Kabanata 6

1618 Words
Monica's P.O.V. Malungkot kong pinagmasdan ang dati kong tinirahan. Wala na doong natirang kahit anong gamit ng tiyahin ko. Hindi ko maiwasang maiyak dahil basta na lang nila akong iniwan. Alam kong gustong magpaalam sa akin ni Stella ngunit hindi niya nagawa dahil nagmamadaling umalis si tiya Lolit. "Monica...huwag ka ng malungkot diyan. Halika na doon sa bahay. Ayusin mo na ang mga gamit mo. At least sa bahay, maganda ang kuwarto mo. Malawak at malinis. Mas makakatulog ka ng maayos. At hindi ka na magugutuman pa sa bahay. Tutal tayong dalawa lang naman ang nandoon, ituring muna akong mama mo, okay?" Naiiyak akong ngumiti. Mabuti na lang talaga at mayroon pa akong katulad ni aling Modta. Na kahit balahura ang bunganga ay ramdam ko naman na may pakialam siya sa akin. Na mahal niya ako. Hindi katulad ng tiya Lolit ko na kamag- anak ko nga pero wala namang amor sa akin. "Maraming salamat po, aling Modta. Salamat dahil ayos lang sa inyo na tumira ako," naiiyak kong sabi. Ngumiti naman siya. "Alam mo, Monica...dati ko pa talaga gustong ampunin ka dahil naaawa ako sa kalagayan mo. Pero hindi ko lang masabi sa iyo dahil baka magalit 'yang tiyahin mo. Pero ngayong wala na siya, dito ka na sa akin. Huwag kang mahihiya, okay? Kahit anong gusto mo ay magsabi ka lang sa akin. Mabuti na nga rin ang ganito dahil malaya ka na sa tiya mong sugarol. Mahahawakan mo na ng buo ang sahod mo. Makabibili ka na ng mga damit, pagkain at kung ano- ano pang gusto mong bilhin. Huwag ka ng malungkot pa diyan." Sumunod na ako kay Aling Modta. Hindi ko maiwasang mapanganga sa ganda ng kuwarto ko. Malawak ito at malinis. Napangiti ako nang maupo ako sa malambot na kama sa kuwarto ko. Sa buong buhay ko na nakatira kay tiya Lolit, ni minsan ay hindi ako nakatulog sa malambot nilang kama. Mayroon lang akong manipis na kutson sa kuwarto ko. At iyon ang nagsisilbing kama ko. "Hays..." sambit ko at saka nahiga na sa kama. Nakangiti akong nakatingin sa kisame. Masarap pala sa pakiramdam ang mahiga sa malambot na kama. Nakaaantok kaagad. Hindi masakit sa likod. Masarap matulog. Nakarinig ako ng tatlong beses na pagkatok sa pinto ng aking magiging kuwarto. Kaagad kong binuksan iyon at nakangiting bumungad sa akin si Aling Modta. "Kumain na tayo, Monica. Nakahanda na ang pagkain sa mesa," nakangiting sabi sa akin ni aling Modta. "Maraming salamat po," sagot ko at saka sumunod na sa kaniya. Magana akong kumain. Hindi ko na lang iniisip ang pag- iwan sa akin ng tiya Lolit ko. Iniisip ko na lang na mas okay na nandito na ako kay Aling Modta dahil magiging mas maayos pa ang buhay ko. Mas malaya ako. At hindi na ako muling magtitinda pa ng basahan sa simbahan. "Kumusta ka naman, Monica? Huwag mo ng isipin pa ang tiyahin mo, okay? Nandito naman ako. Magsasaya na lang tayong dalawa sa bahay na ito. Pero minsan...baka magpunta dito ang jowa ko," sambit ni Aling Modta sabay hagikhik. Namilog ang mata ko. "May jowa ka po, Aling Modta?" Mabilis siyang tumango. "Oo. Sinagot ko na iyong sinasabi ko sa iyo na palagi kong ka- video call. Iyong mukhang may lahi pero pinoy siya. Kinikilig nga ang kepyas ko. Nasasabik na akong