Kabanata 2

1632 Words
Monica's P.O.V. Nagising na lang ako sa isang malambot na kama. Pinaikot ko ang paningin ko sa paligid at nanlaki ang mata ko nang mapagtantong wala ako sa bahay namin. Tatayo na sana ako ngunit natumba ako bigla dahil nakatali ang dalawa kong kamay sa kama. "Ay yawa! Bakit nakatali ang kamay ko?" sambit ko at saka pilit na inaalis ang kamay ko sa pagkakatali. Maganda ang kuwarto kung nasaan ako ngayon. Malinis at elegante ang disenyo ng paligid. Maraming mga kung ano- anong bagay sa kuwartong ito. Halatang mayaman ang may- ari ng kuwartong ito dahil na rin sa ganda ng itsura nito. Napatingin ako sa paa ko na may tali rin. Mas lalo akong naguluhan kung bakit ako nakatali. Hanggang sa maalala ko ang huling nangyari bago ako napunta dito. At ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Pumasok ang matangkad na lalaki at huminto sa harap ko. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa kaguwapuhan niyang taglay. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero sa tingin ko ay nasa thirty pataas na ang kan'yang edad. Tila umaapoy ang mga mata niyang tumingin sa akin at pagkatapos ay napangisi siya. "Gising ka na pala," wika niya habang nakatingin sa akin. Tumaas naman ang kilay ko. "Nakita mo namang nakamulat na ang mata ko, 'di ba?" mataray kong sabi. Mahina siyang tumawa. "Anong nakita mo?" tanong niya sa akin. Nagsalubong ang kilay ko. "Anong sinasabi mong anong nakita?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Tumikhim siya. Kitang- kita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple. Napansin ko rin ang maugat niyang kamay. Halatang sanay sa vitamin J ang lalaking ito. Araw- araw nagsasarili kaya tumangkad ng husto. "Anong nakita mo doon sa talahiban?" Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Nakita ko na hinampas mo 'yong lalaki. Bakit?" Tumango- tango siya. "Okay...tapos?" Kumunot ang noo ko. "Anong okay tapos? 'Yon lang naman ang nakita ko. Ano pa bang gusto mong sabihin ko?" Ngumisi siya. "Paano ako nakasisiguro na 'yon lang ang nakita mo?" Napangiwi ako. "Eh kasi nga kalalabas ko lang no'n ng bahay. Gusto ko lang magpahangin tapos nakarinig ako ng ingay kung saan. Doon na nga sa talahiban. Tapos ayon...tiningnan ko at nakita ko kayo. Pero hindi ko naman nakita ang mukha no'ng ibang lalaki at 'di ko nga rin nakita 'yo g mukha mo. At bakit tinakpan mo ako ng panyo sa ilong ko? At may pagganoon ka, ha? Kinidnap mo ba ako? Wala kang mapapala sa akin. Isa lang ako mahirap na nilalang. Isa lang ako mahirap na probinsya na walang kapera- pera. Wala kang mapapala sa isang katulad ko," mabilis kong sabi. Tumawa naman siya ng malakas. Naiisip ko tuloy na baka may saltik ang lalaking 'to. Sayang naman ang kaguwapuhan. Bigla akong napatingin sa mapupula niyang labi. Masarap kayang halikan 'yon? Hindi ko pa kasi nasusubukang mahalikan dahil wala naman akong nobyo. Pero siguro okay lang naman magpahalik sa lalaking 'to, 'di ba? "Well..wala naman talaga akong mapapala sa probinsyanang katulad mo. Ang sa akin lang, bakit tsismosa ka at kailangan mo pang tingnan kung ano ang nagaganap sa talahiban?" Kumunot naman ang noo ko at hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa lalaking ito. Ang kapal naman niyang sabihan ako ng chismosa! Hindi ko naman sinasadyang magpunta doon eh. Sadyang na- curious lang talaga ako kaya napatingin ako sa kanila. Kung makapagsalita ka naman ng tsismosa diyan! Hindi ba puwedeng nagtataka lang ako bakit may narinig akong ingay sa talahibane eh gabi na? Malay ko ba kung anong ginagawa niyong milagro doon. At saka wala naman akong pakialam kung anong gusto niyong gawin doon. At puwede ba, ha alisin mo na 'tong tali sa kamay ko! Bakit ba may pagtali- tali effect ka pa?" inis kong sabi sa kaniya. Tumikhim siya. "Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ako basta- bastang tao. N kapag nalaman kong sinabi mo ang tungkol sa ginawa ko, humanda ka sa akin. Humanda sa akin ng pamilya mo dahil sinasabi ko sa iyo.... hindi magandang kalabanin ako," seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko matapos niyang sabihin 'yon kaya naman bigla akong natawa. Nagulat naman siya sa pagtawa ko. Tinatakot ba ako ng lalaking 'to? Hindi porket guwapo siya ay kailangang matakot niya na ako. Matalim akong tumingin sa kaniya habang siya naman ay hindi ko alam kong matatawa ba o hindi. "Hoy, kung sino ka mang nilalang ka, akit may pagtakot effect ka diyan? Ano bang pakialam ko sa ginawa mo, ha eh hindi naman kita kilala? Hindi ba sinabi ko na nga sa iyo na wala akong pakialam. At saka kanino ko naman sasabihin ang ginawa mo? Sa pulis? Bakit, may ebidensiya ba ako? Eh 'di nagmukha akong tanga doon? Huwag kang sira ulo diyan. Sayang ang guwapo mo kung medyo may pagkatanga ka," sabi ko sabay iling. Natatawa siyang umiling. "Nakakatawa ka. Pero sa tingin ko naman hindi mo sasabihin ang nakita mo. At dahil diyan...sige umuwi ka na." Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hoy teka lang! Gano'n na lang 'yon? Papauwiin mo na lang ako ng basta eh hindi ko nga alam kung nasaang lugar ako? Ihatid mo kaya ako!" Tumingin siya ng masama sa akin. "Wow ang kapal naman ng mukha mo para ihatid kita." Pinandilatan ko siya ng mata. "Wow ka rin! Pisteng yawa ka pala eh bakit mo ko dinala dito tapos papauwiin mo akong mag- isa ng gano'n lang? Kung 'di ka ba naman timang eh bakit dinala mo pa ako dito! Ibalik mo ako sa amin dahil sa mga oras na 'to, wala ng sakayan doon. Nakita mo naman 'yong lugar doon 'di ba? Puro lupa, puro puno. Probinsyang- probinsya. At saka ano bang ginagawa mo doon sa lugar namin? Taga doon ka ba? Eh mukhang taga siyudad ka." Tumitig lang siya sa akin kaya naman nairita na ako. Ano ba ang lalaking ito? Tititigan na lang ba niya ako buong magdamag? "Ano na? Titigan na lang tayo dito? Sige sasabihin ko kung anong ginawa mo! Lalo na nakita ko na ang mukha mong nilalang ka!" Mariin siyang pumikit. "Okay fine...ihahatid kita dahil kawawa ka naman. Pero sa totoo lang dapat eh hindi na kita ihatid dahil mukhang kaya mo naman ang sarili mo." Sinamaan ko siya ng tingin. "Paanong kaya ko ang sarili ko? Ano? Maglalakad ako ng kahaba- haba? At saka maraming manyakis sa paligid! Baka mamaya kung ano pang gawin sa akin!" Bigla siyang natawa. "Bakit sa tingin mo ba gagahasain kanila?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa ganda kong 'to? Oo. Hindi porket nasa parang bundok ako nakatira eh wala nang masasabi ang mga tao doon. Magaganda't guwapo ang mga tao doon, sinasabi ko sa iyo. Kaya huwag kang mayabang diyan. Bilisan mo na! Ihatid mo na ako sa amin dahil hinahanap na ako at saka marami pa akong gagawin bukas. Magtitinda pa ako ng basahan sa simbahan para kumita ng pera." Kumunot ang noo niya. "Ha? Sa edad mong 'yan nagtitinda ka pa ng basahan sa simbahan?" "Oo bakit? Kaiilangan ba kapag ganitong edad hindi na magtitinda ng basahan? May edad ba pagtitinda ng basahan. Bilisan mo na kung sino ka mang nilalang! Ihatid mo na ako baka nag- aalala na doon 'yong pinsan ko!" pasigaw kong sabi sa kaniya. Mariing siyang pumilit at saka tinanggal na nang tuluyan ang mga tali sa kamay at paa ko. Napatingin ako sa kamay at paa ko na bahagyang namumula dahil sa higpit ng pagkakatali. Siguro inabot din ng isang oras ang naging byahe namin bago nakarating sa kanto kung saan ilang lakad na lang at makakarating na sa amin. At nang makarating na kami, napatingin ako sa kaniya. Bigla ko kasing naalala na kailangan ko pa lang makatikim ng halik mula sa guwapong nilalang na ito. "Ahm...puwede bang pa- favor?" sabi ko sabay kagat labi. Tumaas ang kilay niya. "Ano 'yon?" Ilang beses akong lumunok ng laway bago nagsalita. "Ah...eh...sa totoo lang kasi hindi pa ako nakakaranas na mahalikan ng isang lalaki. Puwede mo ba akong halikan? Tutal naisip ko kasi na guwapo ka. Kaya worth it kung sa iyo ko na lang ibibigay ang first kiss ko." Nanlaki ang mga mata niya. "Ha? Nababaliw ka na ba? At bakit naman kita hahalikan? Malay ko ba kung wala kang toothbrush!" Natawa ako. "Hoy! Mabango ang hininga ko dahil maalaga ako sa ngipin ko. Bilis na! Huwag ka ng maarte diyan. Para lang ma- try ko kung anong pakiramdam na mahalikan." Ngumuso ako at saka inilapit ang mukha ko sa kan'ya pero itinulak niya ako. "Tumigil ka nga! Baliw ka ng babae ka! Umalis ka na dito! Bumaba ka na ng sasakyan ko!" pasigaw niyang sabi sa akin. Bumuntong hininga ako. Hindi ako makapapayag na hindi ako makakaisa sa lalaking 'to. Minsan lang ako makakita ng guwapo. Dahil sa lugaf naming ito ay wala namang guwapo dito. Kaya naman bago pa siya lumingon ay kaagad kong hinawakan ang ulo niya at saka hinalikan siya. Hindi ko sinasadyang makagat ang labi niya dahil hindi ko naman alam humalik. Kaya naman napasigaw siya ng malakas. "Baliw ka!" sigaw niya habang nakatingin sa akin ng masama. Mayroon akong nalasahan na kalawang sa labi ko na marahil ay dugo niya. Sa takot ko ay kumaripas ako ng takbo at hindi na lumingon pa. Hindi ko inaasahan na sa pagtakbo ko ay masasalubong ko si Aling Modta. "Oh, Monica. Anong ginagawa mo dito? Gabi na bakit nandito ka pa sa labas? At bakit hingal na hingal ka? May ginakbuhan ka ba?" takang tanong ni Aling Modta. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kan'ya. "May kinagat po kasi akong tao..." Nanlaki ang mata ni Aling Modta. "Ano? Bakit mo kinagat ang tao? Ano ba nangyari sa iyo, Monica? Zombie ka na ba?" gulat na tanong sa akin ni Aling Modta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD