Chapter Six

2183 Words
"MA'AM, handa na po ang hapunan. Pinapatawag ho kayo ni Don Alejandro." tawag ng isa sa mga kasambahay mula sa labas ng kwarto ni Summer. "Hindi ako kakain, pakisabi kay Dad hindi maganda ang pakiramdam ko kaya maaga akong natulog." utos niya at hindi man lang nag-abalang buksan ang pinto para harapin ang katulong. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama at mahigpit na yumakap sa unan. Matagal siyang tumitig sa kawalan, maya-maya ay hinaplos niya ang noo at kinapa ang peklat niya. Napapikit siya kasabay ng kanyang malalim na buntong-hininga. "Bakit ba sobrang concern niya sa'kin?" bulong niya sa sarili. Ang tinutukoy niya ay si Viel. Ilang araw pa lang silang nagkakakilala pero pakiramdam niya'y masyado na itong maraming nalalaman tungkol sa kanya, pati ang mga sikretong isinumpa niyang daldalhin niya hanggang hukay ay nalaman na rin nito. "Anna Summer, masyado kang nagiging komportable sa kanya!" sigaw muli ng kanyang isip. "Ex siya ni Jem! Isang malaking EX! Pag nalaman niya na close kayo ng ex niya, tiyak iisipin non na mang-aagaw ka!" Napailing siya sa mga tirada ng utak niya. Inis na ginulo niya ang kanyang buhok at nagpagulong-gulong sa kama. Nayayamot siya sa katotohanang ilang araw nang ginambala ng mga gawi at salita ng binata ang kanyang isipan. 'Pwede mo 'kong pagkatiwalaan.' paulit-ulit na bumubulong ang mga katagang yon sa utak niya. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa unan na yakap niya at dinamba-damba ang kama gamit ang kanyang mga paa dahil sa sobrang inis sa sarili. "Hindi pwede," saad niya at bahagyang tumigil sa pag-aalburuto. "Bakit ba 'ko apektado?" nagtatakang tanong niya sa sarili. Bumangon siya mula sa pagkakahiga saka mabilis na tinignan ang sarili sa salamin. "Anna Summer Montemayor, gather your senses!" napalakas na sigaw niya. Kasabay ng maka-basag tengang tili niya ay may katok siyang narinig mula sa pintuan. Gulat na napatakip siya ng bibig at mabilis na inayos ang magulo niyang buhok. "S-Sino yan?" kinakabahang tanong niya. Wishing and praying na sana'y hindi narinig ang sigaw niya kanina. "Si Viel 'to." sagot naman nito mula sa labas. Nataranta agad si Summer at nanlalaki ang mga matang tumingin muli sa salamin. "Kapag minamalas ka nga naman oh!" bulong niya sa sarili habang tila kinakagat ang mga kuko dahil sa nerbyos. "Summer? Okay ka lang ba d'yan?" muling tawag nito nang hindi niya nakuhang magsalita. "May dala akong pagkain, hindi ka pa kasi kumakain ng hapunan." Mahigpit siyang humawak sa estante ng salamin, pinipigilan ang sariling buksan ang pinto. Huminga siya ng napakalalim bago muling magsalita. "H-Hindi ako gutom." pagsisinungaling niya, pero ang totoo'y kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Matagal na tumahimik ang paligid, walang katagang nang-galing kay Viel kaya't halos inakala ni Summer na umalis na ito. Lumakad siya papunta sa pintuan, ngunit bago pa niya ito mabuksan ay muling nagsalita ang binata. "I'm sorry," narinig niyang saad nito. Sumandal siya sa saradong pintuan at hinintay ang mga susunod pang kataga ni Viel. "Sorry kung masyado na akong nakikialam. Alam kong naiirita ka na sa'kin, pero---" tumigil ito at tila biglang nag-aalinlangan sa dapat sabihin. "Wala akong masamang intensyon." pagpapatuloy nito. "Alam ko," mabilis na tugon niya dito. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa'kin. Makakaalis ka na." dagdag pa niya "Hindi, Summer. Marami ka pang hindi alam, hindi mo alam na marami na akong alam tungkol sa'yo!" halos pasigaw na deklara nito. "I-I just can't stop now." Nanlaki ang mga mata ni Summer at tila hindi makapaniwala sa narinig. "A-Anong sabi mo?" naguguluhang tanong niya saka wala sa isip na binuksan ang pintuan. Bumulaga agad sa harap niya ang gulat ding ekspresyon ni Viel habang may hawak na tray ng pagkain. "What do you mean?" muling pagtatanong niya, at sa pagkakataong ito'y may guhit ng urgency na ang tono niya. "I..I mean," natataranta at nangangapa ng sasabihin ang binata, "Wala! Sinabi ko lang 'yon para lumabas ka! Ha-ha-ha! Epektib di ba?" pagpapalusot nito. Hindi nagustuhan ng dilag ang sagot nito sa tanong niya. Humigpit ang hawak niya sa door knob at kumunot ang kanyang mga noo. "Tama na ang mga palusot Vincel Dela Peña! Stop lying to me." may pagbabantang singhal niya. "Ano pang alam mo? Spit it all out!" "Fine!" pasigaw na ring sagot ni Viel. Naubusan na rin ng pasensya ang binata kaya't nagtaas na rin ito ng tono. "Alam ko ang tungkol sa peklat mo sa noo, kay Sharina, sa manliligaw mo, kay Tita Jella at kay Jems! There! Masaya ka na?" sarkastikong saad nito. Bakas sa mukha ng binata ang dismaya at awa para sa kanya. Nanatiling nakapako ang mga mata nito sa kanya habang siya'y mabilis na umiwas ng tingin. Binaba nito sa sahig ang hawak na tray bago magpatuloy sa pagsasalita. "Why are you so upset about me getting to know you? Dahil ba may koneksyon ako kay Jems?" hinawakan nito ang braso niya. Eager to hear her answer. "Is that it? 'Yon ba ang rason mo?" Walang anumang kataga ang lumabas sa bibig ni Summer. Mahigpit niyang kinuyom ng mga daliri ang kanyang palad at tumalikod muna mula kausap bago magsalitang muli. "I already told you, stop crossing the line!" galit na sigaw niya. Tatapak na sana siya pabalik ng kwarto ngunit mahigpit na hinawakan ni Viel ang kamay niya. Napapikit siya sa elektrisidad na naramdaman nang itulak siya nito sa pader. Wala siyang kalaban-laban sa malakas na pwersa nito. "I'm not crossing the line, I'm breaking it! Winawasak ko lahat ng harang at pader na binubuo mo sa paligid mo, got it?" marahas na sagot nito. "Bakit? Bakit ka ba nakikialam? Why can't you just leave me alone?" gumagaralgal na ang boses niya. Kasabay ng pagmulat ng mga mata niya ang pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Nakaramdam ng panghihina ang binata nang makita ang mga luha niya. Lumuwang ang pagkakahawak nito sa braso niya at yumuko na tila ba nagsisisi sa ginawa nito. "I'm sorry, I can't leave you alone." mahinang tugon ni Viel. "If you're gonna ask me why, hindi ko rin alam. Basta mula nang tumapak ako dito sa La Trinidad, ikaw na lagi ang iniisip ko." Halos lumuwa ang mga mata ni Summer sa kanyang naririnig, pilit niyang iniintindi ang mga pinagsasabi nito ngunit isang 'di kapani-paniwalang konklusyon lang ang pumapasok sa kanyang isipan. "Viel." tanging nasambit niya dito. Hindi niya malaman ang dapat niyang sabihin. "You mystify me, you're making me feel the enchantment that I've never felt before in my entire life." pagpapatuloy nito sa pagsasalita. "Gusto kitang sagipin. I want to save you from your tragedy. Pero sa tuwing lalapit ako, lumalayo ka. You purposely built those walls and lines para harangan ang mga taong posibleng nagmamahal sa'yo. Why? Why are you like this? Tell me!" bumalik ang apoy sa mga mata ng binata, muling naghahanap ng kasagutan mula sa kanya. "Dahil ayoko---ayoko na magtiwala!" humihikbing sagot ni Summer. Nanghina siya kaya't napaupo siya sa sahig at niyakap ang kanyang mga tuhod. "Huwag mo kong pangaralan na para bang alam mo ang pinagdadaanan ko! Isang iglap lang, nawala na ang lahat ng sa'kin. Alam mo kung bakit? Dahil kay Jems. Inagaw niya ang lahat. Kaya please, tigilan mo na ko!" umiiyak na paki-usap ng dilag habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Umupo rin sa harapan niya si Viel. Gently, pinunasan nito ang mga luha niya. "Wala, wala namang nawala sa'yo Summer. Nasa'yo pa rin ang lahat! Pilit mo lang sinasarado ang sarili mo kaya hindi mo makita na walang nawala sa'yo!" hinawakan nito ang mga kamay niya. "Please, let me. Ipapakita ko sa'yo na walang nawala sa'yo. Ipapakita ko sa'yo ang nakikita ko sa tuwing tinititigan kita. Just let me save you from your loneliness." Gustong matunaw ng puso niya sa sinseridad na nababasa niya sa mga mata ng binata. Gusto niyang maniwala, gusto niyang magtiwala at magpatangay sa agos ng nararamdaman niya pero sa likod ng isipan niya'y hindi nawawala ang takot. Takot na maiwan muli, takot na mawalan at masaktan. Bumitaw agad siya sa pagkakahawak ni Viel sa kamay niya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at dagli-dagling tumayo. "Hindi. Hindi pwede Viel." matigas na tugon niya. "Go back to Jems. Wala kang mapapala sa'kin." Nagmartsa siya pabalik sa kanyang kwarto nang hindi nililingon o tinitignan ang reaksyon ni Viel. "Hindi ako susuko, Summer." ito ang huli niyang narinig bago maisarado ang pintuan sa kanyang likuran. ILANG ARAW nang nagkukulong sa kwarto ang dalagang si Summer, hindi ito lumalabas para kumain man lang o pumunta sa Rose Garden kung saan ito madalas nagpapalipas ng oras. Simula ng matinding sagutan nila ni Viel, wala na ring magawa ang binata kundi ang mag-alala. Mag-isa siya ngayong nagmumuni-muni habang nakatanaw sa malawak na farm ng mga Montemayor. Sinong mag-aakalang sa maiksing panahon inilagi niya dito'y mahuhumaling siya ng sobra sa La Trinidad? Sino din bang mag-aakalang makakahanap siya ng rason para manatili dito nang matagal? Who would've thought na ang napaka-gandang dalagang nagtatago at galit sa buong mundo ang magpapatibok muli sa puso niyang sandaling binalot ng lamig? Everything is just unbelievable for him. "I like you, I like you! Goodness! Bakit ba kasi ganito ang epekto mo sa'kin? Damn!" pabulong na kastigo niya sa sarili at ipinahid ang kamay sa kanya noo. "Am I hearing it right? You really like her now?" sarkastikong tanong ni Rafael na kanina pa pala nakikinig sa kanya habang nakade-kwatrong naka-upo sa sofa. Pinukulan niya ito ng matalim na tingin pero imbes na tumigil, lumapad pa lalo ang ngiti nito sa kanya. "Aha! I knew it! I knew it!" mapang-asar na bulaslas ng kaibigan at tumayo para akbayan siya. "Pinopormahan mo na si Summer noh?" Umiling siya at tinanggal ang kamay ni Rafael na naka-akbay sa kanya. "Tumigil ka nga, Raf. Iniiwasan 'nga ako eh." iritadong sagot niya. "Oh? Kaya ba nagkukulong 'yon? Don't tell me sinabi mo na agad? Binigla mo ba?" sunod-sunod na tanong nito. Kunot-noong binatukan niya si Rafael. "Pa'no ko masasabi 'yon kung miski pakikipagkaibigan ko ayaw niya tanggapin?" gumuhit ang linya ng pagka-dismaya sa kanyang mukha. Tatawa-tawa namang bumalik sa sofa si Rafael. "Eh di ligawan mo na agad! Nakikipagkaibigan ka pa eh halta namang may gusto ka sa kanya." naiiling na komento nito. "Sira-ulo ka talaga, kaya ayaw sa'yo ni Mell eh." sarkastikong ganting pang-aasar ni Viel dito. "Puro santong paspasan ang alam mo." "Aba! Ano bang pake ko sa pinsan mong choosy? Kung ayaw niya, e di 'wag. Hindi ako ganon ka-desperado." kumpiyansang tugon ni Rafael. "Ah, talaga? Kaya pala pumunta ka pa sa Manila para ligawan lang siya no? Hindi ka pa desperado sa lagay na 'yan?" muling pang-aasar niya at ngumisi nang makita ang pagkayamot sa