makatikim ulit ng malaking talong at santol. Nasasabik na akong masundot, Monica!" Halos mabilaukan ako sa sinabing 'yon ni aling Modta. Hindi ko talaga kinakaya ang mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ay mahahawaan ako ng pagiging balahura ni aling Modta. "Huwag ka namang masamid diyan. May asim pa ako, Monica. Kita mo naman na palagi akong nagpapaganda, 'di ba? Kompleto ang skin care ko. Araw- araw pa akong naglo- lotion para makinis ang balat ko kapag hinaplos ako. Kung sakaling makarinig ka ng ingay sa kuwarto ko, hayaan mo na lang, ha? Baka kasi sa mga oras na iyon ay nakikipagdigmaan ako sa kama," aniya sabay tawa ng malakas. Natawa na lang din ako. Dinaig pa ako ni aling Modta na matanda na pero nagkajowa pa. Sabagay, maganda naman talaga siya at makinis. Kaya hindi rin malabo na maakit sa kaniya ang mga lalaking kaedad niya. "Dapat, Monica...magjowa ka na rin. Iyong si Wilder. Bagay kayong dalawa ng lalaking 'yon." Mahina akong natawa. "Magkaibigan lang po kami no'n. At saka malabong magustuhan niya ang isang babaeng katulad ko. Sinabihan niya pa nga ako ng maasim eh." Natawa naman si Aling Modta. "Eh bakit naman kasi hindi ka naligo? Malamang naamoy niya ang kaasiman mo kaya niya nasabi 'yon." Kumamot ako sa aking ulo. "Eh kapag nagkikita kami, pauwi pa lang ako sa amin at pagod ako. At saka, hindi talaga ako magugustuhan ng lalaking 'yon. Tumango- tango si Aling Modta. "Sabagay, halata sa itsura niya na tipo niyang babae eh iyong mga wild. Kumbaga, 'yong mga babaeng masyadong malakas ang loob na magsuot ng revealing na damit. Na kulang na lang eh makita ang u***g nila." Tumikhim ako. "At saka hindi ko rin tipo ang katulad ni Wilder. Mukhang playboy eh. Baka mamaya kapag nakuha na niya sa akin ang pinakaiingatan ko, iiwan na lang niya ako kaagad. Kawawa naman ako, 'di ba?" "Sabagay tama ka....masyado kasing guwapo ang lalaking 'yon. Malamang maraming babae ang nahuhumaling sa oten niya. Nasasabik ang mga ito na matikman ang malaking niyang oten. Pero huwag kang mag- alala, marami pa namang lalaki diyan na guwapo rin at mayroong malaking oten. Magtiwala ka lang at matatagpuan mo rin ang lalaking 'yon," sambit ni Aling Modta sabay kindat. Natawa naman ako. "Ayos na po sa akin kahit na hindi ganoon kaguwapo basta mahal ako. At saka hindi ko naman po gusto ang lalaking malaking oten eh. Kahit na hindi ganoon kalaki, basta mahal ako ay ayos na." "Hay naku, Monica...iba pa rin kapag malaki ang oten. Mas magbibigay ligaya ito sa iyo sa kama. Maniwala ka sa akin, mas masaya kapag gifted ang lalaking para sa iyo. Kaya mamili ka rin ng malaki. Dahil sa isang relasyon, kailangan ng satistaction pagdating sa kama," nakangising sabi niya. Natawa na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Sa totoo lang kasi...para sa akin ay nakakatakot din ang malaking oten. Baka mamaya mawasak ng bongga ang kepyas ko no'n kapag masyadong malaki ang oten ng lalaking para sa akin. Ayos na ang katamtaman ang laki basta magaling namang bumayo. At dahil naninibago pa ako, hindi kaagad ako nakatulog. Nagpaalam ako kay aling Modta na tatambay muna ako sa labas ng bahay niya para magpahangin sa labas at magpaantok na rin doon. Pagkalabas ko ng bahay ni aling Modta, nagkalat ang mga chismosa sa labas. Buhay na buhay pa rin ang mga ito kahit na gabi na. Walang katapusan na chismisan. Hindi na napagod ang mga bibig niya kakachismis. "Bakit nag- iisa ka dito?" Muntik na akong matumba mula sa kinauupuan ko nang biglang lumitaw si Wilder. Napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa gulat. "Ano ba? Papatayin mo ba ako sa gulat? Bakit bigla- bigla ka na lang lilitaw at magsasalita? Multo ka ba?" inis na tanong ko sa kaniya. Tumawa naman siya. Labas ang maganda niyang ngipin. Pantay- pantay ang mapuputi niyang ngipin. Na akala mo model ng toothpaste. Tumayo siya sa harapan ko. '"Pasensya na. Hindi ko naman sinasadyang gulatin ka. Napadaan lang ako dito dahil may pinuntahan akong tao na malapit lang din dito," wika niya sabay hawak sa kaniyang baywang. Tumaas naman ang kilay ko. "Pinuntahan na tao? At ano naman ang ginawa mo sa taong 'yon? Binugbog mo na naman?" Humaba ang nguso niya. "Ha? Anong binugbog? Sira! Wala pa akong binubugbog sa ngayon. Wala pang bumabangga sa akin. Kapag mayroon man, siguradong patay sa akin. Bugbog talaga ang aabutin niya," mayabang niyang sabi. Inirapan ko siya. "Ikaw ayusin mo nga 'yang buhay mo. Hindi porke mayaman kang tao, nagagawa mo na lahat ang gusto mo. Na nananakit ka na ng ibang tao. Ang sama mo. Kawawa ka talaga kapag dumating ang karma sa buhay mo." Tinawanan niya ako. "Kung makapagsalita ka naman diyan, akala mo alam mo na ang lahat. Hindi naman ako basta na lang nambubugbog ng isang tao. Ang mga binubugbog ko naman ay iyong may mga atraso sa akin. Iyon bang kinakalaban ako." "Tsk. Ang yabang mo. Hindi ba puwedeng idaan sa usapan? Kaysa bugbugin mo sila?" mataray kong sabi. Umiling siya. "Hindi puwede eh. Kailangan talagang makatikim sila ng bugbog para matakot sila at magtino. Iba pa rin kasi kapag nakatikim ng bugbog ang isang tao. Lalo na kapag malupit na bugbog ang naranasan niya. Eh ako pa naman, hindi naman sa pagmamayabang, kinatatakutan ako ng mga tao sa amin. Dahil talagang aabutin sila sa akin." Napairap ako sa hangin. Bilib din ako sa kayabangan ng lalaking 'to. Akala mo kung sino. Bigla tuloy akong nairita sa pagmumukha niya. Parang ang sarap niyang sipain sa pagmumukha. Hindi ko nga alam kung bakit pa nagpupunta dito ang lalaking 'to. Siguro kulang sa pansin kaya dito sa akin nagpapapansin. Eh sakit lang naman siya sa ulo dahil mayabang siya. "Oh bakit hindi ka na nakapagsalita diyan?" nakangising sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi na ako makapagsalita dahil masyado ng mahangin. Grabe ang hangin! Nakakatangay!" Malakas siyang tumawa. "Well...nagsasabi lang ako ng totoo." Mariin akong napapikit sabay tingin sa kaniya. Habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin. Napangiti ako nang makaisip ako ng kapilyuhan. "Hala, Wilder! May white lady sa likuran mo!" malakas kong sigaw sabay tayo. Nanlaki naman ang mata niya. "Ano? Saan!" malakas niyang sabi sabay yakap sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa takot kaya naman malakas akong natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD