Monica's P.O.V.
"Ikaw, Monica ka, ha hindi mo naman sinasabi sa akin na may kaibigan ka pa lang masarap," nakangiting sabi ni Aling Modta nang puntahan niya ako sa kusina.
Abala ako sa paghuhugas ng plato nang puntahan ako ni Aling Modta. Nilingon ko siya at saka napahawak na lang ako sa aking ulo.
"Aling Modta naman....bakit po ba ganoon na lang ang mga sinabi niyo habang nandoon si Wilder?nakakahiya po kaya..." nakangusong sabi ko sa kan'ya.
Tumawa naman si Aling Modta. "Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, ah. Mukhang bihasa ang lalaking iyon sa kama. Itsura pa.lang at datingan, Monica. Tingnan mo naman ang katawan niya, malaki ang masel, 'di ba? At saka tingnan mo ang pagitan ng hita niya, may bukol. Isipin mo, hindi pa tumitigas ang alaga ng lalaking 'yon. Kumbaga, tulog pa pero malaki na ang bukol sa pagitan ng hita niya. Paano pa kaya kapag nabuhay na ang alaga niya at nagalit? Eh 'di sobrang laki na ng bukol na iyon?" nakangising sabi ni Aling Modtalina.
Mapakamot na lang ako sa aking sintido. May pagka balahura din kasi talaga ang bunganga ni Aling Modta. Iniisip ko na lamang na baka kaya siya ganito magsalita ay dahil matagal na siyang tigang. Ilang taon na rin kasi simula ng pumanaw ang asawa niya at tanging siya na lang nag- iisa sa karinderya niyang ito. Naiisip ko tuloy kung nagsasarili ba siya. Makikita pa rin ang kagandahan ni Aling Modta kahit may edad na siya. Kaya nga sa karinderya niya ay mga kasing edad niya ang nagpapapansin sa kaniya. Kumbaga, may asim pa si Aling Modta.
"Aling Modta naman eh...parang masyado naman po kayong mahalay diyan," natatawa kong sabi sa kaniya.
Tinawanan niya ako. "Hindi ako mahalay, Monica. Sadyang natural lang na pag- usapan ang ganoong bagay. Ikaw kasi ay hindi pa nakakatikim ng mahabang talong. Kumbaga, birhen ka pa kasi kaya ka ganiyan. Pero kapag nakatikim ka na ng mataba at mahabang talong, magiging balahura na rin ang bibig mo."
Bumuntong hininga ako. "Pero Aling Modta, hindi ko naman naiisip talaga ang bagay na 'yon. At saka nakakahiya talaga kay Wilder eh. Lalaki kasi siya..."
Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Wilder na magkaibigan kami kahit hindi naman. Siguro dahil ayaw niyang mag- isip si Aling Modta ng kung ano sa amin kaya sinabi niya iyon.
"Monica...diyan nagsisimula ang lahat. Alam ko na sasabihin mong magkaibigan lang kayo ng lalaking 'yon pero malakas ang kutob ko na magiging kayo sa huli. Binabalaan lang kita na maging handa ka dahil talagang masakit sa una. Maiiyak ka sa sakit," nakangising sabi ni Aling Modta.
Lumabi naman ako. "Ewan ko po sa inyo, Aling Modta! Napaka niyo na!"
Malakas siyang tumawa. "Oh siya! Maiwan na kita dahil makikipaglandian na muna ako. Ngayon lang ako lalandi dahil matagal na rin akong nag- iisa sa buhay."
"Po? Landian?" takang tanong ko.
"Oo dahil may nakilala ako na guwapong lalaki online. Guwapo at mukhang may lahi. Wala na rin ang asawa niya kagaya ko. Eh may asim pa naman ako kaya susulitin ko na. Para kahit papaano eh maranasan kong masundot ulit," wika ni Aling Modta sabay hagikhik.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabagay, siguro nalulungkot din siya sa buhay niya dahil nag- iisa lang siya dito. Kaya siguro naisipan niyang lumandi na rin tutal kaya pa naman siguro ng buto niya na makipagdigmaan sa kama.
Mabilis na lumipas ang buong maghapon. Gabi na naman. Medyo masakit ang likod ko dahil sa dami ng hinugasan ko. May dala akong ulam para kay tiya Lolit. Naabutan ko siyang may ka- video call habang may pakindat- kindat pa. Nakasuot siya ng sando kung saan makikita ang kaniyang dibdib. Bumaling siya sa akin matapos niyang ibaba ang tawag.
"Nandito ka na pala, Monica. Gusto ko lang pa lang sabihin sa iyo na kailangan mo ng maghanap ng bagong matitirahan," seryosong sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Ah....bakit po?"
"Dahil aalis na kami sa bahay na ito. May bago na kaming lilipatan ng mga anak ko. Hindi ka na puwedeng sumama pa dahil hindi naman kita anak. Kaya kung gusto mong may manirahan ka, doon ka na lang kay Aling Modta tutal wala naman 'yong kasama sa bahay," sabi niya bago pumasok sa kaniyang kuwarto.
Nanghihina akong naupo sa upuan. Hindi ko napansin na napaiyak na ako. Marahil ang sinasabi niyang bago nilang titirahan ay mula sa lalaking kausap niya kanina. May ibang lahi kasing nakakausap si Tiya Lolit at ilang buwan na rin niya itong nakakausap. Siguro ay bibigyan na siya nito ng bahay kaya gano'n na lang ang sinabi niya sa akin.
Malungkot akong nahiga sa kama at saka tumulala. Iniisip ko na napakamalas ko naman sa buhay. Ang hirap talagang mamuhay ng walang magulang. Kahit na nasa hustong gulang na ako, hindi ko pa rin maiwasang maging malungkot dahil nag- iisa lang ako. Pagod na rin akong maging mag- isa. Pinahid ko ang luha ko mula sa aking mata bago pumikit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang umiiyak.
KINABUKASAN, maaga akong nagpunta sa simbahan para maibenta ang lahat ng basahan na tinahi ni tiya Lolit. Medyo madami- dami ang mga ito. Sana man lang makabenta ako ng kahit kalahati. Bawat dumadaan ay inaalok ko ng basahan. Pero sa dami ng dumadaan ay nakatatlong basahan pa lang ako.
"Sayang ang ganda mo. Nakakaawa kang tingnan dahil nagtitinda ka lang ng basahan."
Nagulat ako sa taong nagsalita sa likuran ko kaya agad akong napalingon. Napaawang ang bibig ko nang makita ko si Wilder. Hindi ko maiwasang humanga sa kaguwapuhang taglay niya. Para siyang action star sa harapan ko ngayon. Nalanghap ko pa nga ang mabangong amoy na nagmumula sa kaniya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil maasim ang amoy ko.
"Ano na namang ginagawa mo dito? Ang sipag mo ding magmaneho sa lugar na 'to, 'no? Eh ilang oras din tayong bumuyahe mula sa inyo papunta dito," sabi ko sabay tawa.
Nagkibit balikat siya. "Well...wala rin naman akong naisip na gawin sa bahay kaya nagpunta na lang ako dito. Ang suwerte mo nga dahil naisipan pa kitang puntahan."
Tinawanan ko siya. "Ay wow naman pala. So sino ka naman sa inaakala mo? Pakialam ko ba sa iyo kung hindi ka magpunta dito? Hindi naman kita kailangan," mataray kong sabi.
Medyo nayabangan din kasi ako sa sinabi niya. Hindi naman porke guwapo siya, yayabangan na niya ako. Kahit naman hindi niya ako puntahan dito eh ayos lang sa akin. Wala rin naman siyang maitutulong sa akin dito. Baka maasar lang ako sa kaniya.
Nagulat ako nang kunin niya ang mga basahang paninda ko. At pagkatapos ay nagsimula na siyang maglako. Napanganga ako sa kan'yang ginawa. Seryoso ba ang lalaking 'to? Ano kaya ang nakain niya para maging ganito siya? Hindi kaya ganito ang paraan niya para makuha ako? Malamang ganoon na nga. Sa una lang naman magaling ang mga lalaki. Tsk. Akala yata ng lalaking 'to ay magpapauto ako sa mga the moves niya.
At dahil guwapo siya, maraming babae ang bumili ng basahan sa kaniya. Kinikilig pa nga ang mga babaeng ito habang kinakausap siya. Natawa na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Iilang pirasong basahan na lang ang natira sa paninda ko dahil kay Wilder. Hanggang sa tuluyan na niya talaga itong maubos.
"Oh ano? Tulala ka na lang diyan? Halika na samahan mo akong kumain. Parang gusto kong tikman ang luto ni Aling Modta," nakangiting sabi sa akin ni Wilder.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Kumakain ka ba ng mga ganoon?"
Nagsalubong ang kilay. "Ano bang akala mo sa akin? Ano ba sa tingin mo ang kinakain ko?"
Lumabi ako. "Aba malay ko sa iyo kung kumakain ka ng mga lutong bahay. Eh 'di ba mayaman ka? Malamang sa malamang, puro sa mamahaling restaurant ka kumakain. O 'di kaya kung saang- saan na kilalang lugar."
Mahina siyang tumawa. "Oo tama ka pero syempre namimiss ko pa rin ang mga lutong bahay 'no. Kaya nga halika na. Nagugutom na ako. Naibenta ko na ang lahat ng basahan na paninda mo kaya wala ka ng iisipin pa," sabi niya bago naglakad patungo sa kaniyang sasakyan.
Sumunod na lamang ako sa kaniya. Pasimple akong sumusulyap sa kaniya habang nasa sasakyan kami. Iniisip ko kung ano kaya ang nakain niya para pag- aksayahan ako ng oras. Para maglaan pa siya ng oras para puntahan ako dito.
'Yang mata mo. Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina ka pa patingin- tingin sa akin?" biglang sabi niya na ikinagulat ko.
Tumikhim ako. "Eh ano bang pakialam mo kung gusto kitang tingnan? Naiisip ko lang kasi kung ano kaya ang maitim mong balak sa akin at kailangan mo pa akong pag- aksayahan ng oras? Malamang sa malamang may balak ka sa akin."
Malakas siyang tumawa. "Baliw ka na talagang babae ka. Kung ano- ano ang naiisip mo. Naku, magpa- check up ka na," sabi niya sabay tawa muli.
Pagkarating namin doon, agad kong nakita si Aling Modta. Malungkot ang mata niyang tumingin sa akin. Napatingin ako sa isang malaking bag na nasa tabi niya dahil parang pamilya ito.
"Monica..." tawag ni Aling Modta sa akin.
"Bakit po?"
"Dinala na dito ng tiya mo ang mga gamit mo. Umalis na sila sa bahay nila kanina lang kasama ang isang lalaki. Ibang lahi yata. Iniwan ka na nila. At sinabing dito ka na muna tumira sa akin..." malungkot na sambit ni aling Modta.
Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko naman akalain na aalis na sila ng ganoon kabilis. Akala ko matagal pa. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding lungkot dahil basta na lang talaga akong iniwan ng tiya ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa pinsan ko. Talagang hindi nga kamag- anak ang turing niya sa akin.
Nagulat na lang ako ng haplusin ni Wilder ang balikat ko. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko na napigilan pang maiyak.