ANALYN POV "Si Brent na lang din po ang pamilya na meron ako," sagot ko sa kanya. "Masakit din sa akin na mawawalay kayo sa kanya kaya sana ay magkasundo na tayong dalawa alang alang kay Brent." Tinaasan niya ako ng kilay, "Sure! Over my dead body! Muchacha ka pa rin sa paningin ko kahit na anong gawin mo. Pero considering na buntis ka at ayaw kong mapahamak ang apo ko, hindi ko masyadong gagawing impyerno ang buhay mo. Sige na Analyn, let us avoid having anymore arguments. Ayaw kong masira ang araw ko. Bukas na bukas, ang bagong kasambahay na natin ang mag titimpla ng kape para sa akin." Nanginginig pa rin ang laman loob ko kahit na umalis na ako sa harapan niya. Isang oras din ang nakalipas ng dumating si Brent dala ang mga prutas na binili niya. --------------------------- -------