Pero hindi niya mapasisinungalingang okay na siya. At patunay nalang ang pagkakaroon niya ng lakas ng loob na tunguhin ang lugar na ito ngayon. Dahilan kaya lihim siyang nagpasalamat. Ilang sandaling nanatili siyang nakaupo saka habang taimtim na nagdarasal. Pagkatapos ay minabuti niyang lumakad narin nang makaramdam siya ng pagkagutom. Naalala niyang wala siyang ibang inilaman sa tiyan niya maliban sa mainit na gatas na ininom niya kaninang agahan.
Magagaan ang mga paa niyang binalikan ang kinapaparadahan ng dala niyang kotse at saka sinimulang maghanap ng makakainan. Sa malawak na parking space ng Festive Resturant niya iginarahe ang kanyang kotse. Papasok na siya ng kainan nang makasalubong ang isang batang lalaking natatatakbo habang ang maganda nitong tawa ay nagmistulang musika sa pandinig niya. Sa likuran ng bata naroon ang isang unipormadong babaeng may katandaan narin na sa tingin niya’y Yaya nito. Ito marahil ang tinatakbuhan ng batang lalaki.
“Ismael hintayin mo ako huwag kang tumakbo!” ang tawag pa ng Yaya na hindi naman pinansin ng bata at nagpatuloy sa pagtakbo na sa kalaunan ay nadapa sa harapan niya kaya siya naalarma.
Nag-aalala niyang itinayo ang bata saka sinuri kung nasugatan. “Nasaktan ka ba baby?” worried niyang tanong saka napangiti nang mapagmasdan ang mukha ni Ismael. Bata palang pero talagang napaka-gwapo at maputi.
Umiling ito. “Matapang ako, ang sabi ni Tito kapag nadapa kailangang tumayo agad” sa tantiya niya ay nasa pagitan ng tatlo hanggang apat ang edad nito pero nakakatuwang matatas ang pananalita ng bata.
Umangat ang mga kilay niya sa pagkaaliw. “Really? Well I guess your Tito is a real man, kaya gusto niyang maging kagaya ka niya” may kalakasan ang tinig niyang sagot.
Nakita niyang nagbuka ng bibig nito ang bata, pero napigil ang lahat ng gusto nitong sabihin nang may kung sino itong matanawan mula sa kanyang likuran. “Tito Lawrence!” ang masiglang sigaw ng bata saka pinakawalan ang sarili mula sa kanya at nagtatakbong tinungo ang bagong dating.
Tumayo siya saka pumihit para lang matigilan nang makilala ang sinalubong ni Ismael na tiyuhin nito. Kahit sabihing nakayuko ang lalaki ay kayang-kaya niya itong tukuyin. Agad na bumilis ang t***k ng puso niya kasabay ng tila paninikip ng kanyang paghinga.
“Tito halika, I’ll introduce you to someone. She’s very pretty and said maybe you’re a real man kaya gusto mo akong maging kagaya mo!” napakagat labi siya nang marinig ng buo ang sinabing iyon ni Ismael bago ito kinarga ng tiyuhin.
“Talaga? Pretty siya? Nasaan? Bagay ba kami?” habang papalapit at hindi niya napigilan ang pamulahan sa narinig na sinabing iyon ni Lawrence kaya minabuti niyang tumalikod nalang at maghanap ng mesa pero napigil ang paghakbang niya nang marinig na muling sumagot si Ismael.
“There she is! Iyong naka-red dress!” ang bata. “wait, put me down Tito!” ilang sandali pa at nasa tabi na niya ang bata. “come, I’ll introduce you to my Tito” anitong hinawakan pa ang kamay niya saka siya hinila.
Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ni Lawrence nang marahil makilala siya nito. Habang siya hindi malaman kung paano magre-react kaya minabuti niyang pilitin ang ngumiti kahit totoong nahirapan siyang gawin iyon gawa ng matinding kabang hindi niya malaman kung saan nanggaling.
“Indeed very pretty Ismael, magkapareho nga tayo ng taste pagdating sa babae” narinig niyang tinuran pa ni Lawrence na kinarga ang pamangkin bago siya humahangang hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.
“I like her, ikaw Tito?” nabigla siya sa tanong na iyon mula kay Ismael.
Makahulugan ang tinging ipinukol sa kanya ni Lawrence bago nakangiting hinarap ang matanong na pamangkin. “Yes baby, I like her very much” saka nito ibinalik ang tingin sa kanya ng may kakaibang lagkit kaya kaya mabilis na uminit ang buo niyang mukha.
“Anya?” napakislot siya nang marinig ang tinig ng binata na tinawag ang pangalan niya.“I-I’m sorry? Join me for lunch? I guess iyon din naman ang sadya mo kaya ka nandito maliban nalang kung may gusto kang makita?” sa huling sinabi ay umangat ang sulok ng labi ni Lawrence kaya napapikit siya.
Tumango siya. “S-Sure” tipid niyang sagot na pinanginigan pa ng tinig.
