PART 15

1741 Words
“MUKHA may lakad ka yata anak?” nalingunan niya ang Mama niya na nakatayo sa may pintuan ng kanyang silid. Tumango siya saka ngumiti. Simpleng maong skinny jeans at cotton shirt na humapit sa katawan niya ang suot niya noon. “Dadalawin ko ang punto ni Phil, Ma. Pati narin iyong kay Tristan” sa pagkakabanggit sa pangalan ng matalik niyang kaibigan ay naramdaman nanaman ni Anya ang pamilyar na lungkot sa kanyang dibdib. Nakita niyang nagbuka ng bibig ang Mama niya pero naunahan ito ng Papa niya na tinatawag naman ang pangalan niya. “May naghahanap sayo anak, Lawrence ang pangalan” balita nito sa kanya. Noon siya unti-unti kinabahan. Kaninang umaga niya huling nakausap si Lawrence. Tinawagan kasi siya ng binata para alamin ang way patungo sa kanila. Mapilit kasi itong sunduin siya, at kahit hindi niya aminin, alam niyang pusong mammon parin talaga siya pagdating sa binata. “Pakisabi po Papa bababa na ako” aniya. “Lawrence? Hindi ba siya iyong nagdala sayo sa ospital two years ago? Paano kayo nagkita at nagkaroon ng communication eh naiwala ko yung binigay niyang calling card?” napangiti siya nang makita ang kalituhang rumehistro sa mukha ng binata. “Long story Ma” nangingislap ang mga mata niyang sagot. “minsan magkwentuhan tayo, marami akong gustong sabihin sa inyo tungkol kay Lawrence” saka na niya iniwan si Loida. “O heto na pala siya” ani Manuel kaya siya napatingin narin sa tinitingnan nito. Agad na napuno ng matinding pananabik ang dibdib ni Lawrence nang makita pababa na ng hagdan si Anya. Katulad noon, napakaganda parin nito, iyong tipong nakapagpapawala sa kanya sa sarili niyang katinuan. At iyon ang dahilan kaya marahil nagkaroon siya ng lakas ng loob na salubungin ito sa may paanan ng staircase. Nakangiti niyang pinakatitigan ang dalaga. Pakiwari niya ay nakikita niya itong humahakbang palapit sa kanya suot ang isang mamahalin at napakagandang wedding gown na lalong nagpatingkad sa angkin nitong kagandahan. Sa isiping iyon ay lihim niyang tinawanan ang sarili. Alam niya ang gusto niyang gawin, pero hindi kagaya noon. Dadaanin niya sa proseso ang lahat, at hindi sa mabilisan. “Good afternoon” bati niyang ngiting-ngiti kay Anya saka iniabot ang kamay rito, tinanggap naman iyon ng dalaga. “Hi, so nagkakilala na pala kayo ni Papa?” ang bungad ni Anya sa kanya. “Pa, siya iyong nagligtas sa akin sa__” “Sa accident, I know. And your first boyfriend?” nasa tono ni Manuel ang amusement saka siya nakangiting sinulyapan habang siya ay natawa ng mahina nang malingunan si Anya na namumula ang mukha. “Sinabi mo?” ang pabulong na singhal sa kanya ni Anya saka siya pinanlakihan ng mata. Nagkibit siya ng balikat saka natawa nang mahina nang hindi makapagpigil. “Anong masama? Hindi po ba Tito?” “Oo nga naman, walang masama doon. Mga bata pa kayo nang mga panahong iyon, seven years ago? Tama ba hijo?” baling sa kanya ni Manuel. “Yes Tito, seven years” aniya. “so paano, halika na?” yakag niya kay Anya pagkuwan. Noon kumilos ang dalaga saka pagkatapos ay hinalikan ang ama. “Hindi nakakatuwa at hindi ko gusto ang pinangungunahan ako!” halata ang iritasyon sa tinig ni Anya nang nasa loob na sila ng sasakyan. Nangingiti niya itong sinulyapan. Saka pagkatapos ay kinuha sa kamay nito ang buckle ng seatbelt na hindi nito maikabit-kabit gawa ng pagmamadali. “Akin na,” narinig pa niya ang mahinang pagsinghap ni Anya nang aksidenteng nagdikit ang kanilang mga kamay. “parang wala yata akong natandaang eksena noon na nakita kitang bugnot? Palagi kang naka-ngiti noon kaya lalo kang gumaganda sa paningin ko alam mo ba?” wika niya saka na pinatakbo palabas ng gate ang sasakyan. Nakita niyang namula ang mukha ni Anya dahil sa sinabi niya at natuwa siya ng lihim dahil doon. “Kahit sino naman maiinis sa ginawa mo. Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Bakit hindi ka muna nagsabi sakin?” mataray paring tanong-sagot ng dalaga. Napangiti siya lalo sa narinig. Ang totoo na-a-amuse siyang makita ang other side ni Anya. Dahil sa kabila ng lahat, wala siyang maramdaman na kahit anong pagka-turn off rito. Bagkus ay lalo pa siyang humahanga dahil sa kabila ng lahat talagang maganda parin ito at para sa paningin niya, too cute ang kasupladahan ng dalaga. “Nagpaalam kasi ako sa Tito Manuel kung pwede ba kitang ligawan? Kasi ang sabi ko gusto kong dugtungan sana iyong naudlot nating love story nung mga teenager pa tayo” malapad ang pagkakangiti niyang salaysay sabay kibit ng balikat. MALAKAS na napasinghap si Anya sa narinig. “Sinabi mo iyon?” ang hindi makapaniwala niyang tanong. Tila walang muwang ang mga matang lumingon sa kanya si Lawrence. “Oo, bakit sa tingin mo hindi ko kayang gawin iyon?” “Eh nagawa mo na nga hindi ba? Saka bakit ba sa kanya ka nagsasabi? Bakit hindi sakin?” ang iritado nanaman niyang tanong. “Pagpapakita iyon ng respeto Anya. Mas mainam na iyong hingin ko muna ang pahintulot ng Papa mo bago kita ligawan” sagot ni Lawrence sabay kindat nang banggitin nito ang salitang ligawan. Noon hindi niya napigilan ang matawa. “finally, ngumiti rin” ang narinig pa niyang dugtong ng kasama. “Makulit ka kasi” aniyang natawa na nga ng tuluyan pagkuwan. Ilang sandaling nakiraan ang katahimikan kaya naman nagulat siya nang maramdaman niya ang isang kamay ni Lawrence na ginagap ang kanya saka marahang pinisil. Noon mabilis na namuo ang matinding tensyon sa loob ng sasakyan. Saka parang tinatambol ang dibdib niya nilingon ang binata. “L-Lawrence” anas niya. Mabait ang ngiting pumunit sa labi ng binata, pagkatapos ay malagkit ang mga titig nitong hinagod ng tingin ang kanyang mukha. “Just like the old times, ikaw lang yata talaga ang may power to make me shiver dahil lang sa simpleng pagbigkas mo sa pangalan ko” anito sa mababa at tila nang-aakit na tinig. Wala siyang naapuhap na anumang salita. Sinubukan niyang bawiin ang kamay mula kay Lawrence pero mahigpit ang pagkakahawak doon ng binata. “I missed you” hindi parin nagbabago ang tono nito. “Why are you doing this Lawrence?” ang naguguluhan niyang tanong para lang mapasinghap nang itaas ng binata ang kamay niya saka dinampian ng simpleng halik habang patuloy ito sa marahang pagmamaneho. “Sa tingin mo bakit ko ginagawa ito?” balik nitong tanong sa kanya. Hindi siya nagsalita. Nang itigil ng binata sa saksakyan sa parking space ng memorial park kung saan nakalibing ang mga labi ng dati niyang nobyo at maging ng kay Tristan. “Tristan died six months after you left” matapos ang mahabang sandali ng kanyang pananahimik. Naglalakad na sila noon ng binata patungo sa puntod ni Tristan. “A-Ano?