Maagang naalimpungatan si Summer. Wala pang maaaninag na liwanag sa labas at tahimik pa ang buong mansyon. Payapa siyang nakatayo sa balkonahe habang nakatanaw sa kabuuan ng farm. Ito ang madalas niyang ginagawa upang makalimutan ang mga problemang kinakaharap niya, ngunit sa pagkakataong ito'y kabaliktaran ang nangyayari.
Sa tuwing makikita niya ang farm mas lalo niyang naaalala si Viel at ang matamis na sandaling namagitan sa kanila. She touched her lips with this thought.
Agad siyang napa-sipat ng noo at umiling. Nahihibang na ba talaga siya? Hindi niya malaman kung bakit sumasagi pa sa isip niya ang pangyayaring iyon samantalang gustong-gusto niya nang kalimutan ito. Nagpabuntong-hininga siya, tila hindi niya ata magpagsasabihan ang sarili dahil aminado na rin siya na nagugustuhan na rin niya si Viel.
"Hanggang dito na lang, Summer. Itigil mo na 'tong kahibangan mo." mapait na bulong niya sa sarili.
Maya-maya'y may kamay na tumapik sa kanyang balikat kaya halos mapatalon siya sa gulat. Lumingon siya, kasabay nito ang pag-awang ng kanyang bibig at panlalaki kanyang ng mga mata.
"J-Jems." gulat na gulat na tawag niya dito.
"Hey, Sis. Missed me?" sarkastikong tanong ni Jems sa kanya.
Hindi siya agad na nakasagot dahil gulat pa rin siya sa biglang pagsulpot nito.
"Naka-uwi ka na?" 'di makapaniwalang tanong niya.
Nakapamewang na tumango ito saka ngumisi.
"Well, yes. I'm back for good." kumpiyansang tugon ng kanyang half-sister.
Wala na siyang iba pang masabi bukod roon. Pakiramdam niya'y bumigat pa lalo ang pasan niyang problema maliban kay Viel. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na isa itong senyales. Senyales na dapat na niyang itigil ang kahibangan, na dapat na niyang putulin ang ano mang namagitang koneksyon sa kanilang dalawa ng binata.
"So I heard, close na kayo ni Viel?" basag ni Jems sa pananahimik niya. Hindi niya ito tinugon kaya't nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Thank you for taking care of MY BOYFRIEND, Summer. That's really a sweet thing to do." dagdag pa nito at gumuhit ang panunuya sa kanyang nakangiting labi.
May kung anong kirot siyang nadama nang marinig ang mga katagang sinambit ni Jems. Pinilit niyang huwag ipahalta dito ang nadarama at tumalikod.
"Oh, Viel? H-Hindi naman kami close." Tanggi niya.
"Oh? Really? Viel is a very charming guy. Imposible namang hindi mo siya nagustuhan?" muling usisa ng kapatid at tila may gusting palabasin sa tono ng pananalita nito.
Summer bit her lip and sighed.
"I don't like him, and I never will." Pag-sisinungaling niya.
Hahakbang na sana siya paalis ngunit natigilan siya nang bumungad sa pintuan ng balkonahe si Viel. Nakatitig lang ito sa kanya at mukhang narinig ang pinag-usapan nilang magkapatid.
Agad siyang umiwas ng tingin at dagli-dagling dinaanan lang ito. Ayaw niyang makita nito na nasasaktan siya. Mas mabuti nang hayaan niya ang binatang maniwala sa kasinungalingang sinabi niya kay Jems.
SA KABILANG dako ay walang imik na nanatili si Viel sa kinatatayuan niya matapos lumakad paalis si Summer. Isang malaking sampal sa kanya ang narinig ngunit mas nababahala siya sa hitsura ng mukha nito nang magkatitigan sila.
She looks so pained. Nababasa niya sa mga mata nito ang sakit na para bang mas nasaktan pa ito sa mga katagang sinabi nito kaysa sa kanya. Pero bakit? Is he the one causing that pain?
