1
ANA POV
Nasa cr ako, pang limang pregancy test ko na subalit negative pa rin ang nalabas. Halos maiyak na lamang ako sa sobrang depress, nakasandal sa dingding habang pumapatak ang luha sa aking mga mata. Mahigit isang taon na kaming kasal ni Brent subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami mag karoon ng anak.
Paano na ako ngayon? Ano ang gagawin ko?
Isang malakas na katok sa pinto ang gumulat sa akin.
"Hoy Ana, nasaan na ang breakfast ko? 8 am na ng umaga pero nakahilata ka pa rin ba?!" sigaw ni Mama Cynthia, ang masungit na nanay ni Brent. Sa totoo lang, tutol talaga siya sa relasyon naming dalawa pero ipinaglaban ni Brent ang pagmamahalan naming dalawa. Kaagad kong pinunasan ang luha ko at tinapon ang huling pregnancy test na ginamit ko.
Sinuot ko na ang apron ko at lumabas, pag bukas ko sa pinto, bumungad sa akin ang mother in law ko na maraming nakapalupot na alahas sa kanyang leeg. Nakasimangot siya sa akin.
"Sorry po Ma, ihahanda ko na po ang breakfast ninyo," yumuko ako at umalis kaagad, hindi ko talaga kayang tingnan ang mga matalim na mga mata niya sa akin.
Kaagad akong nag tungo sa kusina at tsaka ko siya ipinaghanda ng makakain. Sinundan naman niya ako at naupo sa sala.
"Siya nga pala, uuwi ngayong gabi si Brent after one week ng pag aayos nila ng project sa Batangas, baka naman mayroon kang magandang ibabalita sa kanya kasi isang taon na kayong kasal."
Mabuti na lamang at nakatalikod ako sa kanya. Hinihiwa ko ang sibuyas habang ipakukulo ko ang kawaling pag lulutuan ko ng paborito niyang pork steak.
"Ma, ipagluluto ko na lang po ulit si Brent ng makakain mamaya. Magse set up ako ng romantic dinner para sa aming dalawa. Siguro naman ay sapat na 'yun para ma surprise siya."
"Hindi 'yan ang gusto kong lumabas sa bibig mo iha! Ang gusto ko ay mabalitaan ko na buntis ka na sa kanya, baka nakakalimutan mong isang taon na kayong kasal? Sukang suka na ako na hindi ka man lang mabuntis ng anak ko, yung totoo Ana, may matris ka ba? Anong silbi niyan?"
Napapikit ako pero nauna nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Napahigpit pa ang paghawak ko sa kutsilyo. Punong puno na ako sa mama ni Brent pero dahil sa mahal ko ang asawa ko at nirerespeto ko siya, pinag papasensyahan ko na lang siya.
"Wag po kayong mag alala, pag dating ni Brent, susubukan ulit naming gumawa..." napabuntong hininga ako ng malalim, ito lamang ang tanging naisagot ko sa kanya.
"Nako! Sinasabi ko na nga ba, kung nakinig lang sana sa akin si Brent, dapat si Cassandra na lamang ang napangasawa niya. But anyway, I will talk to him about this. Sa mga amigas ko, ako na lamang ang walang apo. Hindi ko naman gusto na ma left behind."
Nasasaktan ako sa naririnig ko sa bibig niya pero nag lampas tainga na lamang ako. Nang maluto ko na ang pagkain, inilapag ko ito sa harapan niya.
Tiningnan niya ako ulit ng matalim.
"Sana po ay magustuhan ninyo ang niluto ko," kabadong sabi ko sa kanya.
"Napapansin ko na tumataba ka na, pwede bang mag bawas ka ng timbang mo? Baka kasi 'yan ang dahilan kung bakit nawawalan ng gana ang asawa mo! Ang layo layo ng hitsura mo noong napulot ka lang niya sa isang bar, sabagay mukhang doon ka rin naman babagsak kapag iniwan ka niya ulit."
"Wag po kayong mag alala, nagbabawas na naman ako ng kinakain ko."
"Pwede ka nang umalis, hindi ko gustong makita ang pagmumukha mo habang kumakain ako. Tatawagin na lamang kita ulit kapag kailangan ko."
"Sige po," sambit ko, muli akong nag punta sa kwarto naming dalawa ni Brent. Sumadal ako sa pader, hanggang kailan ko kaya kayang pakisamahan ang nanay niya na wala nang ibang ginawa kung di punain ako?
Nag ring ang telepono sa table kaya sinagot ko ito.
"Hello hon? Kamusta ka jan? Marami akong pasalubong para sayo. Uuwi ako mamaya."
Pinilit kong ngumiti para mapagtakpan ang pag hihirap ko sa pakikisama sa kanyang mama.
"Okay naman ako at wala naman kaming problema rito ng mama mo. Ingat ka Brent..."
"Are you sure? Bakit parang ang lungkot yata ng boses mo?" tanong niya.
Mas siniglahan ko pa ang boses ko, "Ha? Of course masaya ako, baka choppy lang ang signal nating dalawa."
"Ah okay, sige Ana, sa Sunday na pala ang one year anniversary nating dalawa. Ang kaso lang, babalik ulit ako sa Batangas kaya hindi tayo makakapag celebrate ng one year anniversary."
Para sa akin, naiintindihan ko naman ang asawa ko. After all, isa siyang Engineer at sobrang masigasig siya sa work. Kaya ngayong gabi, maghahanda ako ng sorpresa ulit para sa kanya. Pwede naman naming i advance ang anniversary celebration namin.
"Okay lang, naiintindihan ko naman na busy ka sa work."
"Siya nga pala Ana, binyag pala ng anak ng kumpare ko kanina, si Marco, and then plano sana nilang mag asawa na imbitahin tayong dalawa. Pero sa next week pa naman, day off namin sa work."
Bakas na bakas ko ang lungkot sa boses ni Brent. Halatang nasasabik na rin siya na magkaroon kaming dalawa ng anak.
"Oo naman. Mabait naman din ang asawa niya so walang problema sa akin."
"Ana, kasi medyo nakaka stress lang din dito sa office. Sa aming limang engineers, ako na lang talaga ang wala pang anak. Ayaw naman sana kitang i pressure pero gawa ulit tayo ng baby mamaya, gusto ko sana pag punta natin sa binyag ng anak nila, mayroon na rin tayong baby."
"Wa... walang problema Brent. Kahit naman ako, gustong gusto ko na ring magkaroon ng baby."
"Salamat Ana, wag ka rin sanang magpaka pagod jan sa bahay. Baka yan kasi ang nagiging sanhi kung bakit hindi tayo makabuo ng baby. Kung gusto mo, magha hired tayo ng kasambahay natin."
"Ha? Hindi naman mabigat ang trabaho ko rito, sa katunayan halos wala naman akong masyadong ginagawa. Subok lang tayo ng subok, hindi naman madamot ang Diyos, naniniwala naman ako na mayroon siyang perfect timing."