Wilder's P.O.V.
Hindi kaagad ako nakatulog kagabi dahil sa Monica na 'yon. Tinakot ba naman kasi niya ako sa multo. Oo malaki ang katawan ko at lalaki ako pero takot talaga ako sa multo. At kasalanan ito ng lola ko dahil palagi siyang nagkukuwento sa amin ng mga kababalaghan. Kaya tuloy lumaki na lang ako na takot sa multo.
"Ano? Nakatulog ka na ng maayos?" tanong sa akin ni Shaun.
Dito kasi nakatira sa akin si Shaun. Sa bahay ko. Ako lang kasi ang nakatira sa malaki kong bahay. Nagbibigay na lang siya ng ambag sa bahay kong ito katulad ng siya ang nagpapasuweldo sa isang kasambahay dito at ako naman sa isa. Sa laki kasi ng bahay ko, kailangang dalawang kasambahay ang nagpapanatili ng kalinisan nito.
"Medyo lang. Buwisit na babaeng 'yon. Tinakot ako. Sira ulo talaga," sambit ko at saka nagtungo sa kusina.
Nakahnada na ang almusal naming dalawa kaya nagsandok na ako ng pagkain ko. At ganoon din naman si Shaun.
"Eh bakit ka pa kasi nagpupunta sa lugar na 'yon? Eh kita mo naman ang itsura doon. Hindi masyadong magkakalapit ang mga bahay. Malalaki ang mga lupa ng bawat bahay doon at mapuno pa. Halatang maraming maligno doon at mga elemento," sambit naman ni Shaun bago kumain.
Tumikhim ako. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit naisipan ko pang magpunta doon. Siguro dahil na rin sa babaeng 'yon. Ewan ko ba pero interesado ako sa kaniya. Parang gusto siyang makilala. Lalo na't naaawa ako sa kalagayan niya. Hindi ko rin alam sa kaniya kung paano na nagagawang magtiis sa tiyahin niyang sugarol. Tapos ngayon, basta na lamang siya iniwan nito. Walang kuwentang tiyahin.
"Hoy, kinakausap kita. Ano bang dahilan mo para magpunta pa doon? Dahil ba kay Monica? 'Yong sinasabi mong may lahing aswang?" natatawang sabi niya.
Tumingin ako sa kaniya. "Wala siyang lahing aswang. Mukha lang. Actually nakakaawa ang babaeng 'yon. Alipin kasi ang turing sa kaniya ng tiyahin niya. Isipin mo, ang tanda- tanda na niya para magbenta ng basahan sa simbahan. Tapos nagtatrabaho pa siya sa karinderya mula hapon hanggang gabi."
Ngumisi siya. "Wow! Nakakaramdam ka rin pala ng awa?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong akala mo sa akin, halimaw?"
Agad siyang tumango. "Oo. Halimaw sa kama. Wasak ang p********e ng mga babaeng natitira mo."
Tinawanan ko siya. "Kasalanan na nila 'yon. Malalandi sila eh."
"Eh malandi ka rin naman. Pinapatulan mo sila," sabi niya sabay tawa.
"Wow naman. Nahiya naman ako sa kalandian mo. Sa ating magpipinsan, ikaw ang pinakamalandi. Lahat na lang tinitira mo. Kaya huwag mo akong sabihan ng malandi dahil kapag hindi ko gusto ang babae, wala akong pakialam sa kaniya kahit maghubad pa siya sa harapan ko," mariing kong sabi bago kumain.
"Oo na ako na ang malandi at ikaw na ang hindi masyadong malandi," natatawang sabi niya.
Nang matapos kumain si Shaun ay kaagad din siyang umalis. Malamang ay pupunta na naman 'yon sa mga babae niya. Hindi ko alam kung dalawa ang babae niya ngayon o tatlo. Mahilig kasing magsabay ng babae 'yang si Shaun. Mas nagiging busy pa siya sa babae niya kaysa sa mga negosyo niya.
