“Huh?” ang naguguluhan niyang tanong kaya muling nagbuka ng bibig ang binata para magpaliwanag.
“Kapag sinabing forever, hindi iyon nangangahulugan ng dalawang taong nagmamahalan at mananatiling magkasama magpakailanman. Kasi madalas may mauuna, may maiiwan. Kung iyon ang gagawin mong basis, wala talagang forever. But, kung iisipin lang natin at uunawain, forever is pertaining with the emotions na nararamdaman ng dalawang taong nagmamahalan. Iyong pagmamahal na hindi nagmamaliw. Iyong alam mong babaunin mo hanggang kamatayan, iyon ang magpakailanman. Because forever means love, at kung marunong kang magmahal ng wagas at totoo, maniniwala ka sa forever.”
“Writer ka kasi kaya ka ganyan” aniya saka tumawa ng mahina.
“True love is not easy; pwedeng may masaktan, may mahirapan o umiyak. But after all, its worth it. Kasi ang totoong pagmamahal, ipinaglalaban” dugtong pa ni Lawrence saka idinikit ang noo sa kanya. “kaya salamat sa ginawa mong pagtatanggol sa akin kanina. Malaking bagay iyon sa isang kagaya kong nagmamahal ng totoo. Pero sana next time, kung kaya mong magpasensya, lalo na kung si Trista, mas matutuwa ako doon.”
Napalabi siya saka nakangiting tumango-tango. “You’re welcome” maikli niyang sagot saka hinalikan sa noo ang binata.
“NAGPUNTA dito si Tristan kanina, nag-away daw kayo?” magkaharap sila noon sa mesa ni Loida at kumakain ng hapunan.
Nagulat man pero nagawa iyong itago ni Anya at sa halip ay kalmado ang mukhang ipinagpatuloy ang pagkain. “Nakakainis na kasi siya Ma, lahat nalang pinakekealaman, dinaig pa kayong dalawa ni Papa” pagsasabi niya ng totoo.
Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Loida. “Pinagpasensyahan mo nalang sana, alam mo namang may sakit. Paano kung biglang inatake?”
Napasimangot siya sa narinig. “Hindi naman kasi pwedeng lagi nalang iyon ang pinapanakot at idinadahilan niya. Pati pakikipagkaibigan ko sa iba gusto niyang panghimasukan” aniyang hindi naitago ang pagkayamot sa tinig.
Nagbuntong hininga si Loida bago nagsalita at tinapos ang pagkain. “O siya, matutulog na ako. Ikaw na ang bahala dito at maaga pa akong babangon bukas.”
Tumango siya. “Good night po.”
“True love is not easy; pwedeng may masaktan, may mahirapan o umiyak. But after all, it’s worth it. Kasi ang totoong pagmamahal, ipinaglalaban.” Sa isip ni Anya ang sinabi kanina ni Lawrence sa kanya. Noon siya nakadama ng matinding lungkot lalo nang maalala niya ang kalagayan ni Tristan.
Alam ko kaya kitang ipaglaban, kasi mahal kita. Pero paano kung hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sa ating dalawa? Paano kung buhay ng bestfriend ko ang maging kapalit ng lahat?
“PWEDE ba tayong mag-usap?” si Tristan, dalawang araw iyon matapos ibalita sa kanya ni Anya ang naging pagtatalo nito at ni Tristan.
Walang tao sa classroom para sa kanilang first subject maliban sa kanya. Kaya minabuti ni Lawrence ang magbasa-basa muna. Sa ganoon ayos siya inabutan ni Tristan. “Oh Tristan, pare!” ang masigla niyang bati.
“Huwag mo akong tatawaging pare, hindi tayo magkaibigan!” nabigla siya sa nakitang galit sa mga mata ni Tristan.
“May problema ba tayo Tristan?” pormal niyang tanong saka tumayo.
“Ikaw tarantado kang lalake ka” anito sabay duro sa kanya. At iyon ang eksenang inabutan ni Anya kaya nagmamadali itong lumapit sa kanila.
“Tristan, tama na!” anito saka niyakap palayo sa kanya ang kaibigan.
“Tumigil ka diyan!” ani Tristan saka itinulak palayo si Anya. Dahilan kaya natumba sa sahig ang dalaga. “isa ka pa! Anong ipinakain sa’yo ng lalaking ito at nagawa mong maging boyfriend sa ganoon kabilis na panahon? Nahihibang kana ba o talagang kumakati nalang iyang___” hindi na niya hinayaang tapusin ni Tristan ang gusto nitong sabihin. Mabilis niyang inundayan ng suntok ang panga nito na ikinabuwal nito sa sahig.
“Gago ka huwag mong iinsultuhin si Anya ng ganyan!” nagdidilim ang paningin niyang sabi saka umakmang lalapitan si Anya pero nagulat siya sa nakitang reaksyon ng dalaga. Itinulak siya nito at saka nagmamadaling dinaluhan si Tristan.
“Tristan!” anito. “bakit mo ginawa iyon? Alam mo naman ang kundisyon niya di ba?” nagbabaga sa galit ang mga mata ni Anya na hinarap siya.
“P-Pero” ang pagnanais niyang magpaliwanag ay naputol nang muling magsalita ang nobya.
“No! Umalis ka! Iwanan mo kami!” ang galit na galit nitong taboy sa kanya. “tulong! Tulungan ninyo kami!” nang mawalan ng kulay ang mukha ni Tristan at nagsimulang maghabol ng paghinga ay noon narin nagsimulang umiyak ang dalaga.
Humakbang siya para sana tulungan si Tristan pero muli nanaman siyang sinigawan ni Anya. “Umalis kana! Sinabi kong umalis kana!”
Noon biglang parang nag-sink in kay Lawrence ang sinabi ng nobya. Kaya sa malalaking mga hakbang ay nagmamadali niyang sinamsam ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng silid. Hindi alintana ang sinumang mabunggo at matabig niya dahil sa pagmamadali. Dahil nang mga sandaling iyon alam na niya kung saan siya dapat lumugar. Dahil mas pinili ni Anya ang kaibigan nito. Masakit pero anong magagawa niya? Paano niya ipaglalaban ang isang taong bumitiw narin mismo sa relasyon nila?
At si Tristan, sa nakita niyang emosyong rumehistro kanina sa mukha nito. Hindi nalang kaibigan ang tingin nito kay Anya. Sigurado siyang mahal nito ang dalaga. Iyon marahil ang dahilan kung kaya mahigpit ito sa kanyang nobya.
Hindi siya manghuhula pero hindi siya tanga. Kung gagawing basis ang nakita niyang reaksyon at ikinilos ni Anya kanina kahit ang totoo siya ang naging biktima. Si Tristan parin ang mas papaboran nito, at siya? Maiiwan siyang nasasaktan. Doon mapait siyang napangiti.