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Lawrence. Tiningala niya ang binata saka siya tumango. “Noong umalis ka aaminin ko na kahit anong galit wala akong naramdaman sayo, ang totoo hinangaan kita sa paninindigan at prinsipyo mo. At tama ka naman, hindi tayo magiging masaya kung patuloy siyang masasaktan. Napagsalitaan kita ng masakit noon sa ospital kasi ang totoo, pakiramdam ko bumalik lahat ng pain na naramdaman ko nung nagkahiwalay tayo, plus the fact na nagluluksa ako.” aniyang hinawi ang tuyot ng bulaklak sa ibabaw ng lapida at noon nga natambad sa kanila ang pangalang Tristan Aquino. “I’m sorry kung nasabi ko ang mga salitang iyon sa’yo two years ago” aniyang nilingon ang binata pagkatapos. Tumango lang si Lawrence saka ngumiti. “Paanong nangyari ito?” Sinindihan niya ang dalang kandila saka naupo sa damuhan, doon siya tinabihan ni Lawrence. “Bumigay narin ang puso niya. At dahil sa kawalan ng donor, he died. Pero sinabi niya sa akin na sabihin ko raw sa’yong patawarin mo siya. Ganoon din ang ginawa niya sa akin, humingi siya ng tawad. Kundi raw kasi siya naging makasarili, sana hindi tayo nagkahiwalay, sana masaya ako at may kaibigan din siya” sa isang iglap noon tila nag-sink in sa isipan at puso ni Anya ang lahat ng nangyari. Dahilan kaya hindi niya napigilan ang mapaiyak. “Naiwan akong mag-isa, wala ka. Wala din si Tristan, at para sabihin ko sa’yo, hindi naging kami ni Tristan kahit pa inamin niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Kasi alam naman niya ang totoong nasa puso ko nang mga panahong iyon” pagpapatuloy niya saka nagpahid ng mga luha. Nanatiling tahimik lang at nakikinig si Lawrence kaya muli siyang nagsalita. “Last year ko na sa college nang makilala ko si Phil. Noon lang muling nagkakulay ang mundo ko. Kahit sina Joy at Carol natuwa dahil doon.” Tumango siya. “I’m sorry kung kinailangan mong pagdaanan ang lahat ng iyon ng wala ako. Pero sa kabilang banda masaya ako dahil nakilala mo si Phil, hindi ka nag-isa” walang bitterness sa tinig na tinuran ni Lawrence. Ngumiti siya saka na tumayo. “Halika na, puntahan na natin si Phil.” Narinig niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ni Lawrence. “Great, ipakikilala mo ako sa kanya?” Nang tingalain niya ang binata ay napuna niyang nakatingin na pala ito sa kanya. “Oo, I’m sure matutuwa siyang ma-meet ka” aniya. Nang hawakan ni Lawrence sa ikalawang pagkakatoon mula kanina ang kamay niya ay hindi na siya nagprotesta. Sa halip ay sinuklian niya ng matamis na ngiti ang binatang tila hinihintay naman ang reaksyon niya. “Pwede ba tayong magsimula ulit Anya? This time hindi na kita mamadaliin, this time liligawan na talaga kita. I just want you back in my life” nakita niya ang katapatan sa mga mata ni Lawrence at humaplos iyon ng husto sa puso niya. Umangat ang dalawang kilay ni Anya. “Akala ko ba nagpaalam kana kay Papa?” ang nangingiti niyang tanong. Nagkamot ng batok nito si Lawrence saka natatawang sumagot. “Right” anito. “Siya na ang kausap mo at hindi ako ha? Kaya kapag pinaiyak mo ako, sa kanya ka mananagot” ang kinikilig niyang sabi. “Hindi na mauulit iyon, I swear” nasa tinig ni “Ito na ba iyong sinasabi mong journey to forever?” nangingislap ang mga matang tanong niya. “Ito na nga iyon, forever until eternity” sagot ni Lawrence pinisil ang kamay niyang hawak nito. Ngumiti nalang noon si Anya at hindi na nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD