Chapter Five

1820 Words
      She could already hear the loud music and even all the visitors chattering outside. Anytime soon ay tatawagin na siya, to formally introduce her. Kinakabahan siya. Hindi rin naman siya sanay sa mga ganito. Pumayag siya ng sinabi ni Mama na maliit lang na selebrasyon ngunit hindi niya akalain na ganito ang definition nito ng maliit. God! Halos lahat yata ng mga kakilala niya sa school ay naroon.        "You really look, stunning, hija!" Kanina pa titig na titig sa kanya ang make up artist. Namumukhaan niya ito. Hindi niya lang matandaan ang pangalan ngunit alam niyang mga sikat ang inaayusan nito. "Be ready. Anytime ay tatawagin na ang pangalan mo. And I want you to stand tall, be confident and embrace the beauty on you. Show them all what true beauty means, okay?" Ngumiti lang siya rito. Dahil 'yong confidence na sinasabi nito ang siyang kinakailangan niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya kasi, lalabas na ang puso niya sa sobrang pagkabog noon. Inalalayan siya nito papunta sa tuktok ng  grand staircase ng mga Guevarra kung saan siya mag-uumpisang maglakad pababa.       "And now, ladies and gentlemen. I would like to formally present to you all, our debutant. The gorgeous Amara del Fuego. Let's give her a round of applause!"  The master of ceremonies voice echoed all over the house. Pigil niya ang pangangatog ng tuhod nang tumapat sa kanya ang spotlight. But seeing everyone, the smiles and admiration on their faces lightened up her mood. She felt happy and overwhelmed. She smile wholeheartedly as she started walking down the stairs. Pagdating niya sa ibaba ay nag-aabang na ang magkakapatid. Three knights stood before her eyes. Kumpleto sana ang kasiyahan na nararamdaman niya kung hindi lang nawawala ang hinayupak na lalakeng iyon. Kanina pa niya ito hinahanap pagkagising niya ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Just like before, para itong kabute na bigla na lamang susulpot pagkatapos ay kasing bilis ng bula kung mawala. Inignora niya ang lungkot na nadarama.This is a once a lifetime moment kaya dapat na niyang sulitin ito. But at the bottom of her heart, she badly wanted Alexander now. She wanted to see him.          "Smile, doll." It was Kent. Ngumiti siya. "Where is he, Kuya ?He promised that he'll be here ngunit sumira na naman siya sa  pangako niya."            "Hayaan mo na 'yon.J ust enjoy this moment, okay?" Pang-aalo ni Kent. "Nandito naman kaming tatlo eh, kulang pa ba?" Umiling siya. "You're all more than enough. Nami-miss ko lang siya eh."          "For now, let's just sit. Panoorin natin ang ginawa kong video para sa'yo." And with that, the whole venue turned dark. All eyes were focused on the big screen in front of them. Nagsimulang ipakita roon ang kabataan niya hanggang sa kasalukuyan. But the interesting part was when the Guevarra siblings started bullying her in a positive way. They always made fun of her kahit ngayon naman na matatanda na at may mga asawa na ang mga ito. Tawa siya nang tawa ng mapanood ang kakulitan niya sa mga ito. Naalala pa niya ang galit sa kanya ni Kent ng pinturahan niya ng pink at dilaw ang kwarto nito dahil sa pang-aasar nito sa kanya. But all the happiness just fade away when she saw Alexander's face on the screen. Nakakaasar lang kasi. Kung bakit kasi ngayon pa nito naisipan na mag-evaporate. Gago lang talaga. She might be happy outside but on the contrary, her heart is yearning for him. She's still hoping that he would come kahit alam niyang impossible na. Dahil kung may balak na talaga itong magpakita sa kanya, dapat ay kanina. Patapos na ang programa ngunit wala pa rin ito. For goodness sake, ito dapat ang last dance niya. Napatingala siya, pigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi siya dapat umiyak. Hindi niya ito dapat na iyakan.           "Are you okay, hija?" tanong sa kanya ng Mama Esme.            "Okay lang ako, Ma. Kayo dapat ang tinatanong ko, eh. It's past way your bedtime. Masama po sa matatanda ang pagpupuyat." Biro niya rito.       "That's why I've been looking for you. Mauuna na kasi akong umakyat. Medyo nahihilo na rin kasi ako eh."       "Sige po, Ma. Susunod na rin ako maya-maya. I'm not feeling well na din kasi eh." Paalis na sana ito nang tumigil saglit at nilingon siya. "Anak, ako na ang humihingi ng paumanhin dahil sa pagkawala ng presensya ni Xander. Siya pa naman sana ang last dance mo. Mabuti na lang at dumating ang manliligaw mo kaya may pumalit sa kanya." Apologetic na sambit ng ginang sa kanya. "And I like that Harold for you. Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan." Napatawa siya. " Yes po, Ma.He's super bait at mapagkakatiwalaan but he's super babaero din po. Super gross!" Tawa ito nang tawa. Alam kasi nito na hindi naman siya ganoon magsalita. Ni sa panaginip nga, hindi niya matanggap na maging maarte siya.          "Mauna na nga ako sayong bata ka! Again, happy birthday and I love you so much." Niyakap siya nito bago umalis. Siya naman ay nag-ikot upang kausapin at personal na pasalamatan ang lahat ng mga nagsipuntahan. Kanina pa talaga masama ang pakiramdam niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang ipahinga ang isip at katawan niya. Dahil maski nga puso niya, pagod na rin yata. Nang sa wakas ay nagpaalam na ang pinakahuli niyang bisita ay lihim siyang umusal ng pasasalamat.          "Kung ako lang sana ang  masusunod ay ayoko pa sanang umuwi. Gusto pa kitang makasama eh." It was Harold. Medyo tipsy na rin ito. Pilit niyang inilalayo ang mukha rito dahil halos mahalikan na siya nito sa sobrang lapit ng mukha sa kanya.          "You have to, Harold. Hindi mo naman siguro gustong mabugbog ng mga lalakeng kanina pa masama ang tingin sayo." Inginuso niya si Ethan. Nasa tabi nito si Kent at Lance na talagang nakabantay sa kanya. Natawa ang lalake. "Mahigpit nga ang pagbabantay nila sa'yo. Dinaig pa ang PSG ng presidente eh. Hatid mo naman ako sa labas, oh." Hindi na niya ito sinagot at nagpatiuna na upang ihatid ito sa labas subalit nakakailang hakbang pa lang siya ng bigla siya nitong hilahin at siilin ng halik ang kanyang mga labi. Hindi siya mahuma at makagalaw dahil sa pagkabigla. Subalit naisip niyang hindi katulad ng epekto ng mga halik ni Xander ang halik nito sa kanya. Walang kuryente. Walang kilig. Mabilis niya itong naitulak ng maramdaman ang pagbaba ng halik nito sa kanyang leeg.           "Stop!" Subalit tila wala itong naririnig at nagpatuloy lang sa paghalik sa leeg niya. Hindi na  siya nakapagtimpi pa nang dilaan nito ang kanyang leeg  kaya  nasapok na  niya ito. Imbes na magalit ay mukhang natuwa pa ito. "That's  what I like about women. Palaban."          "Gago! Hindi ako pumapatol sa kagaya mo!" Tawa lang ito nang tawa habang hinihila niya palabas ng gate kung saan naghihintay ang driver nito.          "I'll have you, baby!" sigaw nito.           "In your dreams, Harold." Sinenyasan niya ang driver nito na umalis na. Hindi na niya ito tinapunan ng tingin at umupo muna sa isang upuan sa tabi ng clubhouse. It feels so good ng tanggalin niya ang suot niya heels. Marahan niyang hinilot ang sakong na kanina pa namamanhid. Sumandal siya sa upuan at tumingala sa kalangitan. Maski nga siguro ang langit ay nakikisama sa kanyang kalungkutan dahil madilim iyon at maski isang bituin ay wala siyang makita.            "So, that was your lover?"  She heard a cold and dreadful voice.  Muntik na siyang himatayin dahil sa pagkagulat. Mapakla siyang ngumiti. Hindi na niya kasi kailangan pang tingnan kung sino ang nagsalita dahil presensya pa lang at amoy nito, kilala na niya. She's already tired and she doesn't have the strength to argue with him so she just stand up and tried to get away from him. Ngunit naging mabilis ang mga kamay nito at agad siyang nahila pabalik dito. Ang mga kamay nito ay pumaikot sa baywang niya at marahas na siniil ang kanyang mga labi. Mapagparusa ang bawat galaw nito.           "Ganito ba siya kung humalik sayo?" He kissed her again torridly hanggang sa umabot ang mga halik nito sa kanyang leeg at ang kaliwa nitong kamay ay nasa ibabaw na ng kanyang p********e. "Does he made you feel wet like this?" A moan scape from her lips when he felt his finger on her entrance. Pilit niya itong itinutulak palayo subalit sadyang malakas ito o baka wala lang talagang lakas ang kanyang mga tulak. Dahil ang totoo, nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya.           "Bakit kailangan mo pang humanap ng ibang lalake? You could've have ask me. Hindi pa ba ako sapat?" Ramdam niya ang galit sa boses nito. Lihim niyang nakagat ang labi ng dumiin ang hawak nito sa kanyang braso.           "Ano bang issue mo, ha? Ikaw nga itong may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit?" galit niyang sigaw dito. Mabuti na lang medyo malayo at tago ang clubhouse kaya hindi siya nangangamba na may makakarinig sa kanila. "You promised me. Nangako kang nandito ka sa birthday ko. Nangako kang ikaw ang last dance ko. You even inssisted it at sabi mo sa akin, hindi ka papayag na iba ang huli kong makakasayaw kasi dapat ikaw 'yon. At ako naman si tanga, naniwala ulit sa mga pangako mo na alam ko naman sa simula pa lang ay malaki na ang porsiyento na hindi matutupad. But I still gave you the benefit of the doubt kasi akala ko...akala ko, iba na this time. Na tutupad ka na sa mga pangako mo. But it ended up, just the same."          "At dahil sa hindi ko pagtupad sa pangako ko, naghanap ka na ng ibang lalake na lalandiin mo?" He hissed at her. At maski siya ay natakot sa pagbabago ng awra nito. "Hindi ka pa ba kuntento sa kayang ibigay ng pamilya ko? Ano pa ba ang kulang? Seguridad? Kapangyarihan? O, pera?" Ngumisi ng nakakaloko ang binata bago bumaling sa dalaga, "Pera at karangyaaan na hindi ka naman kapat-dapat dahil sampid ka lang sa pamilyang ito!"  Napaawang ang kanyang mga labi. Of all people, hindi niya inaasahan na manggagaling dito ang mga salitang iyon. Hearing those words coming from him was enough. Nag-unahang malaglag ang kanyang mga luha, kasabay noon ang pangangatog ng buo niyang kalamnan. Pakiwari niya, dinudurog ang puso niya kaya siya nahihirapang huminga. Dahan-dahan siyang lumayo rito. She doesn't want to see his face anymore.  Maski ito ay nagulat rin sa nasabi. Pilit siya nitong inaabot sa kamay ngunit lumalayo siya sa tuwina.          "Love...I'm so sorry, love. I didn't mean to say those words. Galit lang ako. Nagselos lang ako. Please, come here." Puno nang pagsisisi ang mukha nito ng binata. Pilit siya nitong niyayakap kaya ng makabwelo siya, she gave him the best experience he could have. Malakas niya itong tinuhod at hindi na nag-abala pang tingnan ito kahit pa panay ang daing nito. Serves him right! Kulang pa iyon sa sakit ng mga salita nito. Kulang na kulang.                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD