HINAPLOS KO ang mahabang buhok ni Janus. Pagkatapos ay bumaba ang kamay ko sa kaniyang mga mata na labis kong kinabaliwan noon, sa kaniyang maliit ngunit may katangusang ilong, sa kaniyang makikipot na mga labi. Ilinapit ko sa tenga niya ang bibig ko at bumulong. Gumising ka na, love. Magsisiyam na buwan ka nang nakahiga dyan. Hindi pa ba nananakit ang likod mo? Bumaba ang paghaplos ko sa kaniyang malamig na braso. Tignan mo, ampayat mo na. Baka nga hindi mo na kayang mag-jogging o humawak ng bola. Bangon na, love. Miss na miss na kita. Alam mo namang nasanay na ang mga mata kong lagi kang nakikita. Nami-miss na ng mga labi ko ang mga labi mo. Nami-miss ka na ring yakapin ng mga braso ko. Nami-miss na ring maglibot ng mga kamay ko sa buong katawan mo. Pero alam mo ba ang pinakanami-mis
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books