Kabanata 4

1622 Words
Monica's P.O.V. Halos sumakit ang tiyan ko sa dami ng pagkaing in- oder para sa akin ng lalaking 'to. Wilder pala ang pangalan niya. Pangalan pa lang, halata ng playboy. Napatingin ako sa labi niya na may sugat. Hindi ko maiwasang makonsensya dahil sa ginawa kong pagkagat. Medyo may pagka-obob din ako sa part na 'yon. Pero kasi naisip ko na sayang naman ang pagkakataon, 'di ba? Minsan lang ako makakita ng guwapo. Minsan lang talaga as in. Kaya talagang sinulit ko na. At saka hindi na rin siya lugi sa akin dahil sa kaniya ko binigay ang first ko. Huwag na siyang mag- inarte diyan. "Ano? Nabusog ka ba?" tanong niya sa akin nang maubos ko ang pagkain sa mesa. Tumango ako sabay punas ng dumi sa aking bibig. Nakatingin lang siya sa akin. "Oo. Busog na busog. Maraming salamat pala. Alam mo bang ngayon lang ulit ako nabusog ng ganito? Ang sarap para sa pakiramdam na mabusog. Pero kahit na hindi naman ako palaging nabubusog, hindi naman ako payat. Sexy ako." "Eh bakit naman hindi ka nabubusog? Binibigay mo yata ang lahat ng kita mo sa tiyahin mong sugarol eh," kunot noong sabi niya. Napakagat labi ako. "Eh ganoon talaga. Sa kaniya ako nakatira eh. At saka...alam niya ang sahod ko. Kaya iyong kinikita ko sa karinderya, sa kaniya lang din napupunta. Pero ayaan na, aalis na rin ako sa kan'ya kapag nakaipon ako." Bumuntong hininga siya. "Masyado ka namang mabait. Pero 'yang pagiging mabait mo, hindi na tama. Katangahan na 'yan. Masyado kang nagpapakaalipin sa taong hindi naman kamag- anak ang turing sa iyo. Katulong lang yata ang tingin niya sa iyo eh." Napakagat labi ako. Medyo may punto ang sinabing iyon ni Wilder. Pero anong magagawa ko? Wala naman akong maipagmamalaki sa Tiya Lolit ko. Kahit na hindi maganda ang trato niya sa akin, kahit na medyo nahihirapan talaga ako sa kaniya, siya pa rin ang nagpatuloy sa akin sa bahay nila. Na kung hindi niya ako pinatira sa kanila, baka sa lansangan ako nakatira ngayon. Sa lansangan ako natutulog. "Huwag ka ng magsalita pa diyan, Wilder. Wala ka naman sa posisyon ko eh. Hindi mo alam kung bakit ako nagtitiis. Kahit na hindi maganda ang buhay ko sa kaniya, siya pa rin ang nagpatira sa akin sa bahay nila. Kaya nga ang gagawin ko na lang, mag- iipon na nga lang ako ng pera para makaalis na ako doon at bumukod," wika ko sabay tingin kay Wilder. Bakas sa mukha niya ang inis dahil hindi naman siya nakangiti. Nakakunot lang ang noo niyang nakatingin sa akin. "Ewan ko sa iyo. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo," walang gana niyang sabi. Tumikhim ako. "Ewan ko ba kung bakit ang daming dumating na problema sa buhay ko eh hindi ko naman in- order ang mga problemang 'yon. Ikaw ba, may problema ka ba? Gusto mo bang bigyan kita?" nakangising sabi ko. "Sira ulo. Sa iyo na 'yang problem mo. Solohin mo," aniya sabay tingin sa ibang direksyon. Natawa ako. "Grabe naman 'to! Akala ko pa naman mabait ka. Pero bakit mo pala ako nilibre? Anong mayroon? Nakonsensya ka ba sa ginawa mong pag- kidnap sa akin?" pag- iiba ko ng usapan. Tumingin siya sa akin. "Hindi. Naisip ko lang kasi na baka balikan mo ako. Dahil nakatira ka sa probinsyang 'to, malamang sa malamang ay may lahi kang aswang." Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Ako? May lahing aswang? Sa ganda kong 'to may lahi lang pala akong aswang para sa lalaking 'to? Anong klaseng utak kaya ang mayroon itong si Wilder? Parang abnoy eh! Sayang ang guwapo kung abnoy pala! "Wow naman! Wow talaga grabe. Abnoy ka ba? At sino ka naman para sabihan ako ng may lahing aswang? Eh kung sipain kaya kita sa mukha nang malaman mong walang magandang aswang na katulad ko!" sabi ko habang nanlalaki ang mata. Ngumisi siya. "Mapanlinlang ang mga aswang. Magaganda sila. Kaya naaakit ang mga kalalakihan at kakainin nila." Malakas akong natawa. Hindi ko akalain na naniniwala sa mga aswang ang isang kagaya niya. Wala sa mukha niya ang naniniwala sa gano'n. Mukha siyang barumbado na guwapong playboy. Basta. Wala talaga sa mukha niya ang naniniwala sa ganoon kaya bakit ganito na lang siya? Takot ba siya aswang? "Seryoso ka ba diyan sa mga sinasabi mo?" natatawang tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Oo bakit? Mukha ba akong nagbibiro? Nakikita mo ba sa mukha ko na nagbibiro ako?" Natawa akong muli. "Abnoy ka talaga. Naniniwala ka sa aswang? Sa itsura mong 'yan? Naniniwala ka doon? Ang laki- laki ng katawan mo tapos naniniwala ka sa mga ganoon? Baka pati sa multo naniniwala ka?" Bumuntong hininga siya. "Totoo sila. Ayon kay lola ko, totoong may ibang elemento dito sa mundo. Kaya ikaw, maniwala ka lalo na't nasa bundok ka nakatira. Mga lugar ng aswang 'yan," seryosong sabi niya sabay kamot sa noo. "At isa pa, totoo rin ang multo. Dahil sabi ng lola ko, kapag namatay tayo, nandito lang ang kaluluwa natin sa mundo lalo na kung hindi sigurado na sa langit ba talaga ang diretso." Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya. Hindi ko lang kasi talaga inaasahan na ang isang katulad niya ay naniniwala sa mga ganoon. Ako rin naman ay nakuwentuhan ni Aling Modtalina tungkol doon. Na noong nagbubuntis siya, inaswang daw siya. At maraming beses na rin daw siyang nakakita ng multo. Pero ako kasi ay hindi pa nakakakita ng multo o nakakaramdam na may aswang kaya hindi ako naniniwala. Siguro laking probinsya itong lola ni Wilder kaya ganoon ang mga kuwento sa kaniya. "Okay sige. Sabi mo eh. Ikaw na ang the best," pang- aasar ko sa kaniya. Nagulat ako ng pitikin niya ako sa noo. Hindi naman ito ganoon kasakit. "Umayos ka nga! Seryoso ako sa sinasabi ko bakit parang hindi ka naniniwala? Nakatira ka sa bundok na 'to pero hindi ka naniniwala?" Nginisihan ko siya. "Oo nga nakatira ako sa bundok na 'tong sinasabi mo pero wala naman akong experience sa mga 'yan. At saka tigil- tigilan mo ako sa pagsasabi mo na isa akong aswang o may lahi, ha? Baka sipain na talaga kita diyan." "Ewan ko sa iyo. Siya nga pala, ito ang bayad ko sa basahan mo," wika niya at saka inabot sa akin ang ilang libong pera. Namilog ang mata ko. "Ha? Ang dami naman 'yan! Two hundred pesos lang ang lahat ng basahan ko. Eh nasa limang libo yata 'to eh!" Ngumisi siya. "Kunin mo na bago pa magbago ang