mukha ng kaibigan. "Bang!" "Umayos ka pare ah--" Naputol ang pag-aasaran ng dalawa nang marinig ang pag-bukas ng pintuan. Agad na nakuha ang atensyon nila ng taong pumasok sa kwarto. "Lianne?" gulat na usal ni Rafael sa babaeng pumasok sa kwarto. Nag-akapan ang dalawa habang si Viel ay walang ideya na nakatingin lang sa kanila. "Wow! Long time no see! You look amazing!" komento ni Rafael nang magkalas sila ng yakap ng babaeng tinawag nitong Lianne. "How'd you been?" Ngumiti naman ang dilag at hinampas ang braso ng kausap. "Kahit kailan talaga bolero ka Rafael." natatawang tugon ni Lianne. "I'm good. Kakauwi ko lang galing States, I rushed here kasi pinapunta ako ni Tita Jella." "Oh? Well, welcome back cousin!" saad ni Rafael. Nayamot nang makinig si Viel sa pinag-uusapan ng mag-pinsan kaya umupo na lang siya sa sofa. Mataman niyang pinagmasdan si Lianne. Wala sa mukha nito ang pagiging isang Montemayor. Sobrang amo ng mukha nito at walang bakas ng tapang 'di tulad ni Summer. Napa-buntong hininga nanaman siya nang maalala ang dalaga. "Viel, may topak ka na talaga." bulong niya sa sarili. "Oh! I forgot to introduce you to my friend." matapos ng mahabang kwentuhan ay ngayon lang napansin ni Rafael na nandito pa pala siya. "He's Viel, family friend and Jems' ex-boyfriend." "Oh! You're that Viel na madalas na ikuwento sa'kin ni JemJem?" hindi makapaniwalang sambit ni Lianne at nakipag-shake hands sa kanya. "I'm Lianne, Lianne Evangelista. It's nice to finally meet Winter Jem's boyfriend." "EX-boyfriend." paglilinaw niya at nakipagkamay din dito. "Nice to meet you too." "You know what? Ngayong nakita na kita, I agree na bagay nga kayo ni Jems." saad ni Lianne. Hindi naman naiwasan ni Viel na mayamot sa narinig kaya napakamot na lang siya ng ulo. "No, Lianne. Si Summer na ang gusto niya ngayon. Matagal na silang break ni Jems no." sabad ni Rafael habang pinupukulan ng nakakalokong tingin si Viel. "Oh? Really? Wow!" bulaslas ng dilag at napangiti. "It's nice that may nakaka-appreciate na sa kanya bukod sa'min ni Raf. I really like her, but the sad part is she doesn't feel the same way towards me. She despise me." malungkot na wika nito. "Bakit? Hindi ba magpinsan kayo?" interesadong tanong niya. "We're not really cousins.By law, yes. But by blood, no." sagot nito saka umupo rin sa kabilang sofa. "You see, pamangkin ako ni Tita Jella. Step mother lang ni Summer si Tita, kaya technically we're not really related. Maybe that's why she hated me." paliwanag ng dilag. "Summer hates everyone related to Jella. Kaya siguro ganyan din siya sa'yo pare." sabad ni Rafael at tinapik ang balikat niya. "You really like Summer, don't you?" biglang tanong ni Lianne out of blue. Halos mahulog naman si Viel sa pagkaka-upo dahil sa tanong na 'yon. Mabilis niyang inayos ang sarili at umupo ng maayos nang makabawi mula sa pagkagulat "H-Ha?" wala siyang masagot pagkat ayaw niya ring aapakan ang ego niya sa usapang ito "Masyado ka kasing focus nung mabanggit siya, pero nung si Jems pa ang usapan parang wala kang pakialam." puna nito. "You do like her." "E-Ewan ko." nauutal na pagsisinungaling niya. Napa-buntong hininga si Lianne, "I wonder kung anong mangyayari ngayong pauwi na si Jems." Parehong natigilan sina Rafael at Viel sa sinabi nito, nagtinginan sila saka muling tumingin ulit sa dalaga. "ANO?" "Jem is flying back to the Philippines. Ang sabi niya kasi, she realized how wrong she was about leaving you. Pero now, I think..." "What the heck," napasipat ng noo si Viel at nanlumo. "This can't be happening."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD