ANALYN POV Nang iminulat ko ang mga mata ko, kaagad kong naramdaman ang kamay ni Brent. At sobra akong nagulat dahil hawak niya ang cellphone ko at ia unlock niya pa ang screen nito gamit ang finger print ko. Iniiwas ko ang kamay ko sa kanya. Hindi niya pwedeng mabasa ang messages ko kay Richard na pilit akong kinukulit sa chat. Sigurado ako na magiging malaking gulo ito. Mabuti na nga lang at mabilis kong nai delete ang message sa akin ni Richard kanina bago pa man maagaw ng asawa ko ang cellphone ko. Pero siguro kaya rin ako nawalan ng malay ay dahil sa stress ko kay Richard na tumawag kay Brent. Hindi ako pwedeng mag pahalata sa kanya na interesado akong marinig ang usapan nilang dalawa pero gusto kong malaman kung ano talaga ang pakay ng gagong yun gayong pinayagan ko na siya