"Ano na ngayon, Viel? Sa kanya na nanggaling, she will never like you." mariin na paalala ni Jems sa gitna ng pananahimik niya.
"I don't care." matipid niyang sagot at akmang tatalikuran ang dating kasintahan.
Hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya kaya't muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong ito'y puno nanaman ng poot ang pagtitig nito sa kanya.
"What do you mean by you don't care? Ipagpapatuloy mo pa rin ang pag-aaligid kay Summer?" galit na tanong ng dilag na tila ba nagbabanta.
Pinukulan din ni Viel ng isang galit na tingin si Jems kaya't bahagya itong nasindak at binitawan ang braso niya. "Kung ipagpapatuloy ko man o hindi, wala ka nang pakialam. Stop being nosy with things that aren't yours anymore."
Keeping his ego high, he started taking a step forward. Sigurado na siya sa gusto niyang tahakin at wala na siyang pag-aalinlangan pa.
"Why? Ano bang meron si Summer?" mapait na tanong ni Jems na muling nagpatigil sa kanya. Nagmartsa ito muli papalapit sa kanya at pilit na hinila ang kamay niya upang harapin ito.
"Paano mo nagawang magustuhan siya nang ganito kabilis? How does two months of knowing her differ from years of being with me? Answer me!" gumagaralgal na ang boses ng dalaga, kasabay ang pag-bagsak ng mga luha mula sa mga mata nito.
A flash of guilt run through Viel's vein. Kasalanan niya lahat ng ito. Kung hindi lang siya naging unfaithful kay Jems, maybe nagkabalikan pa sila ngayon. But that's not how it works, hindi mo kahit kailang matuturuan ang puso.
Niyakap niya ang umiiyak na dilag at inalo ito. "I'm sorry, Jems. Kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganito ngayon." saad niya.
"D-Damn you! Just answer me! Hindi ko kailangan ng sorry mo!" marahas nitong sigaw habang umiiyak at pinagpapalo ang matipunong dibdib ng binata.
Humugot ng malalim na hininga si Viel bago sumagot. Hinayaan niya munang mang-hina at kumalma si Jems mula sa kakahampas sa kanya.
"Tama ka. There's a big difference between how long I've been with you and how long I've known Summer." pag-sisimula niya at binitiwan si Jems.
"Sa maraming taon na nakasama kita, it was perfect. Atleast I thought it was, but I came to realize that you're too perfect. Napagod ako sa pag-aasam na maging isang perpektong 'Viel' para sa'yo." mapait na gunita ni Viel at napayuko.
"Hindi ko kahit kailan naramdaman na kailangan mo 'ko. You're a party-goer-- and I'm not. Sinubukan kong gawin lahat ng hilig mo kasama ka pero sa huli, I can't hide the fact that I can't be someone else like what you're pushing me to be." hinawakan niya muli ang mga kamay ni Jems at pinunasan ang mga luha nito sa pisngi. "You became so strong that you'll no longer need me in your life. You're not the same Winter Jem I fell in love with. I need someone who's strong but can make me feel like they need me."
"At si Summer ba 'yon?" may linya ng lungkot sa tono ni Jems at binawi ang mga kamay mula kay Viel.
Tumango ang binata. "Yes. Nakakatawa pero simula nang tumungtong ako sa La Trinidad, wala na kong inintindi kundi siya." may ngiting puminta sa kanyang labi nang bumalik sa kanya ang gunita ng una nilang pagkikita.
"It's strange dahil sobrang sama ng pakitungo niya sa'kin. As I came to know her, everything changes. Mataray man siya at hindi pala-kibo, nararamdaman ko sa kilos at mga tingin niya na kailangan niya ko. She needs someone to listen to her pains, and I eagerly volunteered to do that." usal niya at hindi pa rin napapawi sa mga labi ang matamis na ngiti.
