BRENT POV Sobrang tindi ng kabog ng dibdib ko at halos nanginginig ako habang nasa tenga ko ang phone. "Oh anong problem Brent? Wag mo sabihin sa akin na naliligaw pa kayong dalawa ni Analyn? My gosh!" "Ma... si Analyn po... bigla siyang hinimatay," nanginginig na sabi ko sa kanya. "Eh di tumawag ka ng ambulance," sambit niya na para bang Hindi siya concern sa nangyari sa asawa ko. Pero imbes na magalit Ako sa kanya at humaba pa ang gulo, mas pinili ko na lamang na wag siyang patulan. "Kitain mo ako sa ground floor ma, kailangan kong dalhin si Analyn sa hospital." "At bakit Brent? Doctor ba ako? Sige na, magpapadala ako ng tao jan para samahan kansa hospital. Sige na, I also need to rest. Bukas, dadalaw naman ako sa asawa mo." Naba badtrip Ako kay mama kaya binabaan ko na siya