Wilder Jackson's P.O.V.
"Anong nangyari sa labi mo, Wilder? Bakit may sugat?" tanong sa akin ng pinsan kong si Shaun.
Huminga akong malalim at saka tiningnan sa salamin ang sugat ko sa labi. Buwisit na babaeng 'yon! Tao ba 'yon? Akala ko ba gusto niyang mahalikan pero bakit niya ako kinagat sa labi? Teka... tutal parang bundok naman ang lugar nila, hindi kaya siyang aswang? Maraming kuwento ang lola ko sa akin tungkol sa mga aswang na nakatira raw sa bundok o mga probinsya. Hindi kaya isa ang babaeng 'yon sa sinasabing aswang?
"Hoy, Wilder! Kinakausap kita! Anong nangyari sa iyo? Bakit ba may sugat ka sa labi? Nakipag- away ka na naman ba?" natatawang sabi ni Shaun.
Tumikhim ako. "Huwag ka ng maraming tanong pa. Ayos lang ako. Sugat lang 'to sa labi. Parang hindi ka naman nasanay sa akin."
Tumawa siya sabay kamot sa kaniyang batok. "Sabagay, sanay na pala akong makitang may mga bangas ka. Nga pala, 'di ba sabi mo kinidnap mo 'yong babaeng nakakita sa atin sa talahiban? Nasaan na siya? Anong ginawa mo? Ginahasa mo ba o ano?"
Matalim ko siyang tiningnan. "Anong akala mo sa akin? Rapist? Hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil ang babae na ang kusang bumubuka para sa akin," mayabang kong sabi.
Malakas siyang tumawa na akala mo wala ng bukas. Masyado talagang masayahin ang pinsan kong ito.
"Grabe! Napakaguwapo at sarap mo talaga insan kaya walang babae ang hindi bubuka sa iyo!" pang- aasar niya sa akin.
Ngumisi ako. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Walang babae ang hindi bumibigay sa akin. Madalas nga na sila na ang nag- o- offer ng sarili nila sa akin. Kaya sino ba naman ako para tumanggi? Pero syempre, pinipili ko pa rin ang babaeng sa tingin ko, malinis. Hindi naman ako basta bumibira ng babae dahil baka may sakit ito at mahawa pa ako.
"Hindi ko alam kung may pagkabaliw ang babaeng 'yon. Kaya binalik ko na sa kanila. At isa pa, baka mamaya may sa maligno ang babaeng 'yon o 'di kaya asawang. Nakita mo naman ang lugar nila, parang bundok na. Puro malalaking puno pa ang nandoon at talahiban, mahirap," walang gana kong sabi.
Tumawa naman si Shaun. "Naniniwala ka pala sa mga ganoon, insan? Pero sabagay, palaging ikinukuwento sa atin 'yon ni lola. Paano kaya kung talagang totoo 'yon 'no? 'Yon bang may mga magagandang babae diyan tapos aswang pala? Tang na! Iyak tawa talaga ako kapag may nakasiping ako na babae tapos aswang pala! At kinagat ang etits ko!"
Bigla akong natawa sa sinabi niyang 'yon. "Kaya ikaw, umayos ka. Hindi porke maganda o sexy ang babae, sige sundot ka rin. Piliin mo rin ang tamang babae dahil mahirap na. Hindi lang tayo ang nakatira sa mundong 'to," babala ko sa kaniya.
Tumawa lang siya. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung naniniwala siya sa sinasabi ko. Pero isa lang ang masasabi ko, totoo ang mga 'yon at si lola ang nagpapatunay no'n sa aming magpipinsan. Sayang lang at wala na si lola. Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang mga kuwento niya sa amin tungkol sa mga kababalaghan.
KINABUKASAN, hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising. Basta, bigla na lang akong naalimpungatan kaya bumangon na ako. Pagkababa ko ng hagdan, muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko nang biglang sumulpot ang kasambahay ko. Hindi ako natakot sa biglang pagsulpot niya, natakot ako dahil nakita ko ang mukha ng babaeng 'yon sa kan'ya.
"Ay pasensya ka na, Wilder kung nagulat kita. Hindi ko napansin na papalalabas ka na pala ng kuwarto mo," sabi ni nanay Pakbet.
Matagal na naming kasambahay si nanay Pakbet. Parang lola ko na nga rin siya. Bata pa lang ako ay kasambahay na ng pamilya namin siya. Palagi niya akong kinakalaro noon. Tumanda na kasing dalaga si nanay Pakbet kaya naman wala na siyang ibang ginawa kun'di ang pagsilbihan ang pamilya namin. Sinabihan ko nga siya na mag- asawa na pero tumanggi siya. Sa edad na fifty three, wala na siyang balak na mag- asawa pa. Tama na raw sa kaniya ang nagkaroon siya ng nobyo noon. Kaya nang bumukod na ako ng bahay, sumama siya sa akin para maging kasama ko dito. At pagsilbihan ako. Napakasipag niya at maalaga pa. Kaya pakiramdam ko, may lola talaga ako. At isa pa, ang sahod niya ay binibigay niya sa mga pamangkin niya para makatulong.
"A- Ayos lang po, 'nay. Naduling lang din po siguro ako kaya 'di ko kayo nakita," sambit ko sabay kurap ng ilang beses.
"Mag- almusal ka na sa kusina. Nagluto na ako. Bago ka umalis, palagi kang mag- aalmusal, ha? Kahapon kasi hindi ka na naman nag- almusal," malambing niyang sabi sa akin.
Napayuko naman ako. "Pasensya na po, 'nay kung nakalimutan ko pong kumain. Sige po, 'nay, kakain na muna ako," sabi ko bago bumaba ng hagdan.
Habang kumakain ako, naisip ko bigla ang babaeng 'yon. Bakit kaya bigla na lang siyang nagpakita sa akin? Totoo nga kayang may sa maligno ang babaeng 'yon o ano? Pero sana naman wala. Dahil baka hindi niya ako patulugin pa. Baka palagi ko ng makikita ang pagmumukha niya.
Matapos kong kumain ay nagpalipas muna ako ng ilang oras sa kuwarto. Wala naman akong ibang gagawin pa dahil na bisita ko na ang mga branch ng negosyo ko kahapon. At lahat ng ito ay patuloy pa rin sa pagkita ng malaki. At habang nagkakalikot ako ng cellphone ko, naisip ko na naman ang babaeng 'yon kaya mariin akong napapikit.
"Hindi kaya...may galit sa akin ang babaeng 'yon? Mukhang kailangan kong humingi ng sorry sa kaniya para hindi na ako gambalain," bulong ko at saka bumango na.
At dahil naalala ko na kapag umaga nagtitindi siya ng basahan, hinanap ko ang simbahan malapit sa kanila. Nakita ko siyang nakaupo sa isang tabi at nag- aalok ng basahan. Lumabas ako sa aking sasakyan at saka mabagal na naglakad patungo sa kaniya. Nang may isang babaeng lumapit sa kaniya.
"Ano na, Monica? Ito pa lang ang benta mo eh malapit ng magtanghali? Anong klaseng pagbebenta ba ang ginagawa mo, ha? Magpa- cute ka kung kinakailangan para makabenta ka! Mangharot- harot ka nang makakuha ka ng mamili! Hindi 'yong paupo- upo ka lang dito! Tarantada ka! Talo na nga ako eh dagdag ka pang malas. Akin na ang pinagbentahan mo!" sigaw sa kaniya ng babae.
Napakagat labi si Monica at saka inabot sa babae ang pera. Binilang naman ng babae 'yon bago mabilis na umalis. Humingang malalim si Monica at napakamot na lang sa kaniyang ulo. Sino kaya ang babaeng 'yon? At bakit ganoon na lang ang trato niya kay Monica? Na inutusan niya pa itong mang- akit ng mamili?
"Hoy, Monica!" tawag ko sa kaniya.
Namilog naman ang kan'yang mata. "Oh! Ikaw pa kidnapper. Anong ginagawa mo dito at bakit alam mo ang pangalan ko?"
Tumikhim ako. "Narinig ko sa babaeng sinigawan ka. Sino ba 'yon? At bakit ganoon na lang ang trato sa iyo?"
Tipid siyang ngumiti. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot na hindi niya maitatago. "Ah...si tita Lolit. Tiyahin ko siya. Hayaan mo na 'yon. Ganoon talaga siya eh. Nasanay na lang ako."
"Ha? Nasaan ba ang mga magulang mo?"
Kumamot siya sa kaniyang ulo. "Wala na. Mag- isa na lang ako. Kaya sa kaniya ako tumira. Eh...wala, gano'n siya. Hinahayaan ko na lang dahil sa kaniya ako nakikitira."
Nagsalubong ang kilay ko. "Kamag anak mo pa lang talaga pero ganoon ang turing sa iyo? Anong klaseng tiyahin siya? Pinagtatrabahuhan mo ang pagtira mo sa kaniya kaya hindi ka dapat niya tinatrato ng ganiyan."
Alanganin siyang ngumiti. "Hayaan mo na. Kaunting panahon na lang din naman, aalis na ako sa puder niya. Sobra na rin kasi siya. Parang sa akin na inasa ang lahat. Mabuti na lang mabait ang anak niya at kasundo ko ito. Palagi siyang galit sa mama niya dahil nga sa parang inaasa na nga sa akin. Pero iniisip ko na lang na kaunting panahon na lang, makakaalis na rin ako sa bahay niya. Tutulungan ako ni aling Modta."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Ako? Aling Modta? The f**k? Pangalan ba 'yon?"
Agad siyang tumango. "Oo. Bakit? Modtalina kasi ang buong pangalan ni aling Modta. Iyong pinapasukan kong karinderya sa hapon hanggang gabi. Ayon...sa kaniya ko nararanasan na maging isang anak."
Gustong matawa sa sinasabi niya pero mukhang seryoso naman siya. Aling Modta? Modtalina? Anong klaseng magulang kaya 'yon para ganoon ang ipangalan kay aling Modta? Ang sagwang pakinggan!
"Pero maiba tayo, anong ginagawa mo dito, ha?" nakataas kilay na sabi niya sa akin.
Bumuntong hininga ako. "Bibilhin ko na ang lahat ng basahan na 'yan basta't sumama ka sa akin ngayon."
Namilog ang mga mata niya. "Ha? At saan mo naman ako dadalhin? Huwag mong sabihin na gagahasain mo ako!"
Tinawanan ko siya. "Ang kapal naman ng mukha mo! Ang asim- asim mo tapos iisipin mo na gagahasain kita? Ang kapal mo naman."
Humaba ang nguso niya. "Ah okay so naamoy mo pala ang kaasiman ko no'ng araw na 'yon. At least, ang maasim ako dahil sa trabaho! Masipag kasi akong tao! Mas okay na 'yon kaysa sa amoy putok, 'di ba? At saka, nawawala naman ang kaasiman ko kapag naligo na ako. Sadyang pinagpawisan lang ako no'ng araw na 'yon dahil tumakbo ako."
Napakamot ako sa ulo. "Ewan ko sa iyo! Halika na! Sumama ka na sa akin bago pa magbago ang isip ko at hindi ko bilhin lahat ng basahang paninda mo," pananakot ko sa kaniya bago naglakad patungo sa sasakyan ko.
"Oo na ito na nga nanginginig pa!" sigaw naman niya mula sa likuran ko.