ANALYN POV Pumasok na rin sila Brent at ang mama niya sa loob. At kagaya ko, namangha rin sila sa ganda ng pagkakaayos sa loob. "In fairness Brent, mukhang magaling ang interior designer na hinired mo. Ilang ang rooms nito?" "Siyempre ako pa ba? Tatlo ang kwarto rito sa loob. Isa sa amin ni Analyn, isa sa inyo at isa sa kasambahay. Pero sa amin ni Analyn ang pinaka malaking kwarto." Sinamahan ni Brent ang mama niya sa kwarto nito. Samantalang ako naman, nag punta sa malaking balcony na tanaw ang labas. Ang ganda ng view Kasi kita ang dagat at sobrang presko pa ng hangin. Talagang literal na province talaga kasi mas maraming mga puno kaysa sa mga gusali. Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang mga yapak ng paa ni Brent papalapit sa akin. "Nang makita ko sa personal itong balco