isip ko. Bumili ka ng maayos mong damit. Panty mo o bra. Baka mamaya eh ang mga underware mo sobrang luma na at butas- butas pa." Humagikhik ako. "Hala paano mo nalaman? May butas na nga sa gitna ang panty ko. Kaya sumisingaw talaga ang aking kepyas." Nanlaki ang mata niya kasabay ng pamumula ng kaniyang mukha. "Ano ba? Sira ulo ka bang talaga? Kababae mong tao sinasabi mo pa sa akin 'yan?" Humaba ang nguso ko. "Ha? Anong masama eh totoo naman? Ang galing mo nga kasi nahulaan mo na luma na ang panty at bra ko na may butas pa. Ang galing mo kaya!" Nag- iwas siya ng tingin kasabay ng pag- igting ng panga niya. Napalunok ako ng laway at hindi maiwasang humanga sa pag- igting ng kaniyang panga. Sa palabas ko lang kasi nakikita ang ganoong senaryo. Na umiigting ang panga ng isang guwapong lalaki. "Hoy! Huwag mo akong masyadong titigan diyan dahil nakakatakot ka. Baka mamaya eh kinakain mo na pala ako sa isip mo," seryosong sabi ni Wilder. Napatawa na naman ako sa sinabi niya. "Abnoy ka na ngang talaga. Tinitigan ka lang, kung ano- ano na ang inisip mo. Ayos ka lang ba? Baka mamaya nababaliw ka na, ha? Alam mo, ang mabuti pa ay ihatid mo na ako kay Aling Modta para makapagtrabaho na ako doon ng maaga. Tutal wala naman na akong basahan na ibebenta eh. Iaabot ko na rin kay Tiya Lolit ang pinagbentahan ko." Tumingin siya sa akin. "Five hundred pesos lang ang ibigay mo doon at itago mo 'yang iba. Huwag kang tanga. Isipin mo na masasayang lang 'yan kapag sa sugal niya ginamit. Kaya gamitin mo utak mo." Sinamaan ko siya ng tingin. "Grabe ka naman kung makapagsalita diyan! Gusto mo bang kagatin ulit kita, ha?" pananakot ko sa kaniya. Napaatras naman siya sabay lunok ng laway. "Tumigil ka nga! Halika na. Ihahatid na kita sa Aling Modta mo," aniya sabay tayo. Nakangiti lang ako habang nasa sasakyan hanggang sa nakarating kami sa karinderya ni Aling Modta. Sa isip ko kasi, ang sarap pa lang magkaroon talaga ng sasakyan. Tamang aircon lang sa loob with sound trip pa. "Salamat, Wilder. Sa uulitin, ha?" ani ko bago lumabas ng sasakyan niya. "Oh! Monica! Ang aga mo, ha? Teka...kaninong sasakyan 'to?" tanong ni Aling Modta sabay tingin sa sasakyan ni Wilder. Lumabas naman sa kaniyang sasakyan si Wilder at saka nginitian si Aling Modta. "Hello po, Aling Modta. Ka...kaibigan po ako ni Monica. Hinatid ko po siya dito dahil mag- work na siya." Pilyang ngumisi si Aling Modta at saka tumingin sa akin. "Ikaw, Monica ha! May kaibigan ka pala na napakaguwapo! At malaki pa ang katawan! Magaling ka ring pumili ng kaibigan. Sigurado akong malaki rin ang alaga nitong kaibigan mo." Nanlaki ang mata ko sabay tingin kay Wilder na nagulat sa sinabi ni Aling Modta. "Aling Modta naman! Ang bad mo!" suway ko sa kaniya. Humagikhik si Aling Modta. "Aba'y bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, Monica. Ang datingan ng lalaking 'to eh magaling at bihasa sa pagsundot! Naku mag- ingat ang kepyas mo baka mawasak!" Sa mga oras na 'yon, gusto ko na lang maglahong bigla. Hindi ko kinakaya ang sinasabi ni Aling Modta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD