The moment na naging maayos na angpakiramdam ng dalaga ay nagpasya na silang bumalik ng Maynila. Mas madali nila itong mababantayan kung naroon sila knowing the vast resources na meron sila at ang kakayahan ng ahensiya upang mahanap ang stalker ng dalaga. Bagsak ang balikat niya ng makitang naroon ang lahat, all of his siblings and then their Mom. Mukhang inaantabayanan ang kanilang pagdating at base sa reaksiyon ng mga ito, mahaba-habang usapan ang mangyayari sa pagitan nila. "Are you alright,hija?" tanong ni Mama Esme. Niyakap siya nito. "Nagugutom ka ba? Anong gusto mo, ipagluluto kita?" Umiling siya. "Okey lang po ba kung sa kwarto na ako magpapahinga? Bababa na lang po ako mamaya." She caught Kent smiling like an idiot. She gave him an annoying look. "Bakit?" tano