“MAGKIKITA pa ba tayo?” hindi napigilan ni Anya ang mapangiti sa tanong na iyon sa kanya ni Lawrence. Inihatid siya ng binata hanggang sa kinapaparadahan ng kotse niya at hindi niya maikakaila na gusto rin naman niyang muli itong makita.
Maaliwalas ang bukas ng mukha niyang tiningala si Lawrence. “Ikaw?” aniyang nagkibit ng balikat pagkuwan.
Nangingislap ang mga matang sumagot ang binata. “Narinig mo naman iyong sinabi ko sa pamangkin ko kanina hindi ba? So siguro naman alam mo na ang sagot doon.”
Wala sa loob na napailing si Anya sa narinig. “Paiikutin mo nanaman ba ako at bobolahin kagaya noon Lawrence? Iyong nangyari sa atin noong nasa kolehiyo tayo, pitong taon na ang lumipas. Wala na ang dating ako na madaling naniwala sa bulaklak ng dila mo” sa isang iglap ay nanalim ang tinig ni Anya.
“Wala akong sinabing ganoon? At isa pa ikaw ang nagbukas ng usapan tungkol sa past?” Sa kabila ng naramdamang pagkapahiya, hindi niya napigil ang matawa ng mahina sa sinabing iyon ng binata. Dahilan kaya muling nagsalita si Lawrence. “Kumusta kana nga pala? I was expecting anything from you after kitang makausap sa hospital that day?”
Sa tanong na iyon biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib saka nagmamadaling umiwas ng tingin sa binata. “A-Ano kasi, ilang araw lang after nun lumipad na ako pa-Korea” pagsasabi niya ng totoo saka sinulyapan at matamis na nginitian si Lawrence. Sa pagkakataong iyon ay lihim niyang binati ang kanyang sarili.
“The magic of your smile is heaven sent.Masaya ako dahil nakakangiti kana ngayon, after all deserve mo ang maging masaya” nag-init man ang mukha niya sa sinabing iyon ng binata ay minabuti parin niyang sumagot.
“S-Salamat” maikli niyang tugon.
Tumango si Lawrence kaya umakma na siyang tatalikuran ito para pumasok sa loob ng kanyang kotse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. “May nakalimutan ka pa, Anya” hinaplos ng kakaibang uri ng damdamin ang puso niya sa pagkakabanggit nito sa palayaw niya.
Taka niya itong tiningala. “N-nakalimutan?” salubong ang mga kilay niyang tanong.
Mahinang tawa muna ang naglandas sa lalamunan ni Lawrence bago ito nagsalita. “Your cellphone number? Para this time ako na ang tatawag sayo, ako ang pupunta at lalapit sayo at ako ang gagawa ng paraan para makita at makasama ka.”
Kasabay ng panunuyo ng kanyang lalamunan, naramdaman niyang nahigit ang kanyang paghinga hindi lang dahil sa lagkit ng titig sa kanya ng binata kundi maging sa lamyos ng boses nito habang nagsasalita. “H-Ha? O-Okay” aniyang sinimulang idikta sa binata ang kanyang cellphone number. “I should go” ang huli niyang sinabi saka pagkatapos ay hinila pabukas ang pintuan ng kanyang kotse pero napahumindig siya nang maramdaman ang mainit na kamay ni Lawrence sa pumigil sa kanya braso. Taka niya itong muling hinarap.
“M-May kailangan ka pa ba?” aniyang pasimpleng hinila ang braso mula sa binata pero sa halip na bitiwan ay itinulak nito ang pasara ang pintuan ng kanyang kotse saka siya idinikit doon.
Sinuyod muna ng tingin ni Lawrence ang kanyang mukha bago ito nagsalita. “Gusto lang kitang bigyan ng dahilan para, you know, gustuhin mong makita akong muli” pagkasabi niyon ay umangat ang sulok ng labi ng binata.
“W-What d-?” hindi na naituloy ni Anya ang gusto niyang klaruhin nang bigla ay niyuko siya ni Lawrence saka mainit na inangkin ang kanyang mga labi.
Mabilis ang naging epekto sa kanya ng halik na iyon. Naramdaman niya ang agarang panghihina ng kanyang mga tuhod kaya siya kumapit ang matipunong balikat ng binata. At hindi niya alam kung papaanong kusa niyang naipikit ang kanyang mga mata dahil nang itigil ni Lawrence ang ginagawa ay namulatan niya itong nakangiti habang masuyong hinahaplos ang gilid ng kanyang labi.
“Maiingat ka” anito pang tila normal nalang sa pagitan nila ang nangyari. Tila wala sa sariling napatango siya at walang imik na sumakay sa dala niyang kotse.
Habang daan ay tahimik parin niyang pinakikiramdaman ang sarili. At dahil sa nakabibinging katahimikan ay minabuti niyang buksan ang car stereo. Para lang mapailing nang mapakinggan ang nakaereng kanta. Ang awiting Just Fall in Love Again, doon wala sa loob siyang napangiti.