Puno ng pangamba ang puso niya dahil sa nangyari. Nalagay na naman sa panganib ang buhay ng dalaga dahil sa kanya. Agad niyang kinapa ang switch ng ilaw upang patayin iyon. Masyado silang expose sa labas. Pilit niyang inaninag ang sitwasyon sa labas. Hawak pa rin niya ang dalaga sa baywang. Pilit itong kumakawala sa kanya ngunit lalo niyang hinigpitan ang paghawak dito. Natatakot siyang bigla na lang itong mawala sa kanya. "Let go..." rinig niyang sabi nito. "No!" Mariin niyang tanggi. Ilang segundo rin itong nawalan ng malay kaya sobra ang takot niya kanina. "Kailangan nating makaalis agad dito upang magamot ang sugat mo." Pinag-aralan niya ang paligid at ng mapansin na walang kahinahinala ay agad niyang binuhat ang dalaga. Base sa anggulo at pinanggalingan ng bala, mukhang