PART 18

644 Words
“Doon nangyari ang aksidente, kaya ba?” “Galing kami ni Rodel sa isang vegetable farm noong nangyari ang aksidente.” Nag-iinit ang mga mata niyang tinitigan ng matagal ang binata. “Parang sinadya ang lahat, parang planado” aniya. “Nakatakda talaga ang muli nating pagkikita” ang binata. Nang muli siyang magbuka ng bibig ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. “I really love that place alam mo ba? Kahit sabihin mo pang doon nangyari ang isa sa pinakamasaklap na kaganapan sa buhay ko pakiramdam ko tumira na ako doon ng maraming taon” aniyang pinagsikapang kontrolin ang sariling emosyon pero nabigo siya. Noon siya mahigpit na niyakap ng binata. Naramdaman pa niya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang ulo. “Alam mo ba kung bakit? Kasi kalahati ng puso mo ang nandoon. At hindi ka mabubuo kung hindi mo siya makakasama” hindi niya sinalungat ang sinabing iyon ni Lawrence dahil iyon naman talaga ang totoo. Tumango siya. “I know, at kilala ko kung sino siya.” Nakita niyang nagliwanag ang mukha ng binata sa sinabi niyang iyon nang tingalain niya ito. “Anya?” “I love you so much, ang totoo hindi ako tumigil na mahalin ka. Minahal ko si Phil pero hindi iyon kagaya ng pagmamahal ko sa’yo. Kasi ang totoo sa loob ng mahabang panahon, nanatili ka sa puso ko” amin niya habang nanatiling nakatingala kay Lawrence, bakas sa mukha nitong hindi ito makapaniwala. At kahit pa sabihing nakasalamin ito, pinatotohanan iyon ng damdaming nakita niya sa mga mata ng binata. “ Gaya ng sinabi mo hindi ako mabubuo kung wala ka, at gusto kong mabuo ulit. gaya noong magkasama pa tayo? Nung mga bata pa tayo? Siguro naman maiintindihan ni Phil kasi kahit sa kanya hindi ko itinago na hindi kita kayang burahin sa puso ko magpakailanman” hindi niya alam kung iyon na ba ang tamang panahon para sabihin iyon pero naisip niyang kung sakaling hindi pa, kailan? Ayaw na niyang patagalin pa ang lahat. Ayaw na niyang maulit ang lahat ng pagkakamaling nangyari noon dahil sa pagpapatumpik-tumpik niya. “Sinabi mo ba talaga iyon? Na mahal mo ako? Tama ba ang narinig ko?” ang magkakasunod na tanong sa kanyang ni Lawrence saka ikinulong sa mga palad nito ang kanyang mukha. “Mahal na mahal. Ayoko ng patagalin pa, tama na iyong nararamdaman kong mahal mo ako at mahal rin kita” aniya. Sa sinabi niyang iyon ay walang anumang salitang mahigpit siyang muling niyakap ng binata. At kahit hindi na siya halos makahinga ay pinili paring niyang gantihan ng mahigpit ring yakap si Lawrence. Nang pakawalan siya ng binata ay hindi niya inasahan ang ginawa nito. Mahigpit nitong hiwakan ang kanyang mukha saka siya mariing hinalikan. Nahigit ang paghinga niya sa init ng halik na iyon. Pero sa kabilang banda alam niya sa sarili niyang ayaw na niya iyong itigil pa. At kundi lang sa pag-aalalang baka malabasan sila ng mga magulang niya, payag siyang manatili silang dalawa ni Lawrence sa ganoong ayos. “I love you, more” ang binata nang iwan nito ang paghalik sa kanyang mga labi. Ngumiti siya. “Hintayin mo ako, sasama ako sa’yo” aniya sa nananabik na tinig saka ikinawit ang isang kamay sa batok ng binata. “Ipagpapaalam kita, at sasabihin narin natin sa kanila ang totoo, na sinagot mo na ako” ang binata. “Okay.” “Tapos ipapakilala narin kita sa pamilya ko, dahil this time, hindi na ako papayag na mawala ka pa” naramdaman niya sa sinabi ni Lawrence na totoo ang sinasabi nito. Noon tila naglalambing niyang inilapat ang pisngi sa malapad na dibdib ng binata. “Naniniwala ako sa’yo, just promise me na hindi mo na ako itataboy palayo sayo.” “Hindi na mangyayari iyon, not ever” anito saka siya muling hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD