ANALYN POV "At ano naman po yun doc?" tanong ni Brent. "Hindi po pala makakaalis ang patient kapag hindi pa bayad ang hospital bill." "Mawalang galang na pero mukha ba kaming mga pulubi? Sana manlang ay tumingin ka muna sa mga alahas ko." "Ma," pag aawat ni Brent sa mama niyang sobrang war freak at walang pinipiling lugar, "Sige doc, pupunta ako sa cashier mamaya para makapag bayad ng bills." Mabuti na lamang at may manners ang asawa ko. Umalis na ang doctor at isang oras ang nakalipas, na discharge na rin ako sa wakas sa hospital. Si Brent ang nagmamaneho ng sasakyan namin. Nasa unahan ako samantalang nasa likod naman ang biyenan ko na may sariling mundo. Pa selfie selfie lamang siya. Pero mabuti na rin ito dahil ayaw ko naman na makisali pa siya sa usapan naming mag asawa. "Bre