AFTER TAKING a bath, I went immediately to my closet. Kailangan kong magmadali. Kailangan ako ni Janus doon. Nakabihis na ako at paalis na lang nang masulyapan ko ang dslr na regalo ko kay Janus. Tila may magnet itong humila sa akin at inabot ito. Wala sa sariling napaupo ako sa kama at pinindot ang power on ng camera. Bumungad sa akin ang aming mga kamay na nakapormang puso - ang larawang huli niyang kinunan. Tinitigan ko iyon nang matagal. Nag-init bigla ang mga mata ko nang bumalik sa aking alaala ang huli naming pag-uusap. Naririnig ko ang malambing niyang boses mula sa aking alaala. Mahal kita. Kasi ‘yong chorus lang ang makakadescribe ng nararamdaman ko sa'yo. Lumunok ako nang ilang beses. Pilit kong inaalis ang bikig sa nananakit kong lalamunan dahil sa pinipigilan kong pag-iyak