Kabanata 1
MONICA GALVEZ's P.O.V.
Tahimik akong nakamasid sa mga estudyanteng palabas na kanilang eskuwelahan. Naisip ko na kung nakapag- aral lang sana ako, siguro nasa kolehiyo na ako ngayon at malapit ng makapagtapos.
Pero dahil sa maaga akong naulila, kung saan ako lang ang nakaligtas sa aming kapatid mula sa sunog, wala na akong ibang choice kun'di ang tumira bahay ng tiyahin kong si Lolit. Akala ko pa naman mabait siya dahil kung makapagbigay siya ng tulong sa amin noon ay para siyang good samaritan.
Pero hindi pala.
Kapag tumutulong pala siya sa amin noon, kapag nagbibigay siya ng pera kay mama ay dahil nanalo pala siya sa paborito niyang sugal na tong its. Pero kapag natalo siya ay galit na galit siya. Akala ko nga pag- aaralin niya ako pero nagkamali ako. Grade 3 lang ang inabot ko at hindi ko na nagawa pang makapag- aral dahil kailangan kong kumayod para may pangkain kami. Sa umaga ay nagtitinda ako ng basahan sa simbahan, at pagdating ng hapon hanggang gabi, nasa karinderya na ako ng kapitbahay naming si Aling Modta. Napakabait niya sa akin at kung ituring nga ako ay para na niya akong anak.
"Ayos ka lang ba, Monica? Bakit parang malungkot ka?" tanong sa akin ni Aling Modta habang nag huhugas ako ng mga kaldero.
Nilingon ko siya. "Ayos lang po ako. May...may naisip lang ako," malungot kong turan.
Tinaasan ako ng kilay ni Aling Modta. "Naisip? At ano naman 'yon? Sabihin mo sa akin, Monica nang makatulong naman ako. Alam mo naman na anak na ang turing ko sa iyo at nagpapasalamat ako na ikaw ang naging kasama ko dito sa karinderya. Bukod sa masipag ka na, matapat ka pa..."
Huminga ako ng malalim at saka tumingin kay Aling Modta. Napakasuwerte ko dahil nagkaroon ako ng amo na kagaya niya. Na napakabait at walang ibang ginawa kun'di kabutihan sa kapwa.
"Naisip ko lang po na...medyo nalulungkot ako kasi nagtatrabaho ako nang wala man lang akong naiipon. Wala man lang po akong mabili para sa sarili ko," sabi ko sabay ngiti ng pilit.
Bumuntong hininga si Aling Modta. "Eh ikaw naman kasing bata ka...bakit ibinibigay mo ang lahat ng sahod mo sa tiyahin mong adik sa tong its? Dapat nagtitira ka para sa sarili mo...hindi 'yong bigay ka nang bigay tapos ikaw itong nawawalan...."
Tumikhim at ako at saka tumingin sa kaniya. "Eh kasi naman po...hindi ko rin siya matataguan ng pera dahil alam niya kung magkano ang sahod ko. At isa pa, palagi niya kasing sinasabi sa akin na sa kaniya ano nakatira. Kaya dapat lang na magbigay ako. Eh tama naman po siya. Kung hindi ako nakatira sa kaniya ngayon, baka sa kalsada ako natutulog at pagala- gala..."
Malungkot na tumingin sa akin si Aling Modta. "Ang hirap ng sitwasyon mo, Monica. Malas mo lang talaga at nandiyan ka nakatira sa tiyahin mong adik na sa sugal at sugapa pa sa pera. Mabuti sana kung ginagamit niya sa tama ang pera eh. Pero hindi. Kaya nakakainis talaga. Hayaan mo, next week ay tataasan ko ang sahod mo. Bale ang gagawin ko, 'yong sahod mo lang dati ang ibibigay ko sa iyo. At ang sahod na itinaas ko ay itatabi ko para may pera kang sarili, okay ba?"
Napangiti ako ng matamis sabay tango. "Opo! Ayos na ayos! Salamat po, Aling Modta! The best po talaga kayo!"
May ngiti ako sa labi ng umuwi ako sa bahay ni Tiya Lolit. At kagaya ng palaging nakagawian, wala na naman ito sa bahay dahil nasa bahay ito ng kaibigan niya. At doon sila nagsusugal.
"Monica...kumain ka na. Nagtira ako ng ulam mo," sambit ni Stella na pinsan ko.
Siya ang panganay ni Tiya Lolit at magkasing edad lang kami. Dalawa lang silang magkapatid ni Jacob na nasa limang taong gulang pa. Magkasundo kaming dalawa. Mabuti na nga lang at mabait siya. Naiinis siya sa mama niya na panay ang sugal pero wala naman siyang magawa.
"Salamat, Stella. Eh ikaw ba? Kumain ka na? Si mama mo?" sabi ko sabay lakad patungong mesa.
"Kumain na ako, Monica. At saka hayaan mo si mama. Kainin niya ang baraha niya. Grabe na talaga siya. Talagang nagagawa na niya kaming pabayaan ni Jacob dahil sa pagsusugal niya. Parang wala na siyang pakialam sa amin. Kung nandito lang sana si papa, hindi kami ganito. Baka palagi silang nag- aaway ni mama dahil galit si papa sa pagsusugal ni mama eh," inis na sambit ni Stella.
Tumikhim ako at saka lumapit sa kaniya. "Hayaan mo na, Stella. Nandito naman ako. Ako na ang bahalang mag- asikaso sa inyo..."
Malungkot ang mata niyang tumingin sa akin. "Hindi mo nga dapat ginagawa ito eh. Ang pag- aasikaso sa amin. At pagbibigay ng pera dahil parang ikaw na ang bumubuhay sa amin. Nagtatrabaho ka para may panggastos tayo. Dapat si mama ang gumagawa niyan pero tingnan mo ang ginagawa niya. Puro na lang sugal. Ang sarap niyang layasan."
