ANALYN POV "Sure Ako na kung gising ka ay matutuwa ka sa mga narinig mo sa asawa mo! Pero it does not necessarily means na nagtagumpay ka na. Nagsisimula pa lang ang pag tutuos natin Analyn, at kapag may nakita Ako na butas sayo, uudyukan ko ulit ang asawa mo na kuhain ang anak ninyo at layuan ka na." Naiinis ako pero hindi ko hahayaan na ilayo niya ang anak ko sa akin. Kung ano man ang pina plano niya, titiyakin ko na hahadlangan ko ito. Marami pa siyang sinabi sa akin pero lampas tenga na lang ako. Lumipas ang ilang minuto, nag bukas ang pintuan muli. Napanatag na ang loob ko dahil sigurado ako na si Brent ito. "Hello amiga, kamusta na si Analyn?" Teka, mukhang dumalaw na si Ninang Helen. Mabuti naman at dumating siya. "Heto hindi pa rin nagigising," sagot ni Mama Cynthia sa k