BRENT POV "Sino ang tinatawag sayo?" tanong ni Analyn. "Ahh wala... si Marco lang ang tumatawag sa akin." "Wag mong sabihin sa akin na hanggang ngayong gabi ay trabaho pa rin ang tinatawag niya?" Hinalikan ko na lamang si Analyn sa noo. "Sige na hon... ako na ang bahala, susunod Ako kaagad sayo." Pumasok na siya sa loob ng kwarto namin at tsaka sko nagpunta sa balcony upang sagutin ang tawag niya. "Oh gago bakit ka napatawag ng gabi?" sambit ko, ganito naman talaga kami kapag hindi oras ng trabaho. Normal na normal sa amin na nagtatawagan ng ganito. "Boss kamusta ka?" sambit ng lalaki na may pamilyar na boses pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig. "Teka sino ito?" kumot noo kong tanong. "Ikaw naman boss... ang dali mo namang makalimot? Hindi mo ba ako naaalala? Het