Amara couldn't be happier like this. She could feel the beat of the music on all of her. Upbeat music, men and women dancing on the floor. Those flashy and colorful lights spread inside the room. Her sweaty body dances to the rhythm of a Camilla Cabello song. Wala siyang inhibisyon sa katawan ng mga oras na iyon. Hindi siya nag-aalala sa kung ano pa man. Ang mahalaga ng mga oras na iyon ay nag-eenjoy siya. Hindi naman siguro malalaman ni Alexander na naroon siya. Kahit pa siguro malaman nito na naroon siya ay okey lang. Wala naman siyang ginagawang masama. Itinaas niya ang hawak na kopita at hinayaang dalhin ng musika ang kanyang katawan. Ang bawat indayog ng kanyang balakang ay tila ba nag-aanyaya sa mga kalalakihang nakuha niya ang pansin. Hindi sa gusto niyang kunin ang pansin ng mga