Matapos kong maligo at magbihis, nagtungo na ako sa mga branch ng negosyo ko. So far, maganda naman ang income sales nilang lahat. Kahit na saang lugar sila nakatayo. Kaya naman maraming pera ang pumapasok sa akin.
"Wilder..."
Napatingin ako sa kaliwa ko. At nakita ko ang nakangiting si Carla. Ang babaeng napatikim ko lang ng malalang bayo, nabaliw na sa akin. Sabagay, sino ba namang babae ang hindi mababaliw sa akin pagdating sa kama. Doon yata ako magaling.
"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kaniya.
Mapang- akit siyang ngumiti. At saka hinaplos niya ang braso ko nang makalapit siya sa akin. "Ikaw... ikaw ang kailangan ko, Wilder. Kailangan mo ulit ako papagurin sa kama?"
Nginisihan ko siya. "Masyado ka namang nasiyahan sa ginawa ko sa iyo. Actually, hindi ko alam. Wala akong gana ngayon eh. Lalo na sa iyo."
"Ouch. Ang hard mo naman sa akin. Bakit? Hindi ba ako magaling? Eh lahat naman din kinain ko, ha. Pati itlog mo, kinain ko rin naman 'yan. And I'm sure na nag- enjoy ka rin sa ginawa kong pagpapaligaya sa iyo," mayabang na sabi niya.
Natawa ako. "Kung makapagsalita ka naman, akala mo ikaw na ang pinakamagaling sa kama na babaeng natikman ko. Nagkakamali ka, Carla. May mas magaling pa sa iyo. Kaya kung ako sa iyo, maghanap ka ng lalaking magkakamot sa iyo. Huwag ako."
"Wilder naman...ikaw ang gusto ko. Ayoko sa iba. At saka, the best ang sa iyo eh. Solid sa laki. Ang taba at ang haba. Kaya ikaw ang gusto kong pumasok sa akin," wika niya at saka mapang- akit na kinagat ang kaniyang labi.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. Hindi na ako natutuwa sa kalandian ng babaeng 'to. Masyadong hayok na hayok sa bayag ko. Halatang marami ng nakatikim sa kaniya. Nakakasawa rin pala ang basta na lang bira nang bira. Nakakasawa rin pala ang malalanding basta na lang bubuka. Parang mas trip ko pa tuloy ang pakipot.
"Tigilan mo ako, Carla. Doon ka sa iba. Hindi lang naman ako ang lalaking may malaking bayag sa mundong 'to," inis na sabi ko.
Mahina siyang tumawa. "Bakit umaayaw ka na pagdating sa kama? Mukhang may iba na yatang nagpapasaya sa iyo. At sino naman siya?"
Walang emosyon akong tumingin sa kaniya. "Wala ka ng pakialam. Iba na lang ang kulitin mo huwag ako," sambit ko bago umalis sa kaniyang harapan.
Matapos kong mapuntahan ang lahat ng branch ng negosyo ko, naisipan kong puntahan si Monica. Ang alam ko ay doon na siya nakatira sa bahay ni aling Modta. Ang matandang babae na walang preno ang bibig. Medyo malayo ang lugar nila mula sa bahay ko. At ewan ko ba kung bakit pa ako nagtyatyagang puntahan ang babaeng 'yon eh wala naman akong mapapala sa kaniya. Maganda lang naman siya at maganda rin ang hubog ng katawan. Malaki rin ang dibdib niya.
Pagkarating ko doon, sa isang tabi ako nag- park ng sasakyan ko. At saka naglakad na ako papasok sa may kalakihang karinderya ni aling Modta. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming kumakain sa karinderyang ito. Masarap kasi ang mga ulam.
"Wilder?" gulat na sambit ni Monica nang makita ako.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh bakit parang gulat na gulat ka yatang makita ako?"
Sinimangutan niya ako. "Ano na naman bang ginagawa mo dito, ha? Mang- iinis ka na naman ba?"
Tinawanan ko siya. "Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito. Kaya ako nagpunta dito para kumain sa karinderya na ito ni Aling Modta. Dahil nasarapan ako sa mga ulam."
Inirapan niya ako. "Okay sabi mo. Anong ulam mo?"
"'Iyong kalderetang baka ulit at saka chicken curry," nakangiting sabi ko.
Nagsandok na siya ng in- order kong ulam. Habang ako naman ay naupo sa isang tabi. Napansin ko ang isang matandang nakatingin kay Monica. Sa paraan pa lang nagpagkakatitig nito, halatang may pagnanasa siya sa dalaga.
"Monica...bakit ba ang ganda mo palagi? Kailan mo ba ako papayagang manligaw sa iyo? Sinasabi ko sa iyo, Monica...kapag ako ang napangasawa, magiging marangya ang buhay mo sa akin. Marami akong gintong alahas sa malaki kong bahay. Sa iyo ko lahat ibibigay iyon," nakangiting sabi ng matandang lalaki.
Sa tingin ko ay nasa edad singkuwenta na ang lalaking ito. Hindi naman kaguwapuhan. Mukha ngang unggoy na puyat. At bansot pa. Naninilaw pa ang kaniyang ngipin na katulad na rin ng suot niyang kuwintas. Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang matandang ito para sabihin iyon kay Monica? Akala niya ba papatulan siya nito? Sira ulo!
"Alam niyo po, Mr. Tinamuran, huwag po ako. Doon kayo sa kasing edad ninyo. Never kong naisip na papatol ako sa isang matandang mayaman. Buti sana kung ibang lahi ka, baka puwede pa. Pero ikaw mismo, hindi. Sa dami niyo ngang pera ni hindi niyo natanggal ang amoy anghit niyo sa katawan. Tapos nangangarap kayo na mapangasawa ako? Ano kayo, gold?" mataray na sabi ni Monica.
Patago akong natawa. Habang ang matandang lalaki na si Mr. Tinamuran naman ay nakangisi lang na nakating kay Monica. Baliw na yata ang lalaking 'to. Nasabihan na nga ng masakit na salita, nakangiti pa rin. Walang hiyang matanda.
"Huwag kang mag- alala, Monica...matatanggal din ang anghit kong ito sa katawan ko. Magpapa- derma na rin ako. Sinisigurado ko sa iyo na magiging mabango ako ng sobra kapag naging mag- asawa na tayo," sambit pa ng matandang unggoy.
Nakaramdam ako ng inis habang pinakikinggan ang sinabi ng matandang unggoy na iyon. Inilapag na ni Monica ang ulam na in- order ko sa harapan ko pati na rin ang kanin.
"Hoy, mukhang kursunada ka talaga ng matandang unggoy na 'yan, ah. Saan siya kumukuha ng lakas para sabihin sa iyo 'yon?" sabi ko kay Monica na nakatayo sa gilid ko.
Huminga siya ng malalim. "Huwag mo ng pansinin. Dati pa 'yan. Isang taon na yatang nagpapapansin sa akin ang unggoy na 'yan. Mayamang negosyante 'yang si Mr. Tinamuran. Kilala 'yan dito. Maraming sasakyan at lupa. Marami ngang babaeng kasing edad niya ang gusto siyang mapangasawa eh. Kasi nga mayaman. Ewan ko ba kung bakit ako ang trip niya. Asa naman siyang papatulan ko siya."
Mahina akong tumawa. "Ibang klase rin kasi ang ganda mo. Pati matandang unggoy ay nahuhumaling sa iyo," pang- aasar ko sa kaniya.
Pinandilatan niya ako. Halata na sa mukha niya ang pagkainis. "Letche ka. Kahit siya na lang ang matirang lalaki sa mundong ito, hindi ko siya papatulan. Kita mo naman ang itim- itim niya. Malamang sa malamang, maitim din ang bayag niyan pati itlog niya. Ewww..." nakangiwing sabi niya bago umalis sa harapan ko.