PART 12

1121 Words
TWO YEARS LATER… “TITO Lawrence!” sa pagkakarinig sa matinis at munting tinig na iyon ay maluwang na napangiti ang binata saka hinarap ang tumatawag. Nasa entrance siya noon ng Festive kausap ang isang customer na agad ring nagpaalam pagkuwan. “Hey! Kumusta ang pamangkin kong gwapo?” ang masaya niyang salubong kay Ismael. Anak ng kuya niyang si Fritz at ng hipag niyang si Julia. Noon nagtatakbo patungo sa kanya ang tatlong taong gulang na bata na kamukhang-kamukha ng kuya niya. “Aba, ang bigat mo na ah? Big hug mo si Tito para may gift ka mamaya sa kanya” nakangiti niyang turan kaya mabilis namang mahigpit na yumakap sa kanya si Ismael. “Kumusta?” si Fritz na kahawak-kamay ang asawa nitong halatang masayang-masaya dahil sa kakaibang kislap ng mga mata. Nagkibit siya ng balikat saka iginiya papasok ang mag-asawa. “Okay naman, mabuti napadalaw kayo? At bumiyahe pa talaga kayo mula Tagaytay?” simula kasi ng maikasal ang mag-asawa ay sa Tagaytay na nanirahan ang mga ito. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit siya ang pinagkakatiwalaan ni Fritz sa Festive. Bukod pa iyon sa masyadong abala si Julia sa pag-aasikaso sa mag-ama nito. “Medyo matagal narin kasi kaming hindi napapasyal dito. Anong malay ko, baka puro babae nalang ang inaatupag mo lalo ngayong dalawang taon kana ring walang steady’ng lovelife” buska sa kanya ni Fritz na sinundan pa ang sinabi ng malakas na tawa. “Tsk. Hindi mangyayari iyon, takot ko nalang sa gwapong ito” ang pamangkin niya ang tinutukoy niya na noon ay nirorolyo ang necktie niya. “Mag-asawa kana kasi, para naman magkaroon narin kami ng pamangkin ng kuya mo sayo” ang hipag niyang si Julia iyon. Natawa siya ng mahina. “Si kuya nga nagawang maghintay ng mahabang panahon sa’yo eh, kaya ko rin iyon” aniyang bagaman nakatawa ay totoo sa loob ang sinabi. Nakita niyang nagpalitan ng makahulugang tingin ang mag-asawa. “Dalawang taon na iyon Rence, at isa pa ni hindi siya gumawa ng paraan para makausap ka?” si Fritz na ang tinutukoy ay si Claire. Mapait siyang napangiti. “Huwag na nga natin siyang pag-usapan” saka nalang niya hinayaan ang kapatid niya sa ganoong isipin. Hindi ko alam kung dapat ba kitang pasalamatan sa ginawa mong pagliligtas sa buhay ko dahil kung tutuusin minsan mo narin akong pinatay! Dalawang taon ang matuling nakalipas. Naghintay siya ng tawag mula kay Anya o kahit sa ina nito pero nabigo siya. Binalikan niya ang dalaga dalawang araw matapos ang unang beses niya itong dinalaw pero nailipat na pala ito sa isang pribadong ospital sa Maynila. Ang sinabing iyon sa kanya ni Anya ay nagdulot ng matinding guilt sa kanya. Pero wala na siyang magagawa doon dahil hindi naman niya pwedeng baguhin ang nakaraan. Sana makita kita ulit. Sana, sa ikatlong pagkakataon. Sinubukan niyang hanapin ang dalaga gamit ang web at social media pero bigo siya. At kahit ayaw niyang isipin, malakas ang pakiramdam niyang ayaw ni Anya na magkaroon ng anumang communication sa kanya. At hindi niya ito masisisi, dahil hindi naman simple lang ang ginawa niya. Pero hindi niya maitatangging naging madali ang paglimot niya kay Claire dahil sa muli nilang pagkikita ni Anya. Pakiwari niya’y muli nitong ginising ang maganda at masarap na damdaming pilit niyang ibinaon sa limot mula nang madaling araw na iwan niya itong natutulog sa loob mismo ng kanyang apartment. Ilang taon man marahil ang lumipas hindi niya makakalimutan minsan man kung gaano katotoo ang kaganda ang bawat araw na masaya nilang pinagsaluhan ng magkasama. Kahit siguro isipin ng iba na mga bata pa sila noon. “Anyway naka-leave ako, sa bahay muna kami tutuloy para makasama naman ni nanay itong apo niya” pagbibigay alam ni Fritz sa kanya. Tumango siya. “Doon na ba ang tuloy ninyo?” nang makitang tumayo si Fritz kasunod ang asawa nitong si Julia. “Oo, may gusto ka bang ipaluto?” ang nakangiting tanong sa kanya ni Julia. Natawa siya ng mahina nang may maalala. “Sinigang sana?” “All time favorite” buska sa kanya ni Fritz. “see you” anitong lumabas ng silid niya kasunod ang mag-ina nito at ang Yaya ni Ismael na si Dolores. “WELCOME home anak” nasa entrada ng malaki nilang bahay si Loida nang salubungin siya nito para yakapin. “Mukhang nahiyang ka doon anak, lalo kang gumanda” ang Papa niyang si Manuel na mahigpit siyang niyakap. Nauna lang ito ng isang linggo sa kanya mula nang matapos ang huling kontrata nito sa Saudi. Napangiti siya. “Kanino pa ba naman ako magmamana kundi sa inyong dalawa ni Mama?” aniyang nilinga ang ina niyang masayang nanonood sa pag-uusap nila ng kanyang ama. Ilang sandali pa magkakasama na silang kumakain sa komedor. Sa kwarto niya siya naglagi matapos ang masayang pananghalian. Dalawang taon mula nang huli niyang nasilayan ang loob ng kwartong iyon. Walang pinagbago ang pagkakaayos ng mga gamit. Maliban nalang sa kanya. Dahil katulad ng inaasahan at gusto niyang mangyari, malaki ang naitulong sa kanya ng pag-ko-Korea niya dahil tuluyan na ngang pinaghilom ng panahon ang lahat ng sugat na nilikha sa puso niya ng trahedya. Alam ko masaya kana ngayon kung nasaan ka man. At para sa pagsisimula ko, babalik ako kung saan nagsimula ang lahat. I will never forget you, itatago kita sa pinaka-safe na bahagi ng puso ko habang panahon. DALAWANG araw muna ang pinalipas niya bago siya tumulak patungo ng Don Arcadio. At gaya narin ng inaasahan, malaki na ang pinagbago ng lugar kumpara sa dati. Mas developed na ito dahil sa nakatayong bagong mga gusali sa gilid ng highway. Kahit sabihing madilim narin nang mangyari ang aksidente dalawang taon na ang nakalipas. Kabisado niya ang itsura ng lugar dahil malapit iyon sa arko na nagsisilbing boundary ng Don Arcadio at ng kasunod nitong bayan kung saan sila nagtungo noon ni Phil para magbakasyon. Minabuti niyang itigil sa gilid ng kalsada ang dala niyang kotse. Pagkatapos, bitbit ang basket ng bulaklak ay maingat niyang binagtas pababa ang palusong na cliff. Nanayo ang balahibo niya ng matanawan ang isang pamilyar na puno. Sa kabilang banda kinapa niya ang sariling dibdib. Tanggap na niya ang katotohanang wala na si Phil. Pero alam niya sa sarili niyang hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon sa kabila iyon ng marami niyang manliligaw. Pakiramdam kasi niya may kung anong kulang siyang hinahanap sa mga ito. At hangga’t hindi niya nakikita ang kakulangang iyon, alam niyang hindi rin siyang magiging masaya at mauuwi lang sa hiwalayan ang lahat sa kalaunan. Iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng mahabang panahon minabuti niyang huwag i-commit ang sarili sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD