing tanong niya saka bahagyang humakbang palapit kay Summer.
Umatras agad ito at ikinampay ang mga kamay sa harapan para pigilan ang tuluyang paglapit niya dito.
"D'yan ka lang! Huwag ka lalapit!" tili ng dalaga. "Hindi pwede! Hindi naman tayo close at hindi tayo friends kaya hindi ka pwede manligaw. Got it?"
Imbes na mayamot sa sagot nito ay lalo pa ata siyang natuwa. Nanatili ang nakakaloko niyang tingin at ngiti sa dilag.
"Then let's be friends! Let's be close friends!" bulaslas niya at hinagip ang mga kamay ni Summer na pumipigil sa kanya mula sa paglapit dito.
"Viel!" nagbabantang tawag nito sa kanyang pangalan. Namutla ito nang hagkan ni Viel ng kanyang mga labi ang mga kamay ng dalaga.
"Why do you keep crossing the line? Sinabi ko na sa'yo na...."
Hindi na pinapakinggan pa ni Viel ang sinasabi nito, hindi niya malaman kung bakit naka-pako ang kanyang paningin sa pag-galaw ng labi ni Summer. He was blinded by her nearness, that's why he didn't get the chance to fight the urge of his yearning desire. Mabilis niyang hinila ito palapit at inangkin ang mga labing kanina pa niya tinititigan.
Nang magtagpo ang mga labi nila'y nanlalaban pa ang dilag sa sobrang pagka-gulat, pero sadyang mas malakas siya dito. He deepened the kiss and felt her knees tremble against him. Hindi man niya inaasahan, pero tumugon ito sa kanyang pag-halik. Unti-unting pumulupot ang mga kamay nito sa kanyang leeg kaya't malaya niya rin itong mas nahila papalapit sa kanya.
Matapos ng makapigil-hiningang halik na iyon ay tahimik silang nagtitigan ng dalaga. Tila ba nangungusap ang mga mata para sa mga katagang hindi masabi ng kanilang mga labi.
"I... I'm sorry, Summer. Hindi ko..."
"Vincel, to my office now." halos mapatalon sa gulat ang dalawa sa narinig na boses. Dagli-daglian silang kumalas sa isa't isa nang mapagtantong si Don Alejandro pala ito.
"D-Dad." nauutal na tawag ng dilag sa ama at pinamulahan ang mukha.
"Tito, I can explain---"
"Sure you can, Vincel. Follow me to my office." pagputol ng Don sa pagsasalita ni Viel saka nagmartsa patungo sa pintuan ng opisina nito.
Muli siyang tumingin kay Summer, nakayuko ito at ayaw siyang tignan. Hinawakan niya ang kamay nito at huminga nang malalim.
"I'll save you. Hindi para tuparin ang pangako ko kundi para mapatunayan sa'yo na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo." paniniguro niya at hinigpitan lalo ang hawak sa kamay ng dalaga.
"Trust me." huling sambit niya bago pakawalan ang kamay nito at lumabas ng kwarto para sundan si Don Alejandro.
TAHIMIK NA pumasok si Viel sa malaking kwartong nagsisilbing opisina ng ama ni Summer. Nadatnan niyang nakatanaw ito sa labas ng bintana habang nag-aantay sa kanya. Naroon din si Donya Jella na matalim ang tingin sa kanya mula pa nang pagtapak niya papasok.
"Good evening po, Tito at Tita." magalang na bati niya.
Lumingon agad ang matandang Don sa kanya at ngumiti. "Maupo ka, hijo." anyaya nito.
Tumalima naman siya at umupo sa upuang malapit sa lamesa at katapat ang nakaupo ring Donya. Mahabang katahimikan ang namayani sa naturang opisina, tila nagpapakiramdaman silang tatlo kung sinong unang mangangahas na bumasag sa nakakabinging atmospera sa pagitan nila.
"As I can see Viel, nagiging close na pala kayo ni Summer." pagsisimula ni Don Alejandro. Umupo na rin ito sa mala-trono nitong upuan para harapin siya.
"Opo, tito." matipid na tugon ni Viel habang tumatango.
Nagbuntong-hininga ang matanda at tila hindi na nagulat sa sagot niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa hijo. Nitong mga nakaraang araw, marami na ring nakakapansin sa pagbabago ng aking anak at pati ang kakaibang pagkakalapit ninyo sa isa't isa." seryosong paliwanag nito. "At sa nakita ko kanina, it seems to be so obvious now. Although, I want to hear it from you Vincel."
