Pilit na nagpupumiglas si Amara dahil sa ginawa ni Xander sa kanya. Animo isang sakong bigas lang siya na kayang-kaya nitong pasanin subalit wala naman siyang magawa. Alam niya ang kakayanan nito. Hindi na sana siya aangal pa ngunit agad na nagpanting ang kanyang tainga ng ibang direksyon ang tinutungo nito. "Ano ba, Alexander! Bitawan mo ako! Saan mo ba ako dadalhin?" Lalo lamang siyang nainis dahil hindi siya nito sinagot. Binuksan nito ang isang pinto at pabalang na isinara iyon pagkapasok nilagamit lang ang isang paa. Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Pabalya siya nitong inihagis sa ibabaw ng kama nito. "You're insane!" sigaw niya. "Yes! Mababaliw talaga ako dahil sa kalokohang pinaggagawa mo! Anong pumasok sa isip mo at naisipan mon