Ibinaling niya muli ang tingin kay Jems at nakitang naglaho na ang galit sa mga mata nito bagamat umaagos pa rin ang luha sa pisngi nito.
"Mahal mo na ba siya?" biglang tanong nito.
"Kung yan ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon, siguro oo." pag-amin niya.
Walang imik na tumalikod bigla si Jems at lumakad palayo. Pinagmasdan lang ni Viel na mawala ito sa paningin niya at napa-buntong hininga. Alam niyang ang lahat ay dapat niyang isisi sa sarili niya ngunit nangyari na ang nangyari. Isa lang ang naiisip niyang gawin ngayon. Mabilis siyang kumilos at lumakad na rin paalis nang maalalang kailangan pa niyang habulin si Summer.
"MAIWAN ko muna kayong dalawa diyan ha?" ani Jella matapos mailapag ang tray ng pagkain sa harapan nina Summer at Rojoef na nakaupo sa sofa.
Sa sobrang lungkot na nararamdaman ng dilag ay di na niya nagawang tanggihan ang pagpupumilit ng kanyang step-mother na si Jella na harapin ang manliligaw na si Rojoef. Lutang pa rin ang isipan niya kaya't kahit na kanina pa nagsasalita ang lalaki ay tila wala siyang naririnig.
"Anna? Nakikinig ka ba?" untag nito sa kanya ngunit hindi pa rin siya umiimik at malalim pa rin ang iniisip. "Anna?"
Natauhan lang siya nang tinapik nito ang balikat niya. "H-Ha?" tanging nasambit niya at nilingon ito. "May sinasabi ka?"
Napa-buntong hininga na lang si Rojoef. "Kanina pa kaya ako daldal ng daldal dito." reklamo nito at tila ba may tono ng pagtatampo.
"S-Sorry. May iniisip lang ako." matipid niyang sagot at hindi binigyang pansin ang tono ng binata.
"Okay. Para makabawi ka sakin, how about we go to the Strawberry Festival bukas? Deal?" masiglang suhestiyon nito.
"Hindi ako pwede. Marami akong---"
"Tutulungan kita sa mga gagawin mo. Just say, yes. Please?" nagpapa-cute pang pakiusap ni Rojoef at hinawakan ang kamay niya. "Pumayag ka na. Ganyan ka naman lagi eh. Bakit ba ayaw mo kong kasama--"
"Rojoef." pagputol ni Summer sa pagsasalita ng binata at binawi ang kamay niyang hawak nito. "Tigilan mo na 'to."
Gumuhit ang pagkalito sa mukha ng kanyang manliligaw at kumunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin, Anna?" naguguluhang tanong nito.
"Tigilan mo na ang panliligaw sa'kin. Alam mo namang wala kang mapapala sa'kin." prankang pagtatapat niya dito at tumayo mula sa pagkaka-upo. "Sinasayang mo lang ang oras mo. I'm not worth it."
Tumayo rin si Rojoef at naramdaman niya ang paghawak nito nang mahigpit sa kamay niya. "No, Anna. Hindi mo sinasayang ang oras ko. Bakit ka ba nagkakaganito? Is there someone else? May nagugustuhan ka na ba?" tanong nito.
"W-Wala. Bitawan mo ko, nasasaktan ako." daing ng dilag dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya.
Imbes na bitawan ay lalong hinigpitan ni Rojoef ang pagkakahawak dito. Summer was helpless as he pull her near.
"Matagal na 'kong nag-aantay para sa'yo, Anna! Sawa na ko sa mga pasakalye mo. You're mine now."
Napapikit nang tuluyan ang dilag habang pilit na dinadampi at inaangkin ng binata ang labi niya.
W Nanlalaban siya ngunit mas malakas pa rin ito sa kanya. Nalasahan na lang niya sa kanyang bibig ang alat na galing sa kanyang mga luhang nagsibagsakan mula sa kanyang mga mata.
Just when she's about to get tired of fighting, a dashing punch hits Rojoef. Nanghina ang mga tuhod ng dalaga at napaupo kaya't hindi na siya nagkaroon ng oras para tignan kung sino ang sumutok sa manliligaw niya. Kumakabog pa rin nang mabilis ang kanyang dibdib at walang humpay sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"Tarantado ka pala eh! Ayaw na nga sa'yo pinag-pipilitan mo pa yang sarili mo!" ang galit na singhal na ito ni Viel ang gumulat sa diwa ng umiiyak na dilag. Ito pala ang sumuntok kay Rojoef.
"Pakielamero ka 'pre! Eh syota ko 'yan eh!" pagdadahilan nito at akmang lalapit kay Summer.
Humarang naman agad si Viel at pinigilan ito. "Umalis ka na kung ayaw mong makatikim ulit ng isa pang suntok." banta nito saka tinulak si Rojoef palayo. "At sisiguraduhin ko na sa pagtama ulit ng kamao ko sa mukha mo, ospital na ang tuloy mo."
Matagal ding nagpalitan ng matalim ang titig ang dalawa. Maya-maya'y padabog na tumalikod si Rojoef at nagmartsa paalis. Nakahinga ng maluwag ang dilag dahil hindi nauwi sa mas matinding away pa ang nangyari.
Agad siyang dinaluhan ni Viel at tinulungang makaupo sa sofa.
"Salamat, Viel." matipid na usal niya. Hindi niya pa makuhang ngumiti bunga ng gulat sa mga nangyari.
Naramdaman na lang niya ang mahigpit na yakap ng binata sa kanya kaya't lalo siyang nakaramdam ng panghihina. Gustuhin man niyang yakapin din ito'y nagtatalo pa rin ang puso't isip niya.
"I'm sorry." bulong nito sa kanyang habang akap-akap siya. "Nahuli ako ng dating. Hindi ko siya nasuntok agad. I'm sorry."
Umiling lang si Summer at hinayan na yakapin siya nito. "Hindi mo 'ko responsibilidad kaya wala kang dapat ipagpatawad." paglilinaw niya.
Kumalas naman agad sa pagkakayakap sa kanya si Viel at tinitigan siya. "How can you say that after what happened? Hindi ka ba natakot? What if hindi lang 'yon ang nagawa niya sa'yo? What if----"
"Stop acting like that! H-Hindi kita boyfriend kaya--- Tama na." nauutal na sambit niya.
"You seriously want me to stop?" makahulugang tanong nito sa kaniya. "Does it matter kung hindi mo ako boyfriend? Hindi na ba ko pwedeng mag-alala sayo just because of that?"
Hindi siya sumagot, naka-yuko lang siya at pilit na pinipigilan ang mga luhang naka-amba nanamang tumulo mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Ano ba talagang gusto niya? Is this what she wants? Ang tumigil si Viel? Miski siya'y hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sabihin lahat ng nararamdaman niya sa binata ngunit walang katagang lumalabas sa kaniyang mga labi. She's afraid, scared to the consequences of the path she might take.
"Sige, titigil na 'ko. But atleast promise me one thing," tuluyan nang tumayo si Viel at nag-buntong hininga. "Don't lock yourself ever again. Maganda ang mundong ginagalawan mo, I hope napakita ko yan sayo for the past few days that you've met me."
Ang mga yapak ng palayong binata ang tanging naririnig ni Summer habang siya'y naka-yuko. Maraming bagay na tumatakbo sa isipan niya pero isa lang ang isinisigaw ng puso niya ngayon.
'Run, Summer! Don't let go!'
Without a single word, she stood up. Mabilis na gumalaw ang kanyang katawan at hinagip ang kamay ng lumalakad na si Viel. Nilingon siya nito kaya't hindi na siya nag-sayang ng oras at yinakap ito kaagad.
"Don't go." Bulong niya. Hinayaan niya nang tumulo ang kaniyang mga luha. Letting her heart be heard for the first time.
"Please Stay. Stay with me."