"Yes, Tito. I like Summer." prankang sagot agad ni Viel. "Infact, sa tingin ko mas lalalim pa ang nararamdan ko para sa kanya."
"No! That can't be!" malakas na tutol ni Jella sa kanya. "Halos magdadalawang buwan pa lang mula nang mag-hiwalay kayo ni Jem, how the heck can you move on and like our Summer that fast? I mean, that's hilarious!" sarkastikong bulaslas pa ng ginang.
"Jella." may awtoridad sa saway ni Alejandro sa asawa.
Nang tumahimik muli ang paligid ay nagsalita muli ang matandang Don, "Are you really over with Jem?"
"Yes. Opo, Tito. I hate to admit it sa inyo pero..siguro dapat ninyo na rin malaman." yumuko siya bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Hindi po kasalanan ni Jems kung bakit kami nag-hiwalay." pag-amin niya.
Nanatili namang tahimik ang mag-asawa at naghintay sa susunod pa niyang sasabihin kahit na naguguluhan sila sa nais niyang ipahiwatig.
"Nanlamig ako sa kanya. For the past three years, I look at her as an obligation. Just then, doon ko lang namalayan na itinutulak ko na pala siya palayo." nahihirapan man si Viel na aminin ito sa harapan mismo ng magulang ni Jems, pinasya niyang ipagpatuloy na lang ang nasimulan niyang pagsasalaysay.
"My ego was hurt when she left, that's why I got angry at her. Pero nang tumungtong ako dito, I saw Summer. Nabura lahat ng iniisip ko, hindi ko alam kung bakit. Mysteriously, siya na lang lagi ang nasa isip ko."
Hindi namamalayan ni Viel na napapangiti na pala siya habang nagkukwento. Nang tingalain niya ang mag-asawa ay pareho rin itong naka-ngiti sa kanya.
"Bakit po?" kinakabahang tanong niya.
Umiling lang si Don Alejandro at tumawa. "Obviously, it's curiousity that leads you at this point hijo. You're in love." simpleng tugon nito.
"Ayoko sanang maniwala, but I guess this is it. Siguro nga hindi na kayo magwowork out ni Jems." malungkot na sabad ni Jella. "Sasabihin ko na lang na mag-stay siya sa states for good---"
"Too late, Mommy." isang pamilyar na tinig ang narinig ni Viel kasabay ng mga yabag papasok sa opisina. Unti-unti siyang lumingon at nanlaki agad ang kanyang mga mata nang bumulaga si Jem sa harapan nila.
"I'm back." mariing sambit nito nang may mapanuyang ngiti.
Gusto niyang tampalin ang sarili para kumpirmahin kung hindi talaga siya namamalik-mata. Winter Jem Montemayor is back! Back with the fierce vengeance.
"Jems, welcome back..." bago pa matuloy ni Viel ang sasabihin ay isang malakas na sampal ang agad niyang nadama sa kanyang pisngi.
"I over-heard, Sorry. That's for three long years na pinagmukha mo 'kong tanga!" mapait na saad ni Jems at hindi napigilan ang pagbagsak ng mga luha.
"Winter Jem! Tigilan mo 'yan!" saway ni Don Alejandro sa anak. "Let's all talk about this calmly."
"Jems, I'm sorry." pagsusumamo niya pero isang sampal naman sa kabilang pisngi ang muli niyang natamo bilang tugon.
"And that? That's for messing with my sister! At may balak ka pang pormahan ang kapatid ko matapos mo kong pagmukhaing tanga? Damn you!" nag-ngingitngit sa galit na sigaw nito at akmang uulitin ang pagsampal sa kanya.
"Jems, stop it!" mabilis na pinigilan ng matandang Don ang anak at inilayo agad mula kay Viel. "Stop being childish!"
Hindi pinagtuunan ni Jems ang sinabi ng ama, napukol pa rin ang kanyang masamang tingin at atensyon kay Viel.
"Mark my word, Vincel. Gagawin ko lahat para hindi ka gustuhin ni Summer. I'll do whatever it takes." huling mga katagang binanggit nito bago mag-martsa palabas ng kwarto.