Hindi na lang ako umimik. Sa halip ay nagtungo na lang ako sa mesa at saka kumain. Habang si Stella naman ay inaasikaso ang kapatid niya. Bumuntong hininga ako. Hinihiling ko talaga na sana maging mayaman ako kapag lumipas na ang ilang taon para matulungan ko ang pinsan ko.
"Hayaan mo, Monica...makababawi rin ako sa iyo, soon. Kapag talaga yumaman ako, ikaw ang una kong tutulungan," nakangiting sabi ni Stella.
Nginitian ko rin siya. "Salamat, Stella. Hayaan mo, hindi naman palaging nasa ibaba lang tayo. Aakyat din tayo sa itaas soon."
Tumikhim si Stella. "Magpapakasipag talaga akong magtrabaho para kapag na- promote ako, mayroon na akong malaking sahod. Pero kung sakali man na wala, hindi palarin, baka maghanap na lang ako ng matandang malapit ng mamatay. Kahit na medyo mabantot na, sige lang para magkapera ako. Ayokong mamatay ng mahirap. Praktikal na lang talaga sa panahon ngayon."
Natawa ako sa sinabi ni Stella. Kahit ako ay naisip ko rin ang bagay na iyon. Gusto ko rin talagang yumaman. Kaso alam kong hindi iyon magiging madali kaya may paraan akong naisip at iyon ay ang pag- aasawa ng mayamang matanda na malapit ng mamatay.
"Ganoon nga rin ang naisip ko. Wala namang masama doon eh. Basta aalagaan mo naman iyong tao na iyon. Kung sakali na makahanap ako ng ganoong tao, syempre aalagaan ko siya at aasikasuhin. Kahit na talagang pera lang ang habol ko. Kaysa naman magbenta tayo ng laman, 'di ba?" nakangising sabi ko.
Tumango si Stella. "Oo tama. Mas okay na talaga 'yon. At saka marami na ang gumagawa niyan sa panahon ngayon. Unahan na lang talaga makahanap ng matandang mayaman. Sana talaga makahanap na ako para instant yaman na tayo!"
"Makakahanap tayo niyan. Tiwala lang. Kaya nga sa ngayon, subukan na nating magkaroon ng nobyo para bago tayo mapunta sa mabantot na matanda, eh nakatikim na tayo ng guwapong mabango," sabi ko sabay hagikhik.
Tumawa rin si Stella. "Sabagay may point ka nga naman. Mas okay na makatikim tayo ng malaki at maugat na hotdog mula sa guwapong lalaki dahil kapag napunta na tayo doon sa matanda, mabantot na talaga 'yon kasi mapanghe na..." aniya sabay tawa ng malakas.
Natawa na rin ako. Wala pa kasi kaming nagiging nobyo. Siguro dahil marami kaming pinagkakaabalahan. Pero marami naman ang nanliligaw sa amin. Hindi lang naman ito pinapansin dahil bukod sa tambay ang mga ito, mga pangit pa. Lugi kami.
Nang matapos kong kumain ay naisipan kong magpahangin muna sa labas. Naglakad- lakad ako dahil gusto kong makapag- relax. Hindi pa naman kasi ako inaantok. At habang naglalakad ako, may narinig akong ingay sa 'di kalayuan. At nagmumula ito sa talahiban. Puro mga lupain kasi dito dahil hindi pa natatayuan ng kung ano- ano. Maraming talahiban at palayan. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong sundan ang ingay na nagmumula kung saan. At sa aking paglalakad, nakita ko ang isang lalaking may hawak na baseball bat at pagkatapos ay inihampas sa ulo ng lalaking nakaluhod sa kaniyang harapan.
"Bagay lang sa iyo 'yan! Masyado kang paepal sa buhay. Sinabi ko naman sa iyo, 'di ba? Wala kang panama sa akin! Pero dahil nagtatapang- tapangan ka, sige. Pagbibigyan kita at ito na nga ang napala mo..." sabi ng lalaking mayroong matipunong katawan.
Bakat na bakat ang matipunong katawan nito dahil sa suot niyang shirt. Nagtawanan ang dalawang lalaking kasama niya. Habang ako naman ay inaaninag ang mukha nila. Tanging flash light lang kasi ang ilaw nila doon at madilim pa sa paligid kaya hindi ko sila makita.
"Aray!" daing ko nang may kumagat sa akin na kung anong insekto.
"Tang ina may tao, Wilder!" sigaw ng isang lalaki.
Nanlaki naman ang mga mata ko kaya kaagad akong umalis sa pinagtataguan ko. Kasabay no'n ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Pota habulin natin!" rinig kong sigaw ng isa.
Sa takot ko ay mabilis akong tumakbo nang hindi na lumilingon sa kanila. At pagkatapos ay nagtago ako sa malaking puno. Hinihingal akong nagtago doon at saka tinakpan ang aking bibig. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisisi kung bakit naisipan ko pang lumabas. Naging tahimik na sa paligid kaya akala ko wala na sila. Wala ng humahabol sa akin. Pero nagkamali ako. Akma na sana akong lalabas sa pinagtataguan ko ng biglang may humila sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa taong humila sa akin pero hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim. Matangkad siya. Hanggang dibdib niya lang ako at malaki ang kaniyang katawan. Binalot ako ng matinding takot sa mga oras na iyon lalo na nang ilapit niya sa akin ang kaniyang mukha.
"Huli ka ngayon..." baritong boses niyang sabi bago ako tinakpan ng panyo sa ilong dahilan para mawalan ako ng malay.