I CRIED, na ngayon ko lang nagawa at naipakita sa ibang tao. I begged, na ngayon ko lang din nagawa at naipakita sa ibang tao. Pero ano ang kapalit?! Ang sasabihin ng doktor na nasa coma si Janus? Na hindi siya mabubuhay kung walang tulong mula sa mga makina? Ang sasabihin ng doktor that he is almost brain dead?! Ang sasabihin ng doktor na isa na siyang lantang gulay?! Ang sasabihin ng doktor na pitong porsyento lang ang chance niyang mabuhay?! “PUTANG-INA!!! AHH! JANUS!” Itinulak ko ang doktor palayo at baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Pumunta ako sa gilid ng hallway na iyon at umiyak na parang batang nadapa at sugatan. Wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga. Ang importante ay maiiyak ko ang pait na nararamdaman ko. Hinayaan ako nina Clem at Vinxie. Wala rin naman