“HINDI kasi nagdadala ng babae dito ang batang iyan kaya pasensya kana kung nagulat ako kanina nang makita ka” ang ina ni Lawrence na si Roma kinagabihan habang pinanonood niya ito sa paghahanda ng hapunan.
“Wala po siyang ipinakilala sa inyo kahit isa?” ang hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumango si Roma. “May nababanggit siyang nobya niya pero hanggang sa maghiwalay sila ay hindi ko naman nakita.”
“Walang ibang babae akong gustong ipakilala sa pamilya ko maliban sa’yo, kasi mahal na mahal kita”. Nang maalala ang sinabing iyon sa kanya ni Lawrence ay napuno ng hindi maipaliwanag sa saya ang puso niya.
“Nay, aalis muna kami sandali!” magkasabay pa silang napalingon ni Roma sa likuran niya nang biglang pumasok doon si Lawrence.
Salubong ang mga kilay na nagsalita ang ina ng binata. “Saan kayo pupunta? Malapit nang maghapunan ah?”
“Nakalimutan ko, binyag nga pala noong anak ni Rodel. Ninong ako eh, saglit lang. Kakain nalang kami mamaya pagbalik” anitong hinila ang kamay niya pagkatapos. “katatawag lang, pinasasaglit ako sandali.”
“Ninong ka pala hindi ka naman nagpunta kanina” sermon pa ni Roma sa anak kaya siya natawa.
“Nay naman, huwag naman ninyo akong pagalitan sa harap ng girlfriend ko” angal kunwari ng binata saka siya kinindatan. “eh sa ganda ba naman ng babaeng ito, nakalimutan ko tuloy iyong tungkol sa binyag” dugtong pa nito.
Tumawa si Roma. “O siya sige, huwag kang iinom ng marami. Mag-iingat kayo” bilin pa nito sa kanila.
“ANO miss maganda? Ayos ba? Solong solo kita ngayon” ani Lawrence nang itigil nito sa gilid ng kalsada ang dalang sasakyan.
Inirapan niya ang binata bagaman nakangiti. “Tumigil ka nga” aniya.
“Come here” ang binatang sinenyasan siya kaya niya inilapit ang mukha sa binata.
Taas ang isang kilay siya napangiti. “Kiss me” anas niya.
“Parang alam mo nang iyon ang gagawin ko sayo ah?” anito sa kanya saka siya mabilis na hinalikan. “I love you” nang pakawalan nito ang mga labi niya.
“Mahal din kita” aniya.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ngi Lawrence habang binabagtas nila ang daan patungo sa sadyang bahay. Malayo palang ay dinig na nila ang ingay ng mga nagkakasiyahang tao at napangiti siya doon. Lihim niyang hinangaan ang nobyo.
Imagine, ang isang katulad nitong half-owner ng isang kilalang buffet restaurant ay naglalaan ng panahon para sa mga simpleng okasyong kagaya nito? Kung ang iba marahil magpapadala nalang ng pera. Pero para sa kanya iba parin ang appearance, at doon saludo siya sa nobyo.
“Lawrence! Akala namin hindi kana darating” salubong sa kanila ng isang may katabaang lalaki at sa kanya agad napako ang paningin nito. “may kasama ka pala” anitong tila pa nagulat sa pagkakakita sa kanya.
“Si Anya, girlfriend ko” pakilala sa kanya ng binata. “sweetheart, siya si Rodel. Iyong kasama kong nagdala sayo sa hospital nung, alam mo na” paalala pa sa kanya ng binata.
Noon niya malungod na inilahad ang kamay sa kaharap. “Oh, hi! Thank you nga pala sa pagmamalasakit mo” aniyang kinamayan ang lalaki nang tanggapin nito ang kamay niya.
“Siya iyong?” si Rodel na tila hindi makapaniwalang nilinga ang kanyang nobyo.
Tumango si Lawrence nang malapad ang pagkakangiti. “Siya nga, at marami ka pang dapat malaman pare. Teka nasaan na ba iyong__” naputol ang iba pang nais sabihin ni Lawrence nang mula sa loob ng bahay ay lumabas ang isang magandang babae at malakas na tinawag ang pangalan ng kanyang nobyo.
“Lawrence!” anitong nagmamadaling lumapit saka mahigpit na yumakap sa binata. Umakma pa nga itong hahalikan sa labi si Lawrence pero mabilis iyong naiwasan ng kanyang nobyo. “I’m sorry, hindi ko napansin may kasama ka pala” anitong tila napapahiya pang lumayo sa binata.
“Kumusta? Kailan ka pa dumating?” si Lawrence.
“Noong isang araw pa, pupuntahan dapat kita sa inyo kaya lang nagdalawang isip ako kasi hindi naman ako kilala ng personal ng pamilya mo eh” nahimigan niya ang tila hinanakit sa tinig ng babae. Noon niya naisip na baka ito ang sinasabi ni Lawrence na babaeng inalok noon ng kasal ng binata. Sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang makadama ng matinding panibugho.
Tumango si Lawrence. “By the way, si Anya. My girlfriend” pakilala sa kanya ng nobyo sa babae. “sweetheart, siya si Claire” makahulugan ang tinging ipinukol sa kanya ng binata na nakuha naman niya ang ibig sabihin.
“Hi” aniyang tipid na ngumiti saka inilahad ang kamay sa babae.
Tiningnan lang iyon ni Claire saka siya pilit na nginitian. “Paalis narin kasi ako, bye” anitong hindi tinanggap ang kamay niya kaya minabuti niyang ibaba nalang iyon.
“Okay then, ingat” ang binatang inakbayan siya saka na iginiya papasok ng kabahayan.
“HEY, bakit parang ang tahimik mo naman yata? May masakit ba sayo?” ang naitanong sa kanya ni Lawrence nang makauwi sila galing sa binyag.
Umiling siya. “Pagod lang ako” pagsisinungaling niya dahil ang totoo hindi parin siya nakaka-recover sa pagkikita nila ng ex ng binata. “aakyat na ako” aniyang nilingon ang nobyong nakasunod ng tingin sa kanya.
“Sige” anito.
Sa kwarto agad niyang tinungo ang banyo para maligo. Itinapat niya ang sarili sa dutsa, kung sanang kayang anurin ng tubig ang lahat ng selos na nararamdaman niya. Pero hindi, at pakiramdam niya ang unti-unting dinudurog ng panibughong iyon ang puso niya lalo na’t sa binata mismo nanggaling ang katotohanang inalok nito ng kasal ang babaeng iyon.
Nagtapis lang siya ng twalya nang lumabas siya nang banyo. Dahilan kaya kamuntik na siyang mapatili nang mabungaran si Lawrence na nakaupo sa isa sa apat na silya ng roundtable na yari sa kahoy na narra. Nakapwesto ito sa may paanan ng kama at sa gitna ng mesa naroon ang isang baso ng gatas. Humaplos iyon sa puso niya kaya agad na nahugasan ang panibughong nararamdaman niya at sa isang iglap ay napalitan ng guilt.
“Dinalhan kita ng gatas, napansin ko kasing hindi ka kumain ng mabuti kanina” anito habang humahakbang palapit sa kanya.
Tumango-tango siya saka napahakbang palikod. “O-Okay, s-sige na, salamat” pagtataboy niya sa nobyo.
“Alam ko may problema” anitong inilapit ng husto ang mukha sa kanya.
Kasabay ng masarap na kilabot na gumapang sa kabuuan sa kanya ay napapikit siya nang bumalandra sa kanyang mukha ang amoy ng alak na nasa hininga ng binata. Hindi niya alam kung bakit tila ba nanghina ang mga tuhod niya dahil doon.
“P-Please, lumabas kana, magbibihis ako” pagtataboy niyang muli sa nobyo pero hindi ito nakinig.
Napasinghap siya nang hapitin siya ng nobyo. At nang tingalain niya ito, nakita niyang umangat ang sulok ng labi ng binata. Saka nito hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa twalya at sinimulan iyong halikan. Gumapang ang halik ni Lawrence sa kanyang braso kaya siya napapikit ng tila wala sa sarili.
“Hindi mo naman kailangan ng damit sa gagawin ko sa’yo” anitong tuluyan na ngang inalis ang pagkakatapis sa kanya ng twalya dahilan kaya natambad na nga rito ng husto ang kanyang kahubaran.
“L-Law__” pero mabilis na inangkin ng binata ang kanyang mga labi habang ang isang kamay nito ay malayang hinahaplos ang kanyang likuran.
“Huwag kang maingay, magigising sila” anas pa ng binata nang pangkuin siya nito at ihiga sa kama. Pagkatapos ay tinungo nito ang pinto at ikinabit ang lahat ng kandado niyon.
Ang naiwang ilaw sa loob ng banyo ang tanging nagsilbing tanglaw ng buong silid. At mula sa paanan ng kamay ay kitang-kitang niya ang ginawang paghuhubad ng binata sa kanya mismong harapan. Napamulagat pa siya nang aksidenteng napadako ang paningin niya sa bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. Habang sa isip niya, mukhang hindi niya kakayanin ang sakit mamaya kapag nagkataon.
“Don’t worry, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko to ease the pain” natigilan pa siya sa narinig. Marahil nahulaan ng binata ang kanyang iniisip.
Hindi na siya binigyan ni Lawrence ng pagkakataon para magsalita dahil tamang nakalapit ito sa kanya ay agad na siya nitong kinabig at mabilis na hinalikan. Hindi siya nagprotesta nang ihiga siya ng binata lalo na nang maramdaman niya ang mainit nitong balat sa kanya. Noon siya nagkaroon ng lakas ng loob na tugunin sa kaparehong paraan ang halik ng binata.
Ilang sandali pa at nagsimula nang gumawa ng sarili nitong ekslorasyon ang mga kamay ni Lawrence sa katawan nito. Kaya naman kahit sabihing kulong ng mga labi ng binata ang kanya, hindi parin niya napipigilan ang magpakawala ng mahihinang ungol sa bawat parteng daanan ng mapagpalang kamay ng kaniig.