Hindi na nagawa pang habulin ni Xander si Amara ng marinig niyang nag-iingay ang kanyang telepono. Lihim siyang napamura sa sarili ng maalala ang mga salitang binitwan niya rito. Abot langit ang kanyang pagsisisi lalo na kapag naaalala ang sakit na nakabalatay sa maganda nitong mukha. He's really an ass hole for hurting her everytime. Aminado naman siya sa kanyang mga pagkukulang subalit ginagawan naman niya iyon ng paraan sa abot ng kanyang makakaya. "Bullsh*t!" He cursed at himself. At kahit labag sa loob na iwan at hayaan ang dalaga na masama ang loob sa kanya ay kinakailangan niyang umalis. May mga bagay kasi na mas dapat mong gawin hindi dahil iyon ang gusto mo kundi iyon ang kinakailangan at hinihingi ng pagkakataon. Dali-dali niyang tinakbo ang kanyang sasakyan but before h