Hindi naman nakakapagtaka, dahil kahit sabihing naging nobyo niya si Phil. Bukod sa simpleng yakap at halik at hindi na lumampas doon ang ginagawa nila ng dating nobyo. Kay Lawrence lang talaga siya nadadarang, simula noon hanggang ngayon. At aminado siya roon.
“Mababaliw na ako sa’yo, Anya. I love you so much” anas nang binata sa kanyang punong tainga saka muling hinalikan ang kanyang mga labi.
Napasinghap siya nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa kaliwa niyang dibdib. Hindi niya napigilan ang magpakawala ng isang mahinang ungol nang maramdaman niya ang mainit na labi ni Lawrence ilang sandali pagkatapos na unti-unting bumababa sa kanyang leeg. At nang marating niyon ang kanyang dibdib ay noon siya malakas na napasinghap.
“Oh Lawrence…” aniya
“Do you love me?” itinigil sandali ang paghalik sa kanya saka siya tinitigan at hinagod ng tingin ang kabuuan niya.
Tumango siya.“Y-Yes” aniyang napalunok nang mula sa pagkakahawak sa kaliwa niyang dibdib ay humaplos paibaba ang kamay ni Lawrence at tila naghanap sa pagitan ng kanyang mga hita.
“Pero sa tingin ko mas mahal kita” anito sa mahinang tinig na nagdulot ng matindi at napakasarap na kilabot sa kabuuan niya. “you are perfectly beautiful” anitong hinaplos ng tingin ang kanyang kahubaran. Nasa mga mata ni Lawrence ang maliliit na apoy na lalong nagpasidhi naman ng init na nararamdaman niya.
“Mahal kita Lawrence” aniyang dinama ng sariling palad ang perpekto at napakagwapong mukha ng nobyo.
Ngumiti si Lawrence saka hinalikan ang kanyang palad. Pagkatapos ay masuyo siyang muling hinalikan. Sa paraang hindi nagmamadali pero malalim, at totoong nawala siya sa sarili niyang katinuan dahil sa halik na iyon ng binata.
Malakas siyang napasinghap nang maramdaman ang mainit na labi ng binata sa kanyang punong tainga. “Let’s do it” pakiusap niya. Hindi niya maintidihan pero alam niya kung bakit. Dahil iyon sa nararamdaman niyang pagmamahal para sa binata, wala ng iba pa.
Tumango si Lawrence. “Huwag kang magseselos kay Claire okay? Wala na kami, tapos na iyon at ikaw ang mahal ko” mangha niya pinakatitigan ang mukha ng nobyo dahil doon.
“How did__”
Tumawa ng mahina ang binata saka siya hinalikan sa noo. “Kapag mahal mo ang isang tao, alam mo nararamdaman niya. Mabilis mo iyong mababasa kahit sa simpleng pagkurap lang niya” anito.
Napalabi siya doon. “I-I’m sorry, hindi ko kasi maiwasan” aniya. Lalo pa at inalok mo siya ng kasal. Pero ang huli ay minabuti niyang huwag nalang sabihin.
“Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Hindi porke inalok ko siya ng kasal noon ay nangangahulugang mas minahal ko siya kaysa sa’yo. Dahil ang totoo, ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng mas higit sa sarili ko” anang binata.
“Talaga?” nakangiti niyang tanong.
“Promise, alam mo kung nagkataon lang na nasa tamang edad na tayo noong una tayong nagkita baka nga Mrs. Lawrence Joseph Lerios kana ngayon, baka may apo narin ang mga magulang natin” ang binata na umibabaw na nga sa kanya. “and speaking of apo, gusto ko nang umpisahan ang paggawa ngayon. Para makarami” anitong ngiting-ngiti.
Umikot ang mga mata niya saka nakangiting ikinawit ang dalawang kamay sa batok ng binata. “Pilyo” aniya.
“Ah ganoon ha!” ang binata sinimulang suyuin ng kamay nito ang pagitan ng kanyang mga hita. Kasabay ng pag-angkin nitong muli sa kanyang mga labi na kalaunan ay bumaba ulit sa kanyang leeg at nagtagal sa kanyang dibdib.
“Lawrence” anas niya nang maramdaman ang mainit na labi ng binata sa kanyang dibdib pagkatapos ay bumaba sa kanyang tiyan at nagtagal sa pagitan ng kanyang mga hita. Noon na siya tuluyang nalunod dahil totoong nagustuhan niya ang paraan ni Lawrence ng pagpapadama ng pagmamahal sa kanya.
“Ready?” anitong hinalikan pa muna ang tungki ng kanyang ilong saka siya buong pagmamahal na pinakatitigan.
Tumango siya. “Yes” naramdaman niya ang unahan nito sa kanya. Agad na nagdigma ang excitement at kaba sa dibdib niya. “huwag masyadong masakit ha?” aniya sa nababahalang tinig pagkuwan.
Tumawa ng malakas ang binata pero nahinto rin nang takpan niya ang bibig nito. “Shhh!”
Nakangiting inalis ni Lawrence ang kamay niya sa bibig nito. Pagkatapos ay kinintalan ng simpleng halik ang kanyang mga labi. “Pipilitin ko” anitong pagkasabi niyon ay muli siyang hinalikan.
Napaungol siya nang maramdaman ang tila humihiwang sakit dahil sa tuluyang pagkalugso ng kanyang p********e. Hindi rin niya napigilan ang mapaluha bagaman hindi kumawala ang kanyang mga hikbi dahil nanatiling kulong ng binata ang mga labi niya.
Kumapit siya ng mahigpit sa balikat ni Lawrence habang pikit-matang pinipilit na tugunin ang maiinit nitong halik sa kanya. Kahit paano nakatulong ang mga iyon para ibsan ng kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman.
Sakit na sa kalaunan ay nahalinhinan rin ng hindi maipaliwanag na ligaya nang simulan ni Lawrence ang mas mabilis na paggalaw sa ibabaw niya. Hanggang sa mistula na itong naghahabol ng kung ano.
“Say my name baby” ang binata sa kanyang tainga habang patuloy sa mas papabilis pang galaw.
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi para pigilin ang pagkawala ng isang impit na ungol ngunit nabigo siya. “Oh Lawrence” aniya sa pagitan ng paghahabol ng hininga.
“I love you” ang hinihingal pang anas ng binata saka dinampian ng simpleng halik ang kanyang mga labi.
Namimigat ang talukap ng mga mata niyang nginitian ang nobyo. “I love you more” sagot niyang hinawi ang pawisang buhok ni Lawrence saka ito hinalikan sa noo.